bc

Love After Hate

book_age4+
0
FOLLOW
1K
READ
badboy
student
heir/heiress
drama
comedy
bxg
highschool
enimies to lovers
sassy
brothers
like
intro-logo
Blurb

Naniniwala ka ba sa kasabihang "The more you hate, The more you love?" Sa istoryang ito, masasaksihan niyo kung paano naging pag-ibig ang dating inis at galit lamang. Nagsimula ito sa isang babae na kinasusuklaman ng apat na magkakapatid na lalaki. Isang playboy, isang badboy, isang cold hearted at isang prankster. Sa dahilang, naiiba siya sa lahat ng babaeng kanilang kilala. Matapang at di magpapatalo sa ano mang bagay at dahil dito, sila ay naging magkaaway. Ngunit paano kung isang araw, bumaliktad ang mundo? Ang playboy ay maging isang loyal, ang bad boy ay maging isang good boy ang cold hearted ay maging isang soft hearted, ang prankster ay maging seryoso at lahat ng iyon ay iisa lamang ang dahilan. Sa araw-araw na pangungulit at pang-aasar ay napamahal sila sa iisang babae. Napamahal narin ang dalaga sa isa sa kanila. Ngunit nangako siya sa sarili na hindi niya iibigin ang sino man sa magkakapatid kaya itinago niya ito. Habang buhay na ba o sisirain na lamang ang sariling pangako dahil lang sa pag-ibig?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
AUTHOR'S POV. Napatingin si Ellise sa kanyang paligid at di niya maiwasang mag-isip kung ano ba ang nangyayari. Lahat ng mga studyante ay nakatitig sa kanya at parang gustong-gusto siya. "Napaka-ganda naman niya." "Si Elizabeth yan diba? Yung nerd?" "Oo tol, grabeh naman pala ang ganda niya." "Liligawan ko na kaya toh?" "Omg, sobrang ganda niya talaga!" "Parang model. Nagseselos na tuloy ako!" Napakonot ng noo si Ellise sa mga narinig na mga salita at binilisang pumunta sa locker niya. Agad niya iyong binuksan at bumanggad sa kanya ang mukha na mala-angel. Napatitig siya ng maiigi sa salamin at hinawakan ang mukha. Teka... ako ba to?! Napangiti si Ellise nang makita ang maganda at kaaya-aya niyang mukha. Parang di siya makapaniwala na ang mukha niyang puno ng tigyawat ay makinis na, wala na siyang salamin kundi contact lenses na, naging kaaya-aya naring tignan yung kilay niya na dati parang caterpillar, tapos naging juicy na ang bibig niyang dati ay ang dry, naging straight nadin yung dating buhaghag niyang buhok. Grabeh, ang ganda ko! Napalingon si Ellise nang makarinig ng ingay mula sa mga studyanteng naroroon. "Nandiyan na sila!" "Huwag kayong humarang!" "Tumabi nga kayo, nandito na sila!" Napa-irap si Ellise sa kanyang harapan at nakita ang apat na pinaka gwapong mga lalaki sa kanilang campus. Lahat ng mga studyante ay napatabi at napahiyaw dahil sa mga lalaking ito. Napataas ng kilay si Ellise habang nakatingin sa mga lalaki. Alam niyang masama ang pakay nila sa kanya. Una, si Hans. Ang pinaka matanda sa magkakapatid. Siya yung tipong soft manamit pero playboy yung dating. Mahilig mang flirt at palaging kino-complement ang sariling kagwapohan. Ikalawa, si EJ. Ang pinakasikat at pinag-aagawan ng lahat dahil sa kanyang magandang boses at swabeng datingan. Palaging naka headphone at mahilig gumawa ng kanta. Ang problema lang, cold at di namamansin. Mabilis pang magalit, akala mo kung inaano. Basta wag mo lang siya tatawagin sa ikalawa niyang pangalan, safe kana. Pangatlo, siya naman si Louise. Ang pinaka masama sa lahat. Typical badboy talaga siya kung manamit at gumalaw. Ang lalim pa ng boses kaya na a-attract yung nga babae sa kanya. Wag mo ding subukang magkamaling kalabanin siya dahil isang pikit mo lang, wala na, black eye na. Ikaapat, Si Loyd. Ang pinakabata sa kanila. Mahilig tong mang prank at mag joke. Matigas ang ulo na makulit pero mapanakit din naman. Madalas mag cutting classes para mang trip ng iba. Pasaway din at palaging may atraso sa iba. "Ang gwapo talaga nila!" "Mas gwapo si Loyd ko!" "Akin ka nalang kuya, Hans!" "Marry me, Louise!" "Waaah! Mahal kita, EJ!" "Sayo lang tumitibok puso ko, EJ!" "Hans my love!" "Louise, can you be my baby?" "Loyd! I love you!" "EJ, crush kita! Totoo!" Napalunok na lamang si Ellise nang ma-realise niyang patungo ang mga ito sakanya. Anong nangyayari? Ba't ganto? Hala, parang may mali yata ah. Sa