|| ELLIE LAUREL POV ||
OH MY GOSSHH!! Lapot na lapot na ako! Ayoko na! I am sooo tired to the bones na talaga. Masyado ng tirik ang araw, masasayang na ang sabon ko. Gosh, ang mahal pa naman ng Ariel. Pero in fairness.. effective huh.
Oo nga pala nasaan na ba yun bugok na Samuel na yun!? Bwesit din ang isang yun.. mana sa pinsan nyang pinaglihi sa pinaghalo-halong sama ng loob. Kanina ko pa pinapakuha ng mga tela hanggang ngayon wala pa rin.
"HOOYY!! SAMUEEELL!! NYEMAS KA BILISAN MO ANG INIT NA DITO!!!" MY GOD! Ang puso ko.. ang puso ko. I need to calm myself down.
Sino ba naman kasi ang di aatakehin sa puso sa lalakeng iyon. Sya kaya ang ibilad ko dito sa gilid ng Gym! BUNGGA sya! Di man lang inisip ang kapakanan ko bilang babae. Ganito lang talaga ako kumilos at magsalita daig ko pa ang Lola/Besh Jian nyo pero Oh My Gosh lang talaga huh! Babae ako! BA.BA.E!
Naiinip na talaga ako maghintay sa bwesit na 'to! Siguro inuna na naman ang landi! Bwesit na yan, di nga katulad ng Pinsan nyang parang nilamukos na papel ang mukha kung sumimangot pero ang landi landi naman! Akala mo kung sinong gwapo mukha namang kuhol!
Ayun na nga mga Besh, dahil nga sa nainip na ako pinasok ko na talaga sya. Marami ng tao sa loob ng Gym, syempre nag-aayos parin ng BUNGGA dahil gagamitin ito mamayang gabi.
Di na muna ako naki-chika sa mga malalabit kong kaklase, may kuhol pa akong papatayin. Umitim lang naman ako ng .7% at pagbabayaran nya yun.
"Hoy Samuel!!" sigaw ko pagbukas ng pinto ng room namin here sa Gym. Napansin ko lang na parang aligaga ang koyang nyo kaya nilapitan ko na.
"HOY!" sigaw ko ala-regine, hmmp.. tignan lang natin kung di pa sya mabinggi gayung sa tenga ko sya sinigawan. BWAHAHAHA!!
"Aray ko." daing nito at napahawak pa sya sa tenga nya. Madala nga sa kanya.
"Ikaw na bwesit ka.. kanina pa ako sigaw ng sigaw doon, alam mo ba ang kinakaharap kong hirap sa labas ng komportableng Gym na ito habang ikaw na nagpapakasasa sa walang katuturang bagay na nandito at may hawak ka pang...... bulaklak?"
Gaga ito ng Taon! Tela ang pinapakuha ko sa kanya ahh.. baka naman dinalaw na naman ng ka-ugukan nya kaya di makalabas, takot magtanong ulit.
"Ano bang gagawin mo dyan? Deeeba ibang pinapakuha ko sayo!? Bakit hawak mo yang Flower ni Besh?" nagmamataray kong tanong sa kanya. Ewan ko lang kung di pa sya matakot sa arrow head-like kong kilay is life.
"Flower ni Jian?" nakangisi tanong nya pa. Luh? Oo, Flower naman nila yun ahh.. flower ni--
"Yang utak mong mongoloid kang malandi kang manyak kang mukhang kuhol ka!!"
"Ohh, bakit? Tinatanong ko lang naman kung Flo-- Aray! Bakit ka ba nambabatok!?" Hmmp. Dapat lang, minsan talaga may dumadating na dagok sa buhay natin. Sadyang araw araw lang syang nadadagukan. #DagokisReal!
"Umayos ka. Kung wala ka ng gagawin dito kunin mo na yang mga tela at magde-decorate pa tayo sa labas. Kung anu-ano pang ina-ano mo dyan." sabi ko sabay irap at walk out pero pinigilan nya ako. He's holding my smooth and soft hand. How dare he!?
