Nanghihina ako na kinuha ang aking cellphone. Nag order ako ng pagkain online para umakyat dito si yaya, mukhang walang kaalam-alam ang kasambahay sa nangyayari. “Ay Panginoon ko! Anong nangyari dito?.” Tanong ng matandang babae, matapos ang ilang oras. Hindi ako nagpaliwanag, alam ko naman na wala itong magagawa. Isa pa, takot ito madamay dahil may anak ito na special child sa probinsya. At ito lang ang inaasahan nila na pinagkukunan ng pera. “Dalhan mo ako dito ng mga painkillers. Linisin mo na din itong silid ko. Matutulog lang ako at puntahan mo ako dito every four hours.” Tumango lang ang matandang babae, habang ako ay nagsimula ng kumain at uminom ng gamot. ___ Gusto ko matawa, pagkatapos ng nangyari sa akin, si mommy at si Rob ay nagawa pang magbakasyon sa Singapore. Haban

