|| JARENTH BORROMEO POV ||
"I don't care! Sabihin mo sa kanya kaya nya na yan!" narinig ko pang kokontra sana si Sam pero hindi ko na inantay, i ended the call.
Naglalakad-lakad ako dito sa loob ng Campus no'ng tawagan ako ni Sam, hinahanap daw ako no'ng maingay na pandak. What's his name again?.. Jean?.. Jino... Jian, oh yeah! Jian. Tsk, pati pangalan ang panget! And why should i give him a hand, chicks ba sya!?
I continued walking, blank face and eyes on the way only. May mga nakakasalubong ako at sumasabay sa paglalakad ko na nakikipagkilala sa akin, trying to get my attention. It's kinda annoying. Ayoko ng ganito. Why they can't stop asking me and mind their own business!?
"Bago ka lang namin nakita dito. Maybe you're a transferee. Where did you came from?"
"Ehh. Your so handsome talaga and everybody is looking at you. What's your name na kasi?"
"Yeah! We're dying here just to know you. What's your name and where's your department?"
Just like what i did earlier, hindi ko sila pinansin at wala ni isa sa mga tanong nila ang sinagot ko but they continue pestering me! Gusto ko na silang sigawan but I can't do that. Just like what they said, everybody is looking at me -at us. Kung sisigawan ko sila magmumukha akong masama at baka mapatawag pa ako ng Dean namin. Tsk!
Patuloy lang sila sa pagtatanong at pagsunod sa akin, nagsisimula na akong mairita kaya naman ang ginawa ko ay tumakbo na lang ako ng mabilis. They tried to follow me pero masyado na akong malayo sa kanila. Ilang building din ang pinasok ko bago ako tumigil sa pagtakbo nang mapansin kong wala ng nakasunod. Tsk. Good thing na kahit may mga nakatingin parin sa akin ay wala naman ng nagtangka pang sumunod.
Ito yung sinasabi ko. Ganito ako kung habulin at magpapansin ang mga babae sa akin. Nakakairita lang minsan na ganun sila but okay.. aminin ko na.. sometimes when im bored i pay attention din naman, have drink, go out and have fun with them pero madalas na wala ako sa mood just like earlier. Ganyan ang attention na nakukuha ko and just like what i said.. NO ONE DARES TO SLAP ME AT MAS LALO NG TUMUHOD NG ANO KO KUNDI SYA! Kaya ganun ang inis ko sa maliit na maingay na baklang yun. Yeah i know! Based on my observation i confirmed that his a Gay at sya ang kaunaunahan sa kanila na gumawa ng ganun sa akin.
Kaya kanina no'ng tumawag si Sam para sabihing hinahanap ako ng bakla na yun nairita kaagad ako. My ego is on the line bro! Hindi ko rin alam kung saan galing itong irita ko siguro dahil sa sya nga ang unang sumampal at tumuhod sa akin kaya ganito ako pero medyo okay na.. nakakabawi naman na ako and im having fun just like now kaya bahala sya doon! Kaya nya na ang buhay nya!
Minutes past lumabas na din ako ng building na tinaguan ko. Wala ng mga sumusunod sa akin kaya balik ulit ako sa pag-iikot. Pabalik na sana ako sa Botanical garden ng Campus nang may dumaan na mabilis na Ambulance. Some of the bystanders followed the Ambulance some naman nag-usap usap lang. An Ambulance inside the Campus. Kung sino man yung isasakay doon bahala sya sa buhay nya, hindi marunong magingat.
Nang makalagpas na ito at mawala sa paningin ko ay tumuloy na ulit ako sa paglalakad then my Phone rings. It's Sam, for sure.
"WHAT!?!" I shouted without taking a look who's the caller but what got my attention is the siren.
"Ano bang nangyayari?" tanong ko na sa kanya dahil mas lumalakas ang ingay na naririnig ko.
"Insan, si Jian naaksidente!" he answered. Jian? Yung Jian na yun na-aksidente? s**t!
Hindi na ako sumagot. Ibinulsa ko kaagad ang phone ko tyaka tumakbo papunta sa Gym.