wakas, tumigil ang apat na lalaki sa harapan ni Ellise at hindi niya maiwasang kabahan. Tinignan niya ang mga lalaki mula kay Hans na napatanggal ng glasses sabay wink, Si EJ na ibinaba ang headset mula sa tenga hangang sa kanyang leeg. Kay Louise na napa push-back ng buhok at napatanggal ng shades at si Loyd na napa ayos ng relo at uniporme at nag smirk pa. Lahat sila ay napangiti habang nakatingin kay Ellise. "Ms. Elizabeth Salva, will you be my girlfriend?" Biglang nagkatinginan ang apat na magkakapatid and they glared at each other. Nanlaki na lamang ang mga mata ni Ellise nang marinig ang mga salitang iyon ng sabay na lumabas sa mga bibig ng apat na lalaki. Sandali... ako? Gusto nilang maging girlfriend?! Teka, ba't naman nila sasabihin yun eh ang init nga ng dugo nila sakin! "No, she's mine. Sa akin siya na a-attract, ako yung magmamahal sa kanya ng habang buhay. Ti'll death to us part." "Shut up. She will choose me." "Guys, Ano ba naman kayo? I'm the hottest okay? Alam niyo namang sakin may gusto yang si Liz eh. Right, baby?" "You're wrong. Natatawa siya sa mga pranks at jokes ko. I'm sure she likes me." She blinked her eyes at tinignan ang apat na lalaki. Hala, ba't sila nag-aagawan?! Di naman nila ako gusto diba?! Naririndi pa nga sakin ang mga lalaking to eh! "Sandali." Napalingon ang apat na lalaki kay Ellise. Napabuntong hininga siya at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bewang. "Ano bang drama toh? Ano toh, meteor garden? Tigilan niyo nga ako, akala ko ba galit na galit kayo sakin ba't ngayon pinag-aagawan niyo na ako? At saka, ang weird niyo! Magsitigil nga kayo! Sandali..." "..." "Nananaginip lang ba ako? Kung panaginip lang talaga to, gusto ko nang magising. Kasi ang weird na!" Natahimik ang lahat at maya-maya't pa ay nakita ni Ellise ang nanay niyang paparating. Napakunot-noo siya nang makita itong may dala-dalang sandok at naka pajama pa. Hala, ba't pupunta dito si inay na naka ganyan? Dito ba siya natulog? Sandali nga... "Ma, anong ginagawa mo dito?" "Gising na hoy!" "Ha?" "Anong 'ha'? Hampasin kita diyan eh! Tong batang to! Aba, nagtatanong pa kung anong ginagawa ko dito. Pag di ginising magagalit din naman. Bumangon kana nga diyan!" Hala, panaginip lang pala talaga! Phew, buti nalang di totoo. Not bad, but not good. Binuksan ni Ellise ang mga mata at nakita ang nanay na nasa bewang ang dalawang kamay kaya siya napa simangot. "Si mama ang aga-aga napakaingay, nakalunok ka ba ng speaker ma?" "Anong sinabi mo?!" Biglang napatalon si Ellise sa boses ng ina. Ngumiti siya ng pilitan. "A-Ah wala po, ang s-sabi ko... Good morning, happy lang walang magagalit ng subra dahil special ka... l-like that po." Napalunok si Ellise habang tinititigan ang nakakatakot na mukha ng ina. "Dami mong alam, kaka-cellphone mo yan! Maligo ka na nga ang baho-baho!" Sambit ng ina at umalis na ng kwarto niya. "Mabaho ka din po! I love you sayo lang nagtitibok-t***k heart ko!" "Papaluin kita pag di kapa tumigil at mag-ayos diyan!" "Yes ma'am! Maliligo na po!" Akala ko pa naman talaga maganda na ako. Kakainis pero ayaw ko ding magkagusto yung Hell Brothers sakin noh. Nakapa pilingera ko naman. By the way ako si Elizabeth Salva also known as Ellise. Minsan normal, laging abnormal. Pangarap maging songwriter pero kinulang sa highlighter. I'm not pretty, I'm not simple, I'm just ugly. Totoo yun, paki niyo ba? I don't care, I just love being me. By the way, not in a relationship kasi wala din akong hinihintay. Babae lang talaga akong may eyebags habang buhay. College student na major in loving myself, bachelor of being single since birth and education for always lutang. Di joke lang. Pero ako, si Elizabeth Salva, nanunumpa na hinding-hindi magkakagusto sa sino mang miyembro ng hell brothers kahit ano man ang mangyari. Kahit iyon ay panaginip lamang, sana ay di rin nila ako magustohan. Kung ako ay magkagusto man sa isa sa kanila, nararapat ko itong itago sa aking sarili. (Pero imposibly naman ata yun). Ililihim ko ito sa sarili nang walang alinlangan at pagsisisi. And I, thank you! ~TO BE CONTINUE~

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook