|| JIAN LOUIS MADRIGAL POV ||
Three O'clock in the afternoon pa lang ay naghanda na ako ng mga kakailanganin sa gagawin namin mamaya sa Gym. Nag-text kasi kagabi si Sir na magdala na raw kami ng mga sarili naming gagamitin mamaya para di na maka-abala sa iba kung sakaling kakailanganin ng gamit.
Bukod syempre sa mga gamit na dadalhin at gagamitin namin mamaya sa Gym ay nagdala na rin ako ng ilang bagay na gagamitin naman namin ni Ellie mamaya. Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko ang itsura nya, para syang natatae na ewan sa itsura nya. Hehe.
Namumutla sya noong una pero no'ng sinabi ko na paano kami nakakasiguro na may nagmumulto nga talaga doon sa likod ng building ng College of Engineering kung di naman namin makikita ng mismong mata namin ay napapayag na rin sya.
"Jian! Halika na rito at luto na ang meryenda!" narinig ko na ang sigaw ni Nanay. Kanina ko pa naaamoy ang meryendang niluluto nya, takam na takam na nga ako eh. Ginataang bilo-bilo ang niluto nya kaya naman talo-talo muna tayo, kakain na muna ako. Hehe.
"Oh, halika na rito. Maupo ka na dyan at pagsasandok na kita." sabi ni Nanay na abalang-abala sa niluluto nya. Tulad ng sabi nya ay naupo na lang ako at inantay ang pagkain.
Nang makasandok na si Nanay inumpisahan ko na kaagad kainin. Syempre naman no, favorite ko yata 'to!
Habang kumakain ako si Nanay naman nag-aayos parin sa kusina, tinawag ko nga sya para samahan ako pero mamaya na lang daw sya.
"Nay, sino palang tao doon sa Store?" tanong ko sa kanya. Six pa ng hapon umuuwe si Nanay, pero nong nalaman nyang gabi ang balik ko sa school ngayon inagahan nya daw ang uwe nya.
"Ahh. Sila Astrid yung nandoon. May mga bagong tao naman doon. Anim yata sila ngayon doon kaya nauna na akong umuwe." sagot ni Nanay mula sa kusina pero di man lang ako nililingon. Busy kasi sa pagluluto kaya di ko na rin inabala.
Saktong Four nang matapos akong kumain, sandaling nagpahinga lang tyaka ako bumalik sa kwarto ko para maligo. Nagtext kasi ako kay Ellie kanina na magkita kami sa tapat ng School para sabay na kami pumasok.
"Nay, punta na po ako." paalam ko kay Nanay habang bumababa ng hagdan. Sinilip ko sya sa kusina na favorite spot nya sa bahay pero wala sya kaya pumunta na lang ako ng salas.
"Nay." tawag ko sa kanya. Nakaupo lang pala sya sa sofa nanunood ng T.v.
"Oh!?" tanong nya pa na parang naistorbo ko pa sya sa panunuod nya.
Nilapitan ko nga sya at humarang sa pinapanuod nya. "Jian naman tumabi ka nga dyan. Nagpakita na si Ivy Aguas oh!" sita ni Nanay.
Napatingin naman kaagad ako sa T.v matapos marinig ang sinabi nya, di ko kasi napansin yung pinapanood nya nong una. Wildflower na pala.
"Aaayy.. antaray ng entrada nya Nay oh! May pa-fountain pa sya." nakitabi na rin ako kay Nanay sa Sofa at sabay naming pinanuod ang pagbaba ni Ivy Aguas. Ito na yung part na magpapakilala syang Lily Cruz eh. Kaharap si Triso Cruz at Sunshine Cruz.. ang mga tunay na Cruz! Hahaha. Waley. Okay!
"Oy bakit nanunuod ka pa, anong oras na?" tanong ni Nanay habang kumakain ng Ginataang bilo-bilo. Di ko sya natignan dahil super nood talaga ako sa Idol ko pero sinagot ko parin naman sya.
"Ano ba naman yan, Nay ang laki-laki ng Wall Clock natin oh! Ayan sa mga dingding kulay Gold yan ang laki. Tatanong pa ng oras eh." pabirong sagot ko sa kanya. Nakita ko pang binaba nya ang hawak nyang mangkok at ang akmang pagkunyat sa akin kaya naman pinigilan ko na sya agad.
