Nagluto ako ng pagkain. Alam ko kasi na hindi nag-uulit ng ulam si Rida. Nagugutom na daw ang babae. Kaya't ng dinala ko sa kanyang silid ang niluto ko na broccoli and beef na pagkain. Kaagad niya itong kinain at mukhang gutom nga talaga. “Lumabas ka, Rob. Mag-usap tayo saglit.” Malakas at may awtoridad na sabi ni Kassadora. Kaya't sumunod ako sa babae. “Ano! Mahal mo na ba ang anak ko?.” Hindi ako umiimik, ngumisi lang ako dito ng nakakaloko. “Ang kapal talaga ng mukha mo, pagkatapos ko sayo ibigay ang lahat. Anak ko naman pala ang kababaliwan mo!.” “Alangan naman ikaw? May asawa kang tao hindi ba? Kung ano man ang ibinigay mo sa akin, binayaran ko na ‘yun. Baka nga t***d ko na ang dumadaloy sa ugat mo, hindi na dugo ‘e. So, anong iniiyak mo ngayon?.” Akmang sasampalin ako ni K

