“I’m sorry, Love. Akala ko handa ako sa lahat. Hindi ko akalain na ganito pala kasakit makita na nakikipaghalikan ka sa ibang lalaki. Ang sabi mo, ako lang ang lalaki na hinalikan mo. Dahil sa lahat, ako lang ang mahal mo. Pero bakit ang lalaki na ‘yun. Bakit parang sabik na sabik ka sa kanya?, Sa ngayon, hayaan mo muna ako na mag-isip. Palalayain muna kita at pagbibigyan sa gusto mo na buhay. Baka din isa ako sa hadlang sa pag galing mo. Mag-ingat ka lagi, alam mo kung gaano kita kamahal, Rida.” Matapos ko basahin ang iniwan na sulat ni Axel, parang sinaksak ako ng maraming punyal. Nandito na kami, malayo pa. Pero malapit na akong gumaling. Para saan ang sulat na ‘to? Break-up letter ba ‘to o ano?. Nanginginig ako na dumapa sa kama. Inabot ko ang unan na gamit ni Axel at niyakap