I run as faster as I can. Walang pakialam sa mga nadadaanan o nasasagi ko. Im not acting weird for sure, ako ang kapartner nya sa ginagawa ngayon that's why i need to know what happened. s**t! Ano bang ginawa ng isang yun? Bakit sya maaaksidente sa simpleng paglalagay lang ng mga bulaklak at beads? Tsk!
Hingal akong natigil sa pagtakbo. Natatanaw ko na ang Ambulance na dumaan lang kani-kanina, hindi ko makita si Jian dahil madaming nakiki-usyuso. Lumapit ako para tignan sya but im too late, naisakay na sya. Umandar na ang Ambulance para umalis. Nang makaalis na ito nag-alisan na rin ang mga chismoso.
"Kasalanan mo 'to!" i heard someone shouted. Nilingon ko ito and ang nakita ko ay ang babaeng palaging kasama ni Jian. Yung kaibigan nyang baliw at maingay.
"Di sya malalaglag sa hagdan at ma-a-aksidente kung dumating ka lang at tinulungan sya. It's your fault!" galit nitong sigaw sa akin. What now!? Kasalanan ko pala? She's blaming me for what happened? Okay! Fine! Sa tingin ko may kasalanan nga ako pero hindi ko gustong malaglag sa kung saan ang kaibigan nya.
"You know what! Kung maka-arte ka kala mo ikaw lang ang nasaktan at naperwisyo sa nangyari noon. Ginawa mo pang chimay yung kaibigan ko at pinagawa ng kung ano anong gusto mo. Hindi ka na nakontento sa mga pinag-gagawa mo sa kanya and now what!? Gusto mo naman yatang lumpuhin yung kaibigan ko dahil dyan sa magaspang mong ugali!?" sighal nya bago ito tumalikod. Pumasok sya ng Gym ng hindi man lang ako binigyan ng chance na magsalita.
After a minute she came out again. May dalang bag at gamit. She faced me again.
"Kapag may nangyaring masama sa kanya humanda ka! I swear to the Goddess of Moon and Justice, i will punish you!" banta nya sa akin bago naglakad paalis.
Nanatili lang akong nakatayo kung saan ako huminto, rinig ko rin ang mga bulong-bulungan ng iba sa paligid pero wala akong pakialam sa kanila.
Oo. Medyo naging hard nga ang mga pinagagawa ko sa kanya. He did everything what i say. He followed every order that i gave and i never heard a single complain from him. Makikinig lang sya, magbubuntong hininga at susunod. Honestly, ang gusto ko lang naman ay inisin sya at laging takutin hindi ko pa naman sya pinagbuhatan ng kamay or binully kahit na may nagawa sya. Alam kong gusto na rin nyang sigawan ako but everytime na titingin sya sa akin tumatango na lang sya. Ayaw nya ng gulo, that's what i think.
I think i had enough. Okay na siguro yung mga pinag-gagawa ko sa kanya. I know in the first place na hindi naman nya kasalanan ang lahat, may kasalanan din ako. Masyado lang siguro akong nadala ng inis dahil sa ginawa nya noong gabing nakabangga ko sya.
•••
[ That night at the Club.. ]
Matapos kong kumuha ng panibagong alak ay pabalik na sana ako sa upuan namin nang may bigla na lang bumunggo sa akin kaya ang hawak kong alak ay natapon lahat. Okay lang sana kung sa sahig lang nabuhos pero hindi.. pati sa suot kong jacket! f**k this! Tsk!
Matapos kong tignan ang amoy alak kong suot ay bigla na lang akong nag-init at tinignan yung gagong may gawa neto. Nakayuko sya at mukhang abala rin sa pagpunas sa suot nya tulad ko.
"f**k!"
Hindi ko na naiwasang mapamura. Ayoko ng ganitong feeling! Nag-iinit ang dugo ko sa inis. Sino ba kasi itong pandak na ito!? Bawal magpapasok ng bata dito sa Club ahh! Tsk!
Tinitigan ko ng masama itong maliit na lalakeng nasa harapan ko. Nakatingin lang sya sa mukha ko. May inis din na makikita sa mukha nya, siguro dahil natapunan ko din sya.
