|| JIAN LOUIS MADRIGAL POV || Dama at dinig ko pa rin ang malakas na kabog ng dibdib ko kahit na ilang oras na ang lumipas. Hindi lang kabog ng dibdib ko ang naririnig ko kundi pati ang usapan ng mga kaklase ko na nakiki-chismiss sa iba habang kumakain sa Cafeteria. Masamang tingin ang ibinato ko kay Andress dahil sya ang may kagagawan ng lahat ng ito. Ngayon, pinupulutan na ako ng mga chismosa't chismoso kong mga kaklase. Huhu! Kanina natutuwa pa ako sa kanya bago kami pumunta dito at habang nasa byahe kami, parang syang bata at napaka-inosente sa lahat ng bagay na nakikita nya. Nakakatuwa syang pagmasdan pero lahat ng tuwa ko sa kanya nawala rin noong dumating kami sa room. Sa pinakalikuran kasi sya umupo, sa upuan ni Jarenth. Sinubukan kong pigilan sandali si Jarenth sa pag-upo nya n