"Oops. Char lang yun Nay, wag ng manakit baka ipa-bantay bata kita." banta ko pa sa kanya pero tinuloy nya pa rin ang pagkunyat sa akin. Hanshaket!
"Ede ipa-batay bata mo. Ibaon pa kita sa lupa!"
"Hala!? Naku Nay, A-Ivy Aguas ako nyan. Babangon ulit ako tapos sasabihan kita ng WAG! AKO!" tumayo pa ako at nag-pose ala-Ivy para intense. Tinaasan lang naman ako ng kilay ng Nanay kong ma-ala Emilia.
"Oo sabihin mo yan sa Professor mo pag Late ka." sabi nya sabay subo ng kinakain nya. Hayys, gusto ko pa manuod eh.
"Alis na nga ako. Video-han mo Nay ha, papanuorin ko mamaya!" bilin ko kay Nanay habang kinukuha ko yung mga dadalhin ko.
"Mag iwant TV ka na lang." Aba!? Ang Nanay uma-iwant T.V, haha.
"Sige na nga Nay, punta na po ako baka magpakamatay na yun si Ellie kahihintay." paalam ko sa kanya. Lumapit muna ako sa kanya bago yumakap at humalik sa pisnge nya.
"Mag-ingat. Tumawag ka kung pauwe ka na para masundo ka ng Tatay mo." bilin nya sa akin bago ako lumabas ng bahay at namara na kaagad ng sasakyan.
•••••
Ten minutes lang naman ang binuno ko sa daan bago ako nakarating sa tapat ng School kung saan ko pinahintay si Ellie.
Pagkababa ko ng sasakyan nakita ko kaagad si Ellie na naka-upo sa bench. Kinawayan ko sya pero snob lang ang binati nya. Hahaha, naiinis 'to kasi pinag-antay ko sya.
"Kainis ka! Alam mo namang ayaw ko ng pinag-iintay. Pinaasa na nga ako, pinag-hintay pa ako! Ang isang Diyosa na katulad ko ay hindi dapat pinag-aatay, always keep that on your mind!" natatawa na lang ako habang nagsasalita ito at may pakumpas-kumpas pa. Sanayan lang talaga sa tama netong Besh-friend ko. Hehehe.
"Sorna nga eh." nakangiting pag-sorry ko na lang sabay peace sign. Hinampas nya pa ako ng mahina sa braso. "Tara na nga!"
Sabay kaming pumasok ni Ellie sa loob ng Campus, hinarang kami ng Guards syempre pero nakadaan rin kami dahil dala naman namin ang mga ID namin at nasa List ang mga pangalan namin. Halatang wala ng katao-tao dito sa harap kaya tiyak ganun rin sa likod.
Halos labas-dila kaming nakarating ni Ellie sa Gym. Nakakahingal talaga dahil malaki ang campus at nasa pinakalikod pa ang Gym kaya mula sa bungad ng School hanggang dito nilakad lang namin isama pa na nag mamadali na kami dahil lampas na sa exact Five.
Napansin namin ni Ellie na nakabukas na ang ilaw ng malaking Gym namin. Nang makapasok kami nandoon na ang iba at may kanya-kanya ng ginagawa. Napansin rin namin na marami na ring mga Faculty members ang nandoon. Mukhang may ginagawa silang paghahanda para sa gaganaping Final Day ng Event bukas. Nga naman kung sa umaga nila gagawin makaka-abala lang sa isa't isa ang ginagawang pag-aayos at paghahanda nila.
"Mr. Madrigal, Ms. Laurel!" tawag sa amin ni Sir Dann pagkarating namin. Napansin ko rin sila Jarenth na may inaasikaso kasama ang pinsan nya at ilang di ko kilalang estudyante.
"Sir sorry po na late kami." bungad ko kaagad pagkalapit namin. 5:15pm na kasi. 15 minutes late kami.
"Ayos lang, di pa naman kompleto lahat eh. Mabuti na yung pinaagahan namin ang call time para maaga din matapos." sabi naman ni Sir. Naku, mabuti naman kung ganun. Akala namin late na kami, tumakbo-takbo pa kami.
"Eh, ano po bang gagawin namin, Sir?" tanong na ni Ellie. Inaya naman kami ni Sir sa isang room kaya sumama kami kaagad.
"Ito oh, since mahusay kayo sa decoration and designing kayo na ang papagawin ko neto." sabi nito at may kinuha syang plastic. Inilabas nya ang laman no'n at ipinakita sa amin.