"Look what you've done!" sigaw ko sa kanya. Napansin ko pang medyo na gulat sya dahil sa pagsigaw ko. Paanong di sya magugulat ei maka-tingin sya sa akin parang hinuhubaran na ako. Hmm. Is he--
"Wait nga! Di lang naman ikaw ang natapunan ah! Kung makasigaw ka dyan!" sigaw nya rin. Tsk! Sumasagot pa! "Tignan mo oh! Natapunan rin ako ng alak mo kaya wag kang sumisigaw dyan." dagdag nya pa kaya lalo akong nainis.
"I dont care! Kung di ka tatanga-tanga di to mangyayari!" i shouted again. Sumasagot ka kasi!
I was about to say something when his right hand landed on my cheeks. The f**k! He slap me! Haha! Your done!
"Wag mo akong ma-mura-mura! Oo nga di ako nakatingin sa daan pero di yun sapat na dahilan para murahin mo ako! Di lang naman ikaw ang na-perwisyo!" rinig kong sigaw nya sa akin. Malakas ang tugtugan pero rinig na rinig ko ang boses nyang nakakairita lalo.
Gumalaw sya. I think aalis na sana sya pero nang lingunin ko sya napatigil sya. He's scared. I can see it through his eyes. Gusto nyang magsalita but he can't because his trembling. That's right! Matakot ka dahil di ko palalagpasin ang ginawa mo. Your done!
"You slap me... hah! You gonna pay for that!" sigaw ko. Napaatras sya sa gulat at balak pa sanang tumakas but i immediately grabbed his wrist. You can't run from me!
"Ahhh! Bitawan mo ako!" sigaw sya ng sigaw habang pumapalag sa paghatak ko sa kanya. Tinignan lang sya ng mga taong nadadaanan namin. We're in the Club. Normal na ang ganito kaya hindi nila iisipin kung anong balak ko sa kanya.
"H-help! Help me!" sigaw nya and then one of the guards came. Tumigil ako para harapin ito, mas nagpumiglas naman itong hawak ko.
"May problem ba, Sir?" he asked. I shake my head. Tinignan namin ng sabay ang maingay na hawak-hawak ko.
"Nothing. This is.. a.. well, im his boyfriend. Iuuwi ko na itong pasaway na ito. His drunk at kung ano ano na ang pinagsasabi." i said nonchalant. I don't know where the hell did i get that thoughts but i can't take it back, nasabi ko na and mukhang naniwala naman itong bouncer.
"K-kuya.. Kuya, tulungan mo ako please." singit nya sa amin. Tinignan lang sya ng bouncer, napangiti at napailing.
"Sige Sir, mabuti pa nga iuwi nyo na sya." he said while smiling. I smirk. Naniwala sya kaya tumango na lang ako.
Sigaw sya ng sigaw nang iwan kami ng bouncer. Pilit nyang tinatawag pero hindi na sya pinansin. Pagkalayo ng Bouncer ay hinila ko sya ng malakas, nalapit sya sa akin. Tinitigan ko sya ng matalim dahil sa ingay at kulit nya. Gusto ko na talagang itapon sa labas ang maingay na ito para makabalik na ako kay Sam!
"I-im sorry.. Sorry na. P-please.. bitawan-- Ahh! Bitawan mo na ako!" hindi ko na pinatapos ang anomang sasabihin nya. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sa paghila sa kanya.
Idadala ko sya sa pinakamalapit na exit ng Club. Wala naman akong balak na gawin sa kanya. His annoying and he slap me, yes.. pero may kakaiba sa kanya. I don't know what but i can feel it. Para din syang nawawala. First time siguro makapasok nito sa ganitong lugar. Kesa maka-abala pa sya or magawan ng masama dito mabuti pang umuwi na lang sya.
"B-bitiwan mo'ko!... nasasaktan ako! Bitaw!" sigaw na naman nya. Tsk! Napakaingay! Mas lalo lang akong naiinis sa kanya.
"Ano ba!? Sabi kong bitaw eh! Nasasaktan ako. Bitawan mo na ako! Bitaw--" hindi nya na natapos ang sasabihin nya nang itulak ko sya sa pader. His so noisy and annoying! Hindi ko na matiis ang kaingayan nya.
I pinned him in the wall using my body. Hinawakan ko ang dalawang kamay nya pataas at ikinulong sya. Gulat na gulat ito habang nakatingala sa akin. Ang liit ang ingay. Tsk!
"A-anong ginagawa mo!?... pa-pakawalan mo ko. Di ko naman sinasadya yung sampal ei. Na.. na dala lang ako ng inis, di ko talaga yun sinasadya. Pakawalan mo--"
"SHUT UP!" sigaw ko ng sobrang lakas. Hindi ko alam na mapapasobra, buti na lang walang tao sa paligid. Nang tignan ko sya ulit nakapikit ito at nanginginig. Tsk!
"Ang ingay mo!" i hissed. Dumilat ito at tinignan ako. "You know what... you ruin my night! Dapat masaya lang ito but now.. its all your fault kung ano man ang mangyayari sayo ngayon!"
Just like what i said earlier, wala akong gagawin sa kanya. Tinatakot ko lang sya para hindi na sya mag-ingay at para hindi na rin sya bumalik sa ganitong lugar. Wala sa itsura nya na magpupunta sa ganitong lugar. Hindi bagay sa kanya. I don't know why i act like this but maybe it's because of the alcohol.
Matapos ko syang pagbantaan na fake lang naman ay tumahimik sya. Napakunot pa ang noo ko sa ginawa nyang hinga ng malalim. I was about to pull him again nang makaramdam ako ng sakit sa private part ko.
Napasandal ako sa pader na katapat nya. Hawak ko ang crotch ko na tinuhod nya. Crap!
"S-sorry... im sorry.. "
Nang tignan ko sya ay tumatakbo na ito palayo. Gusto ko syang habulin pero medyo masakit pa ang -- itong tinuhod nya.
"Damn you! Takbo lang, kapag nahabol kita your dead meat!" hindi nya pinakinggan ang banta ko. Hindi din naman ako kumilos.
Cursed that guy! Nakadalawa sya ah! First he slap me, now this.. he kicked me at my crotch.
"Argh!" hindi naman ganun kasakit, mukhang tantiyado nya ang lakas ng pagtuhod nya.
Alam kong hindi na babalik dito yung isang yun! Damn! Hindi ko maiwasang matawa sa nangyari. Naisahan ako ng maliit na lalakeng yun. Sana makita ko pa sya para makabawi ako sa ginawa nya!
=====••
|| JIAN LOUIS MADRIGAL POV ||
Dahil sa narinig na ingay sa paligid at sa kakaibang kirot na nararamdaman ko ay marahan akong napadilat at unang bumungad sa akin ay yung malapad na mukha ng kaibigan kong nagd-drama sa gilid ko.
"Besh, im sorry kung naging pasaway akooo. Im sorry kung hindi ako naging mabuting kaibigan. Alam ko, Besh na hirap na hirap ka na.. ako ng bahalang magpaliwanag kanila Tito at Tita. Ako na ring bahala sa mga naiwan mo, basta remember me kapag nasa Heaven ka na. Pabulong kay Papa God na bigyan ako ng maraming Boys. Huhuhu!" ang umiiyak nyang drama habang nakayuko sa gilid ng kinahihigaan ko.
"Bruha ka anong kala mo sa akin mamamatay na!?" sigaw ko na sinabayan ng malakas na kutos. Napahawak sya sa ulo nyang may bukol na for sure, sa lakas ba naman ng kutos ko sa kanya. Bruha sya! Gawin ba akong naghihingalo. Juskes!
"Besh, your awake na! Oh my gosh!!" tumili pa ito bago ako dinaganan at niyakap ng mahigpit.
"E-elliee... di.. ako.. makahinga." hirap kong sabi habang tinutulak-tulak sya. Sandali lang din naman ay umayos na sya ng upo at pinakatitigan ako. "Ikaw yata ang papatay sa akin eh!"