"Sandali lang. Tulungan mo akong i-abot to kay Insan." sabi nya kaya naman hinarap ko sya.
"At para saan? Hayaan mo syang kumuha nyan dito. May kanya-kanyang nakatoka sa atin at yun ang asikasuhin mo!" irita kong sigaw sa kanya. Nakakapanggigil na sya mga Besh!
Tatalikod na ulit sana ako para lumabas ng room ng marahas na bumukas ang door. Nagulat pa nga ako ei as in nagulat talaga. Akala ko may bomb na sumabog sa lakas ng pagkakabukas but when i saw the one who did that napalunok na lang ako.
"Nasaan sya?" tanong nya. Na-nakakatakot naman sya. A-ang itim ng aura nya ngayon ha.
"S-sino ba?" nagawa ko ring itanong sa kanya.
"Kilala mo ang tinutukoy ko. Tawagan mo na sya dahil di ko alam ang mga gagawin dito! Sabihin mo ako ng aakyat basta pumunta sya dito kung ayaw nyang baklasin ko lahat ng nilagay dyan at pareho kaming mawawalan ng points!" he said poker-faced but i can feel his irratation and annoyance. Nanggigigil talaga sya mga Besh.
Nakakatakot pala talaga magalit 'tong Jarenth na ito. He.he.he. Pero teka nga, diba nong nakaraang Chapter di nya rin tinulungan si Besh ko, kaya nga sya nabagok sa pagkakafall nya sa hagdan ei. Like oh em ge lang talaga kasi naman deeeba--
"HOY!! Itigil mo na yang pag-mo-monologue mo at tawagan mo na yang kaibigan mo! Bilis!"
"Ito na nga ei. Ang atat-atat mo naman aah! Kainish kaaa!." Ayun na nga, i fetch my phone na nga and i dial the 8-7000 to call my friend na.
"Hello? Ayy yes po.. opo! Yun nga po, isang Bucket ng Chicken joy tapos jolly spaghetti. Yeahhh! -- What!? Walang hotdog yung spaghetti?! Nakakaloka!"
"Hoy! Ano ba!?" sigaw na naman nya. Nagagalit na talaga sya, serious mode na nga muna baka masapak pa ako.
"Ito na nga oh, nag-ri-ring na. Paano tayo babayaran ng Jollibee nyan pinuputol mo endorsement ko. Hmp!"
"Sabihin mo bilisan!" sigaw na naman ni Jarenth sabay punta sa mga gamit nila sa pag-de-decorate. Kaloka sya! High na High ang Blood! More ang sigaw!
After ng ilang seconds ng pag-ring ay sumagot na rin ang lola nyo.
"Hello from the other side," sagot pa ng Lola nyo. Juskopo! Di nya lang alam na nagwawala na itong ka-partner nya, maka Adele pa sya wagas.
Narinig ko na namang nagsalita si Jarenth at mukhang naiinis sya sa mga naka-kalat na tela and so on kaya nagmadali na akong magsalita.
"Gaga ka ng taon nasaan kana? Bilisan mo kasi yung ka-partner mo nagwawala na dito! Di nya alam ang gagawin nya. Bilisa-- aayy!!.. bilisan mo na Besh!"
Walang pakeme ko ng sabi sa kanya kaya lang nag-buckle mga Besh kasi naman si Jarenth hinagis yung isang plastic kaya gumawa sya ng ingay.
Di ko na napansin na napatay ko pala yung phone. Naku po, iisipin na naman non ang Bastos ko dahil pinatayan ko sya. Kung alam lang nya ang nangyayari dito.
"Asan na?" tanong ni Jarenth.
"Pa-papunta na raw kaya easy ka lang dyan ano po." pa-sweet kong sagot baka sakaling tumalab pero wa-epek mga Besh! Lumabas na lang sya ng parang walang nangyari.
Lumapit ako kay Samuel at pareho naming pinagmasdan ang iniwan nya matapos syang manalasa.