"Christmas Lights? Ang aga yata nyan Sir?" agad na puna ni Ellie. Sinamaan ko na lang sya ng tingin para magtigil. Mukhang tumalab naman kasi hinigop nya yung labi nya. Haha, shunga talaga.
"Saan po ito ilalagay?" tanong ko na lang ng gagawin bago ko nilapag yung mga dala namin.
"Itong mga unang plastic sa taas ng stage, itong pangalawa sa baba ng stage tapos itong natitira sa dalawang poste na nakalagay sa Stage na lang para magkabuhay naman yung mga poste doon." pagbibigay nya ng gagawin namin.
Tumango naman ako at pinag-kukuha yung tatlong plastic. Pinakuha ko na rin kay Ellie yung mga pinadalang gamit sa amin ni Sir.
Kaming dalawa lang ni Ellie ang gumawa ng Christmas Lights thingy dahil mukhang madali lang naman kumpara sa iba na talagang pulido ang mga pinag-gagawa at mukhang may buhatan pang nagaganap.
Una naming natapos ni Ellie yung sa baba ng stage. Ito na ang inuna namin dahil yung ibang Professor ay nasa taas ng stage, baka maka-istorbo kami.
"Kerri na 'to, Besh?" paghingi ni Ellie ng opinyon sa ginawa nya. Tinignan ko naman yun at mukhang ok na nga.
"Oh, tawagin na natin yung magkakabit neto sa wiring system para ma-cheek." sabi ko sa kanya kaya tumayo muna kami para lapitan yung kinuha nilang mag-sound and light system dito sa Gym.
Inayos naman nila yun kaagad at mas gumanda tignan yung stage dahil sa pa-christmas lights ni Mayora.
"Oohh! Ang bongga! Wala pang Pasko pero may pa-christmas lights na. Merry Christmas, Everyone!" natatawang sigaw ni Ellie. Nagtawanan naman lahat sa ginawa nyang pagbati. Loka talaga.
Sunod naming inupakan ni Ellie yung sa Stage. Medyo malaki ang back ground wall ng stage kaya natagalan kami ni Ellie. Naubos na rin yung dala naming tape kaya bumaba muna ako para maghanap ng mahihingan.
"Samuel, may extrang tape pa kayo dyan? Naubusan na kasi kami eh hin--"
"Wala na. May gamit kayong dala diba!?" putol sa akin ng Pinsan nyang wala ng ginawa kundi manira ng araw. Napaka-bwesit talaga.
"Ede wala! Isaksak mo sa baga mo yang tape mo!" sigaw ko nga sa kanya tyaka tumalikod. Apakadamot!
Sunod kong pinuntahan si Sir Dann kasi wala talaga akong mahiraman. Wala na ngang napala na-bwesit pa ako ng epal na Jarenth na yun, panira ng magandang gabi.
"Sir wala na pong Tape naubos na. May extra po ba dyan?" tanong ko sa kanya.
"Naku wala na rin. Paano ba 'to? Bili na lang kaya kayo, damihan nyo na kasi baka kulangin na rin yung iba." sabi nya. Mukhang no choice naman ei.
Inabutan ako ng pambili ni Sir Dann kahit sabi ko kami na lang ang gagastos. Sinama ko na rin si Ellie. Napansin ko lang na madilim na pala dahil Seven na ng gabi kaya pasimple kong kinuha yung flashlight na dala ko sa bag ko. Napansin ni Ellie yun kaya palihim nya akong kinausap.
"Besh ha, bibili lang tayo ng tape deeba?" paninigurado nya pa pero kita sa mukha nya na kinakabahan sya.
"Dadaan na lang din naman tayo doon kaya minsanin na natin." mahinang sagot ko na nagpatigil sa kanya.
"Ayaw na Besh, ayaw." pagtanggi nya pa. Inirapan ko na lang sya at tinalikuran.
"Bahala ka dyan. Pag di mo ako sinamahan magkalimutan na." sabi ko naman bago lumakad palayo. Alam kong sasama yan. Ginanyan nya na rin ako minsan eh noon sa Club, hmmp its my turn.
"Uyyy.. wait nga, sige na sama na ako." nakanguso pa syang lumalapit sa akin halatang napipilitan.
"Kung napipilitan ka lang na samahan ako wag na lang. Kaya ko naman magisa isa." pinaseryoso ko pa ang boses ko para mas effective. Lihim akong napangiti nang umiling sya at bumuntong hininga pa.