"Ayyy sorry, Besh. Nag-alala lang talaga ako sayo. Are you okay na ba? Anong nararamdaman mo? Yung tahi sa tagiliran mo hanggang batok, hindi ba sumasakit?"
"Huh!? May tahi ako mula tagiliran hanggang batok?" tanong ko habang kinakapa ang katawan ko pero wala naman akong makapa kaya malakas na kutos ulit ang tumama sa ulo nya.
"Gaga ka. Kung ano anong pinagsasabi mo akala ko totoo na. Akala ko na-autopsy na ako!" sighal ko sa kanya.
"Ehh nadadala lang ako, Besh ng emotions. Im sorry na." inirapan ko na lang sya at inabala ang sarili sa pagmamasid sa paligid.
Puting kisame, nakahiga ako sa may kaliitang kama at nasa loob kami ng may kaliitang kwarto. Sa puntong iyon naman ay naalala ko na kung nasaan ako at anong nangyari sa akin. Maya-maya pa ay marahas na bumukas ang pinto, nagulat pa kami ni Ellie sa pagbalagbag non pabukas.
"Anak! D'yos ko po! Anong nangyari sayo? Sinong gumawa sayo nito? Sinooo!? Ang kaawa-awa kong anaakk!!" ang nag-he-hysterical na pasok ni Nanay.
"Uy, 'nay! Best actress lang!? Ang O.A ng drama ha, buhay ako oh. Tatalbugan nyo yata si Maja Salvador sa Drama nya sa Wild flower eh. Hindi ka si Lily Cruz, 'nay." natatawa kong komento sa inaakto nya pero magkasunod na batok mula sa kanya at kay Tatay ang tinanggap ko. Mag-asawang batok mula sa mag-asawa. Haha, ok di funny ang sakit eh.
"Anong O.A ka dyan, umayos ka nga nag-aalala kami sayo ng Tatay mo! Ano ba kasi talagang nangyari sayo?" tanong nya muli kaya naman kweninto na sa kanila ni Ellie ang lahat ng nangyari.
"Naku naman, sa susunod nga mag-ingat ka. Buti at gasgas lang yang natamo mo." nag-aalalang sabi ni Nanay matapos ituro yung mga gasgas ko sa noo at braso.
Bigla namang sumabat si Ellie. "Naku Tita, di naman kasi yan mangyayari kong di--"
"Ellie." pigil ko kaagad sa sasabihin nya. Alam ko kasi kung anong sasabihin nya, kung sino ang tutukuyin nya.
Oo nga at di nya ako tinulungan pero aksidente naman ang nangyari at walang may gustong mangyari yun.
Magtatanong pa sana sila Nanay nang may pumasok na Doctor sa room. Kinamusta nya ang kalagayan ko at mabilis naman syang tinanong nila Nanay ng kung ano-ano.
"Ok naman na po ang anak ninyo, dala po siguro ng pagod at gulat kaya sya nawalan ng malay. Di naman malala yung tinamo ng paa nya, nagtamo sya ng konting gasgas pero mailalakad naman na po nya ang paa nya at pwede na rin syang mailabas." paliwanag ni Doc. Natuwa naman sila Nanay sa balita.
Matapos makapag-paalam ng Doctor ay sumunod sila Nanay, Tatay at Sir Dann sa kanya para na rin asikasuhin yung bill. Tanging si Ellie at ako na lang ang naiwan.
"Gaga ka talaga ng Taon! Bakit naman di mo sinabi kanila Tito at Tita kung bakit ka nandyan... kung bakit ikaw ang umakyat ng hagdan!?" madiing tanong ni Ellie.
"Wag na, di naman na kailangan ei. Aksidente ang nangyari at walang may gusto non." tanging sagot ko naman. Aksidente naman kasi talaga ang nangyari.
"Matapos ang lahat ng ginawa ng Jarenth na yun pinagtatakpan mo pa." may halong inis at pang-uusisa nyang sabi "Bet mo ba ang lalakeng yun? Umamin ka, Besh. Do you like him?"
Nanlaki ang aking mata at parang nilublob ako sa Hot spring sa kanyang sinabi.
"Baliw ka na talaga! Bakit ko naman magugustuhan ang isang yun eh wala ng sing gaspang pa sa ugali nya. Kahit nga liha hindi kinaya ang gaspang ng ugali nya kaya BIG NO yang last question mo!" talagang diniin ko bawat salita para iparating na wala akong feelings o gusto sa Bwisit na Jarenth na yun.
"Isa pa. Hindi naman sa pinagtatakpan ko sya, sadyang aksidente lang naman talaga ang nangyari at walang may gustong mangyari yun." dugtong ko para naman sa una nyang sinabi.
Pinakatitigan nya ako. Parang nagdududa sya sa mga sinabi ko kaya tinaasan ko na sya ng kilay. Umirap naman ito tyaka sumuko sa titigan namin. Juskes!
"Anyways! Alam mo ba na dumating sya kanina no'ng sinasakay ka na sa Ambulansya? Well, syempre hindi mo alam kasi nga nag best actress ka sa pagkakawala mo ng malay." sagot nya rin sa tanong nya. Kung ano ano na lang talaga ang pinagsasabi ng babaeng ito. Tyaka ano daw? Dumating si Jarenth sa Gym kanina?
"Pumunta sya? Ano namang sinabi o ginawa nya?" curious kong tanong.
"Yes. Wala naman syang sinabi or ginawa. Pinagsabihan ko nga ei, alam mo kung di lang dahil sa mga nakita kong pinaggagawa nya sayo iisipin ko na nag-aalala sya kaya sya pumunta doon. Akalain mo yun habang pinagsasabihan ko sya ay nakatahimik lang sya. Sana naman matauhan na yung bwesit na yun and im sure natatakot na sya sa akin ngayon."mahaba nyang kwento. Tama ba yung narinig ko? Nakatahimik na lang sya habang pinagsasabihan? Wow ha, anong nangyari doon?
"Sayo? Matatakot si Jarenth? Bakit, ano bang sinabi mo?" magkakasunod kong tanong dahil sa narinig kong kwento nya.
"Pinagbantaan ko kasi sya, sabi ko.." tumayo pa ito at nagpamewang, parang nasa isang pelikula na biglang nagbago ang itsura. "Kapag may nangyaring masama sa kanya humanda ka! I swear to the Goddess of Moon and Justice, i will punish you!"
Hindi ko naiwasang mapangiwi at mapa-face palm dahil sa narinig ko. Ang kabaliwan talaga ng babaeng ito, lumalala na.
"Talagang ganyan sinabi mo? Buti hindi ka nya sinapak kundi makikita mo talaga ang Moon and Stars na rin. Bet mong maging Sailormoon talaga eh!" bulalas ko. Tumatawa naman itong naupo ulit. May hinahalungkat ito sa kanyang Bag.
"At ito pa. Sabi ni Karla si Jarenth na daw nagtuloy ng mga ginagawa mo doon. Buong oras syang nagkabit ng mga kung ano-ano doon at halos matapos na nya, pati nga yung mga nagkalat na gamit na naiwan sya rin ang nag-ligpit. Ayyy! ang pangit naman ng shade nito!! Pwe!" ang kwento nya habang naglalagay ng lipstick sa labi nya na lampas lampas naman na. Hayy naku po.
Matapos namin magkwentuhan ni Ellie ay muling bumalik sila Nanay at sinabihan na ako na pwede na raw akong makalabas kaya nag-ayos na muna ako.
Gabi na nang makarating kami sa bahay at sinabihan na rin ako ni Sir Dann na magpahinga na lang daw muna ako at sya na daw ang bahala kay Jarenth. Wag na daw akong mag-alala sa gawain dahil si Jarenth na daw ang pagagawin nya ng lahat.
"Ayos na ba ang paa mo, anak?" tanong ni Tatay habang kumakain kami. Tumango naman ako sa kanya at matamis na nginitian sila.
"Ayos na ako 'tay. Ako pa ba." nakangiting sagot ko sa kanya.
