Habang papasok ako sa school, pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Bukod kasi sa kilala ang pamilya na meron ako, kilala din ako bilang matalino sa academics. Nagulat siguro sila sa itsura ko ngayon. Ang dating leader black flat shoes kasi na suot ko ay nagkaroon na ng takong ngayon. Kung dati buong linggo ako nakasuot ng school uniform. Kahit pwede naman kapag biyernes magsuot ng civilian na damit. Ngayon, lunes nakasuot ako ng school uniform na hapit sa katawan ko. Ang dating palda na abot lampas tuhod, ngayon ay above the knee na. Hindi naman ako baduy dati, very demure lang ang atake ng kilos at pananamit ko before. “Wow! Ikaw ba ‘yan, virgin Rida?.” Sarkastiko na tanong ni Dean sa akin na lumapit pa at inakbayan ako. Kilala itong babaero dito sa academy. Varsity at laging MVP s

