|| JIAN LOUIS MADRIGAL POV || Pabalik-balik at puno ng bigat ang mga hakbang ko. Di ko alam ang gagawin ko. Sa di mabilang na beses ay muli akong yumuko at sinilip ang mga silong ng mga Book Shelf. Nandito ako ngayon sa Library, walang ibang estudyante na nandito liban sa akin dahil plinano ko na talaga na pumunta dito after uwian. "Asan na ba kasi kayo?" para akong baliw na nagsasalita mag-isa pero di ko yun pinansin, wala rin naman makakarinig. Halos maglupasay na ako sa sahig ng wala akong makitang Page ng libro. Para na akong aatakehin sa nerbyos dahil ni-isang Pahina ay wala akong dala. Patay ako neto pag-uwe. Dalawang araw na kasi mula noong may nangyaring kakaiba sa Mahiwagang Libro, pangyayaring mas nagpaniwala sa akin ng salitang 'Mahiwaga'. *****Flashback***** "Ahhh!!" Ta