"Ikaw ha, ayoko ng mauulit yang ginawa mo. Aakyat ka ng hagdan tapos walang sumusuporta sa ibaba mo. Paano kung napano ka na, anong gagawin namin ng Nanay mo? Alam mo namang ayaw naming may nangyayari sayong masama." pangaral ni Tatay.
"Opo." naka-pout kong sagot. Alam ko naman na nag-aalala lang sila sa akin. Love talaga nila ako.
"Oh sya, ubusin mo na yan kasi may bago akong laro na nabili. Laro tayo mamaya." masayang sabi ni Tatay habang kumakain kami.
"Sige Tay." mabilis ko namang sagot bago kumain ng kumain.
"Oh, maghinayhinay naman sa pagkain at baka yang katakawan mo pa ang ikamatay mo. Kakalabas mo pa lang ng Ospital ibabalik ka ulit namin." sermon sa akin ni Nanay habang sinasalinan ako ng juice sa aking baso. Mabilis ko naman itong tinungga at nagpasalamat sa kanya.
Matapos kumain ay iniwan na namin kay Nanay yung hugasin, mahuling kumain syang magligpit kasi ang rule namin kaya ayan si Nanay ang nagligpit kahit na ako ang nahuli.. hehe.. injured po ako eh! Absolute Immunity ako now.
Katulad nga ng napagkasunduan namin ni Tatay ay nagpunta na kami sa sala at kaagad na sinimulan ang laro sa play station namin. Masaya kaming naglaro ni Tatay at nakakatuwa na maganda nga ang nabili nyang laro. Ganito kami ni Tatay, bonding na namin ang paglalaro kapag wala syang ginagawa o kaya maaga syang umuuwe galing sa trabaho.
Matapos maglaro ay nagpaalam na ako kanila Tatay na matutulog na ako. Hinatid pa ako ni Tatay hanggang kwarto ko. Pagkapasok na pagkapasok pa lang ay nahiga na kaagad ako at dinama ang kama. Di ako nakatulog ng maayos kagabi dahil nga sa mag-isa ko lang tinapos ang pagtatahi ng mga beads kaya naman lulubusin ko na ito.
•••••
Kinabukasan.
Maayos naman na ang pakiramdam ko, naigagalaw ko na ng maayos ang paa ko at parang wala lang ding nangyari. Ewan ko lang pero ngayon ko lang ito pinag-isipan. Kahapon ko pa gustong pagtuunan ng pansin ang nangyari sa akin pero di ko magawa dahil kanila Ellie at kanila Nanay.
Nakakapagtaka na ito lang ang natamo ko, di naman sa gusto ko ng mas malalang pinsala no. Ewan ko lang kasi parang ang bagal ng nangyari, lampas tao ang inakyat kong hagdanan pero kahit sprain wala man lang. Nakakapagtaka pero nagpapasalamat na rin ako, siguro sinave lang talaga ako ng angel ko.
"Nay, Pasok na po ako." paalam ko kay Nanay matapos kong kumain. Sinabi ko kasi na pupunta ako ng School ngayon. Kaya ko naman ng maglakad eh, ang boring kasi sa bahay mamaya aalis na si Nanay.
"Sigurado ka bang kaya mo na?" tanong nya sa akin mula sa kusina. Humarap ako sa salamin para pagmasdan ang itsura ko. Cute naman. Hindi ako naka-uniform ngayon kasi wala namang klase.
"Opo. Di naman ako baldado kaya wag na kayong mag-alala dyan." medyo malakas kong sagot sa kanya dahil nasa kusina sya.
Matapos magpaalam ay pumunta na ako sa sakayan para makapasok na. Ilang oras lang din siguro ang inabot ko sa byahe bago ako nakarating. Di na ako nag-aksayang pumunta sa classroom namin dahil wala namang tao doon.
Kapansin-pansin ang maingay at mataong paligid, sa ganitong oras dapat nasa klase na ang lahat pero dahil nga may pa-event ang MAYORA wala kaming klase. Sana everyday may event. Hehe kemme lang.
Nasa bandang likuran na ako ng Campus, di muna ako nagpunta sa Gym dahil gusto kong mag-ikot-ikot muna. Ang saya ng buong Campus, ang daming tao at may mga stalls and Booths pa na nagkalat.