"Tara na nga! Wag lang subukang magpakita sa akin ng White Lady na 'yan talagang lulutlutin ko talaga ang rebonded nyang buhok makikita nya!" gigil na wika ni Ellie at nauna pang lumakad. Haha.
Huminto kami ni Ellie at nagkatinginan. Nandito na kami sa bungad sa likuran ng nasabing building. Napakadilim at halos hindi mo makita ang kabilang dulo, kapag nakalagpas kami dito mabilis kaming makakarating sa harapan ng Campus kung saan ang Department namin. Napakadilim talaga, parang ayoko na rin yata ahh.. pero, nandito na kami tyaka may dala naman kaming flashlight.
"Besshhh... tara na kasi." mahinang sabi ni Ellie habang kapit na kapit sa braso ko. Mas nakakadag-dag ng takot yung ginagawa nya eh. Nauuga nya yung hawak kong flashlight kaya kung saan-saan tumatama yung liwanag.
"Tumigil ka nga dyan. Nauuga mo yung ilaw natin oh." mahina ko ring sita sa kanya. Natahimik naman sya at nakisabay na lang sa akin sa paglalakad.
Nagpapalinga-linga ako sa paligid, kung totoo nga na may multo rito makikita namin yun ngayon. Sabi nila gabi nagpapakita yun at sa mga dumadaan pa na night shift students kaya naman susubukan namin kung totoo ba talaga na meron.
Nakakatakot nga talaga. Yung dilim, yung lamig tyaka yung tunog ng hangin pero sige parin kami ni Ellie, tuloy parin sa pag-go-Ghost Hunting.
Dahil sa bagal ng paglalakad namin at sa kakulitan ni Ellie di pa kami nakakalayo may narinig na kaming kaluskos sa likod ng mga puno. Huminto kami kaagad at itinutok ko ang flashlight doon.
"Besh ayoko naaa.. tara na please." pagmamaka-awa na ni Ellie na parang maiiyak at maiihi na.
Kahit ako ay nangangatog na rin sa takot kanina pa pero nilalakasan ko na lang ang loob ko dahil the more na tinatakot mo ang sarili mo mas lalo ka lang tatakutin ng kung anong iniisip mo, isama mo pa na may kasama akong anytime pwede ng himatayin sa nerbyos.
Nanatiling nakatutok sa gawi ng mga puno ang ilaw namin ni Ellie. Naririnig kong nagdadasal na sya na sana wala daw Mumu. Ilang sandali lang ay may namataan akong gumalaw sa may bandang kaliwa namin kung nasaan ang Cr kaya mabilis kong inilipat ang ilaw doon. Halos hampasin na ng kaba ang dibdib ko lalo na no'ng may mabilis na itim na pigura ang biglang dumaan.
"Kyyaaahh!!"
"Aahhh!!"
Sabay naming tili bago nalaglag ang hawak naming flashlight at namatay. Binalot ng dilim ang paligid.
=====••
|| SAMUEL DOMINGO POV ||
Ayooonn! Ayos! Buti naman may P.O.V na rin sa wakas! Hehe. Di na ako magpapakilala kasi kilala nyo naman ako diba!? Ang gwapong pinsan ni Jarenth. Samuel Domingo at your service!
So ayun nga. Kami nila Insan, Jian at ang maarte na Ellie ang pinili ni Sir Dann na sumama dito sa Gym ngayong gabi. Kami ni Insan ang na-a sign sa pag-aayos ng sound system kasama syempre yung mga mag-papatog-tog nito. Kami lang ni Insan ang tumulong sa pagbubuhat at kung saan ito ipo-pwesto.
Patapos na kami ni Insan sa pag-aayos ng mga maliliit na Speaker sa mga gilid gilid nang tawagin ako ni Sir.
"Ano yun Sir?" tanong ko kaagad.
"Sundan mo nga sila Jian doon sa labasan. Pinabili ko kasi sila ng tape, sabihin mo bumili rin sila ng stick glue. Tinatawagan ko sila kaso nasa bag pala nila yung phone nila eh." Ayy ganun. Eeii tapos naman na kami siguro pwede naman na.
"Ariglado Sir. Isama ko si Insan Sir ha." paalam ko rin. Tumango naman sya kaya pinuntahan ko na si Insan na naka-upo na lang.
