Honestly, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta ang gusto ko lang, makalayo sa bahay namin. Pakiramdam ko kasi, ulilang lubos na ako. Wala man lang akong magulang na pwede kong iyakan. Hanggang kakamanehi ko, sa nakakita ako sa isang hotel. Swerte naman na may bakante na deluxe room. Nagbayad lang ako para sa overnight staying. Maganda ang hotel at mukhang okay naman. Hindi kasing garbo ng five star hotel pero, may laban ang isang ‘to. Sumakay ako kaagad ng elevator. Napaurong ako ng mapansin na kami lang ang sakay sa loob. Nag excuse ako para pindutin ang floor ko at napansin ko ang lalaki na kanina pa tingin ng tingin sa akin. Napayuko ako at sinundan ko ang mata nito kung saan nakatitig. Doon ko lang napansin na wala w