Sa may College of Nursing ako napadpad. May malaking open na field doon sa gilid na sementado at may mga linya na para sa basketball at volleyball. May mga nakikita akong naglalaro kaya naupo muna ako sa isang sulok para manuod ng Basketball sandali.
Nakakabingi ang tilian ng mga babae sa may kalayuan, di ko naman sila masisisi dahil ang ga-gwapo naman ng mga naglalaro. Di ko na sila pinansin at ipinagpatuloy ko na lang ang panunuod.
Napansin ko lang din na may mga galing pa sa ibang college ang nandito, hayy naku kung nandito lang si Ellie for sure babahain na ako ng laway dahil sa kakisigan ng mga naglalaro.
Natahimik lang akong nanunuod sa isang sulok. Halos di naman magkandamayaw ang mga nanunuod sa pag-cheer sa mga manlalaro. Di ko maiwasang mang-gigil sa mga babaeng nag-che-cheer. Makataas ng kamay at makapaglupasay parang walang bukas.
Merong Ateng na halos lumuluwa na ang kinabukasan pero sige pa sya sa paglundag. Yung isa naman nakikisabay sa dribble ng bola yung dibdib, yung katabi naman nya nakikita na yung So-En nyang panty! Juskes! Wagas makagiling eh. Ang di nila alam yung mga lalakeng katabi nila kanina pa nakasulampak sa lupa at di rin magkandamayaw sa pag-cheer sa nasisilip nila.
Napailing na lang ako sa nakita ko kaya bumalik ako sa panunuod ng basketball ng may biglang nag-vibrate sa bulsa ko. Kinuha ko kaagad yung vibrator na nadala ko at ing-off. Haha char lang, cellphone po.
"Hello from the other side." sagot ko sa tawag na maala-Adele. Si Ellie, siguro hinahanap na ako. Di ko kasi namalayan ang oras.
"Gaga ka ng taon nasaan kana? Bilisan mo kasi yung ka-partner mo nagwawala na dito! Di nya alam ang gagawin nya. Bilisa-- aayy!!.. bilisan mo na Besh!" natataranta nyang sagot sa kabila. Di na rin nya ko pinagsalita dahil pinatayan nya na ako kaagad. Bastos! Pero ano yung narinig kong kalabog?
Dahil wala na rin naman akong magawa dito at nakakapangilo lang ng bagang yung mga babaeng wagas mag-cheer ei umalis na rin ako. Sa likod na lang ako ng building ng College of Engineering dumaan. Tahimik at di ito nadadaanan pero shortcut na ito papuntang Gym.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pinamamadali ako ni Ellie dahil nagwawala na raw yung Hari ng mga Bwesit dahil di nya alam ang gagawin nya? Niknik nya! Gago pala sya ei, no'ng humingi ako ng help sa kanya di nya ako tinulungan. Tyaka sabi ni Sir si Jarenth na ang tatapos ng lahat. Hmp! Bahala nga sya!
Dahil sa tahimik at walang dumadaan sa likuran ng building ay naging payapa ang paglalakad ko kaya lang may naramdaman ako sa likuran ko kaya huminto ako at tinignan sandali. Wala naman akong nakita pero feeling ko kasi may nakasunod sa akin ei, hayy yaan na nga.
Nagpatuloy pa nga ako sa paglalakad. Iniisip ko lang kung paano ko babawian yung Jarenth na yun, hmmp. Di ko naman sinisisi sa kanya yung pagkakalaglag ko ei, sa di lang pagtulong sa akin sa mga gawain. Medyo malapit na ako sa Gym, palabas na ito sa likuran ng College of Engineering nang may narinig ako.
"Psst." pag-sit-sit ng kung sino.
Nilingon ko kaagad kung sino yun pero wala parin akong nakita. Haharap na sana ako ulit at magpapatuloy na nang may napansin ako sa isang puno, pinakatitigan ko yun. Dama ko ang katahimikan hanggang sa gulatin ako ng malakas na tunog ng pagputol ng sanga.
"Waahhh!!! Multo!!!"