"What?" tanong nya kaagad pagkalapit ko. Di ko muna sasabihin sa kanya ang tunay na dahilan, alam kong may World War kasi sila 'to ni Jian ei baka di ako samahan kapag sinabi ko.
Ayoko naman na ako lang mag-isa baka kung ano ano na naman ang gawin at sabihin sa akin ni Ellie. Maganda nga ang daldal at ang arte naman. Hayy buhay talaga parang life din. Hehe.
"Ahh, si Sir kasi may pinapabili sa atin sa labas, Insan." pagdadahilan ko. Tinaasan pa ako ng kilay ni Insan. Tsk, mukhang olats ahh.
"Bakit pati ako? Kaya mo naman na yan." sabi naman nya at sumandal pa sa inuupuan nya.
"Marami kasi yung pinapabili nya kaya kailangan ng tulong mo. Tara na Insan." dahilan ko ulit. Pinakatitigan nya muna ako ng matagal bago sya tumayo. Yes!
"Siguraduhin mo lang nyang sinasabi mo, Sam. Inabala mo ang pahinga ko." seryoso nyang sabi bago naglakad. Naku! Patay pala tayo dyan.
Tahimik lang kaming naglakad ni Insan, medyo madilim na kasi wala ng araw di katulad kanina, siguro nasa Seven na 'to.
Dahil nga tahimik lang kami ni Insan sa paglalakad ay may umagaw ng atensyon namin.
"What's that?" natanong ko. Pinakinggan ko pa ng maigi kung ano yun pero hindi na naulit.
"Doon galing sa likod ng College of Engineering." sabi ni Insan. Wow! Ang sharp naman ng hearing nya!
"Ano naman kaya yun? Tignan natin Insan." aya ko sa kanya. Sinamaan nya naman ako ng tingin.
"May bibilhin tayo sabi mo diba!?" madiing sabi nya. Mas naging madilim ang ekspresyon ng mukha nya. Parang di ko na nga makita dahil sa dilim rin ng paligid.
"Oo nga pero may daan din naman sa likuran no'n eh. I-sabay na natin, tignan lang natin kung ano." reason out ko muli. Sana kumagat.
Ilang segundo rin syang di nagsalita bago kumabig ng lakad papunta sa likuran ng College of Engineering. Napangiti na lang ako bago sumunod sa kanya.
Madilim dito kumpara sa mga dinaanan namin kanina pero ayos lang, wala namang may takot sa amin sa dilim ni Insan.. mas gusto nga namin ng madilim eh. If you know what i mean. Hehe.
Tahimik lang kami ni Insan na naglalakad hanggang sa may naaninagan ako sa dilim sa di kalayuan. Parang may naglalakad o kumikilos.
"Insan, nakikita mo ba nakikita ko?" tanong ko kay Insan. Parang may mga tao na nagkakagulo sa dilim.
"Oo." sagot naman ni Insan.
Nanahimik na lang ako at pinagmasdan mabuti yung gumagalaw na mga anino hanggang sa may narinig akong pamilyar na boses.
"Aayy.. bitawan mo sya!"
=====••
|| ELLIE LAUREL POV ||
Halos lumuwa na ang puso ko sa takot sa kagagahan ng lola nyo. Gaga talaga ng Taon! Pinaninindigan nya! Kung ano talaga ang pumasok sa utak gagawin nya talaga, loka! Bigla bigla na lang magpa-plano ng Ghost Hunting eh da-dalawa lang kami!? Ang shunga rin ng Besh ko eh, may gustong patunayan! Ang ganda ko naman masyado para maging Ghost Buster pero sumama na rin for the sake of our friendship.
Ayun na nga dahil sa kakahanap ng patunay na meron talagang nag-paparamdam dito sa likod ng College of Engineering eh nalagay kami sa mas nakakakilabot na eksenang ito. Pwede naman kasing kung naniniwala talaga sya na meron maniwala na lang, kaso hindi eh.. dapat may pa-proof of purchase emme pa ang lola nyo. Emme! Proof of purchase talaga!?
Sa sobrang kaba ko napakapit na lang ako sa kanya. We heard something behind the trees earlier, hinanap ni Besh yun sa paligid pero wala naman hanggang sa may nakita yata sya kasi bigla na lang nyang nilipat yung ilaw sa may gawi ng Cr and there... may nakita kaming naka-itim na biglang dumaan sa harapan namin.
Sabay pa kaming napatili ni Besh dahil doon at nalaglag rin namin ang hawak nyang flashlight. Para akong binumbahan ng hangin sa ulo mga teh! Nanlaki ang ulo ko, My Gossh!!