"Ang kalat na lalo." comment nya habang nakatingin sa mga kalat. Shunga rin 'to eh.
"Kung binigay mo na kaagad yang mga Flowers hindi na sya magagalit! Sinabi ko naman sayo unahin mo na yan eh. Oo nga may mga nakatoka sa atin pero free naman tumulong." My gosh, di kasi marunong makinig, ayan tuloy. Tsk!
Di na sya nagsalita, napapakamot pa sya ng ulo at naririnig ko na lang na bumubulong sya ng ako na naman pero deadma na rin. Ayos galore tuloy kami ngayon dito.
We spend almost half hour just to arrange everything na ginulo ng Pinsan nyang akala mo malakas na Bagyo and nakakapagod ha! Loka talagang Jarenth yun.. dagdag trabaho pa 'tong ginawa nya.
Saktong pagkatapos namin bumukas ulit yung pinto but this time nakahinga ako ng maluwag. Daig ko pang lumaklak ng Lagundi sa sobrang luwag ng paghinga ko.
"Besh!" tawag ko sa kanya. Lumapit kami sa kanya and pansin ko lang na pawis na pawis sya at hinihingal. Ano na naman kayang ganap nito?
"Hoy Besh!" i called him again. Tinapik ko sya sa balikat para gisingin sa pagda-daydream nya. Nagulat pa sya at as in na nanlaki ang mga mata. Loka 'to! He's acting so weird and creepy. What happened to him ba?
"Ano ba, para kang nakakita ng multo dyan sa itsura mo." sita ko na sa kanya pero mas lumaki ang mata nya. Ano ba yun?
=====••
|| JIAN LOUIS MADRIGAL POV ||
Hingal na hingal at pawis na pawis akong dumating sa Gym. Marami ng mga tao dito pero yung kaba at takot ko di pa rin nawawala.
Nagtatatakbo ako papuntang Room kung saan nakalagay ang mga gamit namin sa decorations. Pagbukas ko ng pinto napahinga kaagad ako ng malalim.
Di ko alam kung anong mararamdaman ko, ngayon ko nga lang din napansin na nakatakbo na pala ako ng maayos. Siguro kapag talagang dala ng adrenaline mawawala ang sakit na nararamdaman mo.
Nasa ganung pag-iisip pa ako nang may tumapik sa balikat ko, nagulat ako akala ko kung sino pero mukha ng nagtatakang si Ellie ang nakita ko.
"Ano ka ba, para kang nakakita ng multo dyan sa itsura mo." nagtatakang sabi nya kaya mas lumaki ang mata ko sa takot.
Oh no.. di kaya talagang Multo yun? Ano ba yan!? Bakit ngayon ko lang na-alala ang kwento tungkol sa likod ng College of Engineering?!
"Nandito ka na. Puntahan ko lang si Insan. Sabihin ko nandito ka na." paalam ni Samuel bago lumabas ng room. Kami na lang ni Ellie ang naiwan.
"Hoy! Ano bang nangyari sayo? Bakit ganyan itsura mo?" tanong sa akin pagkalabas na pagkalabas ni Samuel.
Napatingin ulit ako sa kanya, pinag-iisipan ko kung sasabihin ko ba o hindi. Matatakutin din kasi ang isang ito baka mamaya takbuhan pa ako.
Kami lang dalawa sa tahimik na Room na ito. Nakasarado naman ang pinto kaya medyo na panatag na ako. Feeling ko kasi kanina may nakasunod talaga sa akin at ramdam na ramdam ko yun. Juskes!
"Ganyan ka na ha, di ka na nag-s-share. Nakakatampo." nagtatampong sabi ni Ellie sabay pout pa. Tsk, ayan na naman yang nguso na yan.
Gusto nya talagang malaman. Bahala na nga, basta wag lang nya akong tatakbuhan kundi babatukan ko talaga sya hanggang sa magkaroon sya ng bukol.
