“Kamusta?” Tanong sa akin ni Mommy. Magmula ng iwan ako ni Axel, hindi na rin ito sa akin nagpakita. Huling beses na nasilayan ko ito ng araw na ‘yon. “Kinakaya ko naman, Mom. Sanay naman ako mag-isa. Ngayon pa ba ako panghihinaan ng loob, malapit na ako sa finish line.” Nakangiti na sagot ko sa aking ina na tumango-tango lang. “Sa tamang panahon, malalaman mo rin ang sagot sa lahat. Kung bakit tayo nagkaganito o kung bakit tayo iniiwan ng mga tao na mahal natin. Pero lagi mo tatandaan, hindi tayo nagkulang. It takes two to tango. Kaya't laging ang sisi, sa dalawang tao. Wag mong aakuin ang lahat, anak. Next week, malaya ka na dito. Nakausap ko na ang mga doktor mo. Gusto ko lang sabihin sayo anak, sa loob ng tatlong taon ng pamamalagi mo dito, sobrang proud ako sayo.” Hindi ko