"Besh." tawag ko sa kanya. Kinapa-kapa ko sya at mukhang nakayuko sya kasi likuran nya yung nahawakan ko. Wala pa naman kaming dalang phone kasi naiwan namin sa Gym. Ano ba yannn.. Mommy help us naaa!!
"Ayaw na gumana." sabi nya. Feeling ko yung Flashlight ang ibig nyang sabihin.
"Kaya nga tara na eh. Natatakot na talaga ako." aya ko ulit sa kanya. Ang tigas kasi ng ulo ei.. kainissssh..
"Hindi. Di naman multo yung nakita natin eh, tao yun. Bakit may ibang nakapasok dito?" sabi nya. Ayan na naman sya sa kagaganyan nya eh.
"Besh, tara na parang awa mo na." Di ko na talaga kaya.. maiihi na ako eh. Iwant tv lang, anytime anywhere, ganun!
"Sandali lang. D'yan ka lang."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Aanooo!?? Iiwan nya ko.. No! I cannot!
"No Besh di pwede, hintayin mo ako magkamatayan na Besh di ako mag-po-pose dito." tutol ko na gusto nya. Hindi ako papayag na maiwan noh. Mamaya takasan nya ako eh. Naabutan ko naman sya kaya sa may braso nya ako humawak.
Lumakad lang kami ni Besh palapit sa Cr. Thank you sa cat eye ko dahil nag-a-adapt na rin sya sa dilim. Emme!
"Ano bang gagawin natin dyan?" mahinang tanong ko kay Besh kaya lang may biglang lumabas sa Cr tapos hinawakan si Besh.
"Aayy.. bitawan mo sya!" sigaw ko sabay lapit doon sa lalakeng naka-itim.
"Bitiwan mo ako!!" sigaw din ni Besh. Naririnig ko si Besh na nagsasalita kaya mas lumapit pa ako.
"Wag kang paki-alamero! Dahil sayo napornada yung gagawin ko!" sabi nong koyang nakaitim. Napornada daw, ang alin?
"Paano ka nakapasok dito!? M-magnanakaw ka no!? Kaya pala may nawawala lagi sa loob ng Building na yan. At yung nakikita ng mga night shift na nagmumulto raw dito sa likod ay ikaw!" matapang na sabi ni Besh. Ang taray ni Besh, pang action star na ang peg s***h detective na rin na naka-formulate agad ng series ng mga nangyari.
"Wala kang paki-alam. Magbabayad kayo ng kaibigan mo sa pakikialam nyo!" nanggigigil na sabi nong koyang kaya mas lumapit pa ako para sana pigilan sila hanggang sa biglang may umilaw kaya nakita ko si Besh na sakal sakal ng lalakeng naka-itim.
Ang bilis ng mga nangyari mga Besh. In just one blink of an eye nakabulagta na yung koyang sa sahig. Lumapit kaagad ako kay Besh para alalayan sya.
"Ayyyyy!! Besh ayos ka lang?" tanong ko kay Besh pagkalapit ko. Nakahawak sya sa leeg nya dahil sinakal nga sya nong koyang.
"J-jarenth!?" sabi ni Besh.
Pareho kaming nakatingin doon sa lalakeng nakadagan sa koyang na nakabulagta. Sinusuntok parin sya ni Jarenth, my gosh afraid naman 'to.
"Insan, tama na yan!" awat nong may hawak ng ilaw at sa tingin ko si Sammy boy yun.
"Ohh, hawakan mo 'to tapos tawagan mo na rin si Sir Dann." sabi nya sabay abot ng Phone nya. Tinulungan nya si Jarenth na itayo yung koyang na pumapalag-palag pa kaya nag-dial na talaga ako para humingi ng backup.
"Hello, Sir! Sir, pumunta kayo rito sa Likod ng College of Engineering. May magnanakaw po, ayy! Yes, Sir.. Opo, tama po.. plangak! Tunay na tunay, Sir, hawak po nila Jarenth at Samuel. Opo Sir, isang bucket na lang--"
"Hoy! Anong bucket-bucket!?" awat ni Besh sa aking pagsasalita.
"My Gosh Besh, nakahuli tayo ng magnanakaw! I-chicken Joy yan!!" sigaw ko with feelings pero kinutos lang ako. Huhuhu, mapanakit talaga. Wag syang maka-hinge, huhubels.