"Eh kasi doon ako sa likod ng College of Engineering dumaan papunta rito.." panimula ko pa lang pero nanlaki na kaagad ang mga mata nya. Alam nya ang kwento tungkol sa likod ng building ng College of Engineering.
"Oh My Gosh ka Besh wag kang ganyan. Alam mong matatakutin ako deeeba!?" nagsumiksik sya sa akin at parang nangilabot din.
"Kanina tatanong-tanong ka dyan at may patampo-tampo ka pa tapos ngayong ing-s-share ko aarte ka naman dyan." inis kong sabi. Napanguso muli sya. Bahala nga sya.
"Pero promise, Ellie.. Ehhh, hanggang ngayon kinikilabutan parin ako." dugtong ko. Napahimas pa ako sa braso ko kasi nangingilabot talaga ako eh.
"Ano ba kasi nangyari? Gaga ka talaga ng Taon, alam mo naman ang chika sa likod ng building na yun deeba?!"
"Oo alam ko naman pero kasi nawala lang sa isip ko. Makakalampas na nga sana ako doon eh. Ang payapa lang tapos.... tapos.. biglang--" di ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang may umingay sa likuran namin kaya sabay kaming napatili at napatalon sa gulat, napayakap pa nga si Ellie sa akin.
"WAAAAHHH!!! JUSKO POOO! DI NA AKO UULIITTT!! MAGPAPAKABAIT NA PO AKO NG SLIGHT!" naririnig kong tili ni Ellie. Di ko alam kung matatakot ako o matatawa sa narinig ko. Slight lang talaga!? Ayaw lubusin?
"Hoy! Ano bang ginagawa nyo dyan?" tanong ng pamilyar na boses. Bumilang siguro ng ilang seconds bago kami napatingin ni Ellie sa may pintuan sa likuran namin na nakabukas na.
"Anong ginagawa nyo?" natatawang tanong pa ni Samuel. Di ko pa nalilingon si Ellie nang may lumipad na plastic at direktang tumama sa mukha ni Samuel.
"ANIMAL KA TALAGAAA!! PAPATAYIN MO KAMI SA NERBYOSS HAYOP KAAA!!" nanggagalaiting sigaw ni Ellie. Nararamdaman ko pa rin ang panginginig nya dahil nakahawak pa rin sya sa akin.
"Ano ba kasing pinag-uusapan nyo dyan at ganyan ang mga itsura nyo?" tanong ulit nya habang inaalis ang mga ribbon na nagkalat sa mukha at ulo nya.
"Baka kabaliwan na naman." singit ng isang boses mula sa likuran nya.
Tumagilid si Samuel para tignan sya pero ako di ko na kailangang tignan dahil boses pa lang nakakapang-init na kaagad ng dugo. Instant blood boiler sya ah!
"Baliw mong mukha mo! Bakit mo ba ako pinapunta rito!? Diba sabi ni Sir Dann ikaw na ang tatapos netong lahat?" nakataas kilay kong tanong sa kanya. Kapag nakikita ko sya biglang umiinit ang dugo ko.
Di man lang sya nagpatinag sa matatalas kong ito tingin at pagtataas ng kilay ko, nakahalukip-kip pa nga sya at nakasandal pa sa hamba ng pinto katabi ng Pinsan nya. Pa-cool masyado.
"Pang-kahapon lang yun. Di ko alam ang gagawin dyan sa mga bulaklak na yan. Ikaw ang mag-ayos ako ang aakyat." sabi nya ng wala man lang ka-amor-amor. Nyeta sya! No emotion talaga!? Tao ba talaga yan o Alien!?
Nakipagsukatan sya ng tingin sa akin. Yung inis na inis na ako pero sya wala lang, poker face lang. Argh! Kanina lang nanginginig pa ako sa takot pero ngayon nanginginig na ako sa pangigigil sa Bwesit na 'to. Grr!
"Eh kung sabihin kong ayoko may magagawa ka ba?" taas kilay kong tanong sa kanya. Lalong nag-dark ang aura nya pero di ako nagpatinag. Palaban 'to! Idol ko yata si Lily Cruz. Wag ako! WAG! AKO! Ganun.