=====••
|| JIAN LOUIS MADRIGAL POV ||
Ilang sandali lang kaming nag-hintay matapos tumawag ni Ellie ay dumating na sila Sir Dann na may kasamang mga Security Guards, may ilang Professor pa silang kasama.
Kinuha ng mga Guards yung lalakeng hawak nila Jarenth. Masama ang tingin nya sa akin at panay ang pagwawala nya. Kinakabahan parin ako hanggang ngayon dahil sa nangyari. Ang akala ko multo ang makakaharap namin dito pero iba pala.
Tunay nga na matakot ka na sa buhay wag sa patay, lalo pa't kanina lang hawak hawak ng lalaking yun ang leeg ko. Kung di lang ako nanlalaban baka mabilis nya na akong masasakal ng tuluyan. Pero hindi lang din yun ang iniisip ko, kakaiba ang naramdaman ko kanina.. Ewan ko, basta di ko mapaliwanag.
Isinama kami nila Sir pabalik sa Gym at doon hinintay ang mga Police. Hiningan nila kami ng statement kasama sila Jarenth at Samuel. Gusto kong matawa sa pinagsasabi ni Ellie pero di ko magawa dahil parang may nakabara parin sa lalamunan ko. Kinakabahan parin ako.
Nang maidala na ng mga Police yung lalakeng nagtangkang magnakaw na naman kinausap kami nila Sir. Tinanong nila ang nangyari at yun nga ang kweninto namin. Kinamusta nila ang lagay namin at syempre di ko na sinabi na sinakal ako ng lalakeng iyon kasi baka malaman pa nila Nanay.
Nagpapasalamat naman ako kanila Jarenth, Samuel at Ellie dahil kahit na sila ang nakakita ng ginawa sa akin ng lalakeng iyon ay di rin sila nagsalita.
Matapos kamustahin ang lagay namin ay pinahintay na lang kami sa isang room ni Sir. Tinawagan na nila ang Parents namin pero walang natawagan sila Sir kanila Jarenth dahil nasa ibang bansa nga ang mga kamag-anak nila.
Nakita ko si Jarenth na naka-upo sa isang sulok. No'ng makita ko sya bumalik ulit sa isipan ko yung ginawa nya kanina lang. Kung di dahil sa kanya di ako makakawala doon sa pagkakasakal nung lalake kanina. Halos basagin nya na ang mukha nung lalake kanina at mukhang galit na galit sya. Ganun pala sya magalit, bigla akong natakot pero parang pakiramdam ko ay safe rin naman ako. Ewan!
Napatingin ako sa kamay nya na balot na ng benda, nagkasugat kasi yun kanina dahil sa pagsuntok nya sa lalakeng magnanakaw.
Nagpaalam si Ellie na kukuha ng inumin habang si Samuel naman may kausap sa Phone kaya naman kinuha ko na ang pagkakataon para makausap sya. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi nya.
"J-jarenth." tawag ko sa kanya. Tumabi ako sa kanya. "Kamusta yang kamay mo?"
"Bakit di mo sinabi yung totoo?" sa halip na sagutin ang tanong ko ay tanong din ang ibinalik nya sa akin. Seryoso itong nakatingin sa akin, hindi ko matagalan kaya yumuko na lang ako.
"Ayaw ko kasing mag-alala sila Nanay at Tatay. Di pa nga lumilipas ng ilang buwan o linggo man lang yung nangyaring pagkakahulog ko meron na namang dadagdag na ganito." paliwanag ko na lang habang nilalaro ang mga hinlalaki ko.
"Tsk. Bakit kasi lapitin ka ng disgrasya?" halos bulong na pero narinig ko parin. Nang tignan ko sya ay naka-cross arms na ito at nakapikit.
"Salamat din pala sa pagligtas mo sa akin. Kung wala ka doon baka ano ng nangyari sa amin ni Ellie." pasasalamat ko. Dumilat sya para tignan ako pero sandali lang naman.
"May bayad yun. Tyaka ko na sisingilin, pag-iisipan ko muna." sabi nya tyaka ito tumayo at naglakad papunta kay Samuel.
Gusto ko sana syang tanongin sa sinabi nya eh. Grabe naman sya, diba dapat kapag tumutulong walang hinihinging kapalit? Hayys.. hayaan na nga, he save my life a minute ago kaya pagbibigyan ko muna sya.
Salamat talaga, Jarenth