"Ede wag. Babaklasin ko na lang lahat para pareho tayong walang points." sagot nito na parang sing-lamig ng bangkay.
"Masakit ang pa ang paa ko, hirap nga akong tumayo eh." pagdadahilan ko pa. Tumingin ako kay Ellie na nakatingin din sa akin. Kumapit ako sa balikat nya at umarteng nahihirapan. Hehe.
"Oh my gosh! Ang Besh ko. Ang kaawa-awa kong Besh! Hirap na hirap syang tumayo. Huhuhu!" pagsakay ni Ellie sa drama ko. Mas magaling sya dahil may paluha pa sya samantalang ako make face lang. Hehe.
"Mga baliw." walang kaemo-emosyong sabi ni Jarenth. Si Samuel naman na nasa tabi nya natatawa na lang at napapailing sa kadramahan namin ni Ellie.
"Ellie. Ang sakit talaga. Kapag naglakad pa ako at pinilit ang sarili kong magtrabaho baka hindi na ako tuluyang gumaling at makalakad." madrama kong bitaw ng linya sa ginagawa naming Drama ni Ellie. Juskes!
"No! Hindi ka dapat magtrabaho, you need to rest and have fun." lumuluhang wika ni Ellie. Ang galing nya ahh. Tumingin pa ito kay Jarenth at nagpaawa. "Hindi ka ba naaawa sa Besh ko? Isa kang heartless prince. Walang awa!"
Hindi nagbago ang reaksyon ni Jarenth at bigla na lang itong umayos ng tayo tyaka kami tinalikuran.
"You can't fool me. Nakita kitang tumatakbo kanina." sabi nya tyaka ito naglakad palayo. "Sam. Contact the Mental hospital and tell them na may dalawang takas dito." dugtong nya pa.
"Where are going, Insan?" tanong naman ni Samuel sa Pinsan nyang pati paglalakad ay pa-cool.
"Babaklasin ko lang lahat ng inayos ko kahapon. Iniinis lang ako ng dalawang baliw na yan." walang emosyong sagot nito ng hindi tumitigil sa paglalakad.
Napabitaw kaagad ako sa pagkakakapit ko kay Ellie. Tatanggalin daw nya yung mga inayos!? Nasisiraan na ba sya? Kung gagawin nya yun magagalit si Sir Dann at baka hindi pa kami bigyan ng grades. BIG NO for that!
"Hoy! Anong babaklasin ang sinasabi mo?!" pasigaw kong tanong sa kanya pero hindi man lang sya tumigil kaya humabol na ako.
"Hoy Jarenth!" sigaw ko sa kanya. Bwesit talaga! No effect pala ang drama namin ni Ellie. Nag-effort pa naman kami at bigay todo. Juskes!
Naglalakad lang sya papunta sa foldable staircase na ginamit ko kahapon. Parang wala lang sa kanya yung pagtawag ko, naka-pamulsa pa talaga sya at parang naglalakad lang sa sidewalk.
Nahabol ko sya nang malapit na sya sa may foldable staircase. Hinawakan na nya yun at akmang aakyat na nang hatakin ko sya sa braso. Natigil naman ito at tinitigan ako ng parang bored lang.
"Tumigil ka nga, nababaliw ka na ba? Magagalit si Sir sa atin sa gagawin mo!" matigas kong sabi. Tumaas lang ang kilay nya. Aba!?
"I don't care. Get off me now, may mga babaklasin pa ako." walang ganang sabi nya tyaka ako tinabig. Bwesit talaga! Hihilahin pa nya ang grades ko pababa! Pati ako madadamay sa gagawin nya eh!
Inapak nya na ang paa nya paakyat sa foldable stair at aakyat na sana. Sa sobrang inis ko mabilis akong tumabi sa kanya at pwersahang hinila ang damit nya. Nagulat na lang ako dahil sobrang lakas pala ng paghatak ko sa kanya kaya pati ang hagdan na aakyatan dapat nya ay nahila nya rin sa gulat.
Hindi ako nakakilos kaagad. Nasa natutumbang foldable staircase lang ang atensyon ko nang maramdaman kong may humatak sa akin patagilid at napapikit na lang ako nang marinig ang malakas na tunog ng pagbagsak sa sahig.
Ilang segundo rin akong nanatiling nakapikit. May naririnig akong nagbubulungan kaya naman dumilat na rin ako. Unang-una kong nakita pagkadilat ko ay ang bisig na nakayakap sa akin. Sinundan ko yun at nakita ko ang mukha nya. Naka-kunot noo at nakatingin sa natumbang hagdan.
"My gosh, Besh! Ayos ka lang ba!?" nag-aalalang tanong ni Ellie na tumatakbo papunta sa amin. Napatingin rin ako sa paligid namin at halos lahat ay natigil sa ginagawa nila at nakatingin na ngayon sa amin. Nakakahiya!
Nang makahuma sa nangyari ay mabilis akong umalis sa pagkakayakap ni Jarenth. Naaamoy ko parin ang pamilyar nyang panlalakeng pabango na palagay ko ay dumikit na sa damit ko dahil sa pagdidikit ng katawan namin kanina.
Tinignan ko sya, pareho lang kaming tahimik na nakatingin sa isa't isa. Siguro ilang seconds lang bago ko sya narinig na nagpalatak tyaka umiwas ng tingin.
"Besh!" tawag ni Ellie. Hinawakan nya ako sa braso at sinipat-sipat ang kabuuan ko.
"Ayos ka lang ba, Besh!? My gosh baka naman nagkapasa ka sa yakapan nyo?" tanong nya pero may pang-aasar pa sa dulo. Tinignan ko naman sya ng masama na nagpatigil sa paghagikgik nya. Kung ano-anong pinagsasabi!
Tumingin ako kay Jarenth na kasama na ni Samuel. Kinakausap sya ni Samuel pero dedma lang sya, nakapamulsa pa rin at parang walang nangyari.
"Jian!" tawag ng kung sino. Hinanap ko kung sino yun.
"Sir!" Si Sir Dann pala. Palapit na ito sa amin.
"Anong nangyari dito? May narinig akong bumagsak kanina eh. Ayos lang ba kayo?" tanong nya habang nakatingin sa nakatumbang hagdanan.
"Ayos lang po. Di naman sinasadya ei, sorry po." nahihiyang sagot ko na lang. Tumingin sya sa akin bago kay Jarenth.
"Mabuti naman at walang napano sa inyo. Ikaw talaga habulin ka ng disgrasya." sabi nya sa akin. Napatingin muli ako kay Jarenth na nakatingin din pala sa akin pero nang makita nyang nakatingin na ako sa kanya ay nag-iwas ulit ito ng tingin.
"Oh sya, mabuti na rin at narito kayong Apat. Mr. Borromeo, Mr. Domingo." wika ni Sir bago tinawag sila Jarenth at Samuel. Lumapit naman sila.
Napatingin ulit ako kay Jarenth pero hindi na ito nag-abalang tumingin sa akin kaya bumaling na lang ako kay Sir Dann.
"Gagamitin kasi ng mga Faculty ang Gym bukas ng gabi. Kailangan may Apat na representative ang bawat college para tumulong at kayo ng Apat ang kukunin ko bilang representative ng Department natin." pagpapaalam nya sa amin.
"Ayyy. Sir, kasi i have an online interview tomorrow. Magagalit ang mga Followers ko sa mga Social media accounts ko if hindi ko magawa yun. I promise na tomorrow ang interview kaya pwedeng pass muna ako, Sir?" tanong ni Ellie na sinabayan pa ng pagpapa-cute. Eww!
"No Ms. Laurel." mariing pagtutol ni Sir kaya napa-pout na lang sya. Ayan na naman. "Naipasa ko na ang listahan kaya hindi na pwedeng baguhin, tyaka may iba pa namang time for that interview. May points din yun, sayang naman."
Wala ng nagsalita sa amin. Tulad ng sabi ni Sir ay naipasa na nya ang listahan tyaka ang nagpakinang ng mga mata ko ay yung points na makukuha namin. Si Ellie lang naman yung parang labag sa loob ang pagtanggap. Baliw talaga, eh sya itong mas nangangailangan ng mga ganitong dagdag points aayaw pa sya!
"So ayos naman na, nasabi ko na. Aasahan ko kayong Apat. Sige na, tapusin nyo na yang ginagawa nyo." sabi nya bago nagpaalam sa amin.
Lumakad na si Sir palayo at kaming Apat na lang ang naiwan. Nagpatuloy na ulit ang lahat sa pag-aayos kaya naman kumilos na rin kami.
"I cannot! Ayokong magpunta dito ng gabi! Ang creepy kaya." pagmamaktol parin ni Ellie.
"Baliw ka talaga eh! May incentives nga daw kaya wag ka ng mag-inarte dyan. Kailangan mo yun!" madiing sabi ko tyaka sya tinalikuran.
Kinuha ko muna sa Room yung mga Flower at mga telang may beads na tinahi ko. Sumunod sa akin sila Ellie at Samuel para kunin din ang mga gamit nila.
"Oh! Ikaw ang magkabit nito doon sa labas! Binilad mo ako doon, hayop ka!" singhal ni Ellie kay Samuel. Wala namang nagawa si Samuel kundi mapakamot ulo na lang.
Paglabas nila ay bumalik na ako sa labas para tapusin ang part namin sa Gym nang biglang may umagaw ng hawak kong plastic.
Tahimik lang syang naglakad papunta sa hagdan na nakatayo na. Hindi parin pala ako nakakapag pasalamat sa kanya sa ginawa nya kanina.
"Saan 'to ilalagay?" nagising ako sa tanong nya. May hawak itong kumpol ng mga artificial flowers.
"Sa taas yan. Doon oh." turo ko sa kanya sa pinakataas ng poste. Di na sya nagsalita at kinuha na lang nya ang Foldable staircase.
Kinagat nya pa ang mga bulaklak na hawak nya bago umakyat. Mabilis namam akong lumapit para alalayan ang hagdanan, baka kasi umalog malaglag pa sya.
"No need for that. I can handle myself." sandali nyang inalis ang kagat nyang bulaklak para sabihin yun. Nahihiyang umiling na lang ako at ibinaling na lang ang tingin ko sa hagdan na hawak ko.
"Okay lang naman sa akin, baka kasi malaglag ka." mahinang sabi ko. Hindi ko sya narinig na nagsalita, maya-maya ay kumilos na ito at ipinagpatuloy ang pag-akyat.
"Sabi ko kaya ko na ang sarili ko. Hindi naman ako sing-clumsy ng iba na nalalaglag sa hagdan." pagpaparinig nya habang inaayos ang mga hawak nyang bulaklak sa taas ng poste.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. Ehh kung ugain ko kaya itong hagdan para malaman nya yung feeling. Sya na nga itong inaalala sya pa itong masungit! Hindi ko sya sinisisi sa pagkakalaglag ko kaya natural lang itong ginagawa ko. Mamaya malaglag pa sya ako na naman ang pag-initan nya.
"Pwede ba hayaan mo na lang ako at unawain mo na lang yang ginagawa mo dyan." sabi ko na lang. Sandali nya akong tinignan mula sa itaas. "Tyaka.. thank you din pala sa paghila sa akin kanina para hindi mabagsakan ng hagdan. Sorry na rin."
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Doon na lang ako tumingin sa ibang grupo na may mga ginagawa din. Ako ang may kasalanan kanina kung bakit muntik na kaming malaglagan ng hagdan kanina pero wala akong narinig na paninisi sa kanya. Bilang pasasalamat na rin sa ginawa nya kanina at pagtanaw na rin ng utang na loob kaya ko sya inaalalayan.
Wala akong narinig na tugon sa kanya. Nang tignan ko sya ay nag-aayos na ulit ito. Hindi man lang nag Your Welcome. Hmp, attitude talaga.
Isang poste na lang ang tatapusin namin ni Jarenth at kasadsaran na ng hapon. Ang ibang kaklase namin patapos na rin at kita ko na ang magandang resulta ng mga ginagawa namin. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang buong Gym. Ang galing naman ng Section namin. Pwedeng pwede na!
"Tapos na. Ano pang gagawin?" napa-tingala kaagad ako sa hawak kong hagdanan nang marinig ko syang magsalita pero nagulat ako ng halos ilang dangkal na lang pala ang layo ng mukha namin sa isat isa.
Natigilan ako at ganun rin sya kaya kaagad akong umiwas ng tingin. Narinig ko na lang na may tumalon at alam kong sya lang yun.
"A-ahh.. wala naman na tayong gagawin. Natapos naman na natin eh." sagot ko sa tanong nya kanina pero di ko na sya tinignan. Nahihiya ako at medyo ang awkward ng nangyari kanina.
"Good. So i'll go ahead." paalam na lang nya. Nang tignan ko sya naglalakad na sya palayo. Katulad kanina nakapamulsa parin sya at pa-cool parin maglakad. Lahat ng nadadaanan nya napapatingin at bumabati sa kanya pero dini-dedma lang nya. Tsk, sunget talaga.
"Oh my gosh! Im so lapot na and tired na rin!" narinig ko na si Ellie na palapit sa akin. Hinihilot-hilot nya pa ang mga balikat at leeg nya.
"Tara na, Besh im so tired na talaga." aya nya na sa akin. Ngumiti naman ako at sabay na kaming naglakad palabas. Mukhang napagod nga sya, ako din naman kahit paghawak lang ng hagdan ang ginawa ko. Nakakapagod kayang tumayo ng matagal!
"Sabi nga pala ni Sir Dann kahit di na raw tayo pumunta dito ng umaga bukas, magpahinga na lang daw. Mga Five daw tayo punta bukas hanggang Eight daw yun." pag-papaalam sa akin ni Ellie.
"Mabuti naman, at least makakapagpahinga tayo ng mahaba bukas diba." nakangiti kong sabi habang naglalakad. Napansin kong napatingin sya sa akin ng marahas kaya naman napatingin na din ako sa kanya.
"Bakit?" natanong ko. Tinaasan nya pa ako ng kilay bago sya nagsalita.
"Anong bakit? Ano kaba, gabi tayo rito bukas, Besh! Tayo tayo lang no.. ang creepy kaya non. Ang dami kong naririnig na mga kwento dito kapag gabi eh! Err!" sagot nya ay umaktong kinikilabutan pa at may pahimas-himas pa sa kanyang mga braso.
"Oo nga pala." wala sa sariling nasabi ko. Naalala ko na naman yung nangyari kanina sa likuran ng College of Engineering, grabe talaga yun.
First time kong nakaramdam ng ganung takot kanina, di naman talaga ako naniniwala sa multo siguro nagulat lang ako sa pagkakaputol ng sanga kanina. Di kaya may nagputol non at balak lang akong takutin? Wala namang nakaka-alam kung totoo ba yung kwento doon eh. Siguro may nananakot lang talaga, hmmp..
"Ellie, magdala ka ng flashlight mo bukas." sabi ko kaagad sa kanya. Nagtaka pa sya at tinaasan ako ng kilay.
"For what?"
Napangiti ako nang may nabuo akong plano sa isipan ko. Napatingin ako kay Ellie na hanggang ngayon ay nakataas parin ang kilay pero ilang sandali lang ay napanganga ito at nanlaki ang mga mata. Mas lalo akong napangiti sa reaksyon nya.
"Oh my gosh, Besh. Not that."
"May titignan lang tayong multo bukas ng gabi. Titignan natin kung totoo nga ba ang Multo."