CHAPTER: 7

1410 Words
Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin dito sa aking silid. Katatapos ko lang ayusan ng tatlong babae at isang bakla. Katulad nga ng gusto ko, simpleng gown lang at ayos sa mukha ang makeup na gusto ko, fresh looking lang ang ganun. Sa damit naman, ayaw ni Axel ng revealing, kaya't ‘yon ang pinatahi ko. Tube empires cut gown ang suot ko na may tela na magaan lang. Napakasimple at hindi ko sinunod ang kagustuhan ni mom na punuin ko daw ng mga diamonds o kung ano-ano pang mga bato. Para daw ako ang maging queen of the night. Ayaw ko ng attention kaya mas okay sa akin na simple lang. Besides, ako ang magsusuot at hindi siya. Pero hindi na ako nakaligtas pa ng ilagay niya sa tenga ko ang sapphire blue diamond earrings dangling design. Nakakatakot gamitin ang milyon na halaga ng mga dyamante na nakalagay. “Mommy, tama na! Ayaw ko na isuot ang kwintas na ‘yan. Over accessories na ako.” Reklamo ko sa aking ina na sinamaan pa ako ng tingin. Sanay kasi ito na laging puno ng burloloy ang katawan. Habang ako, mas gusto ko na hikaw na simple lang ang laging suot. “Okay fine! Ang baduy mo talaga. Like duh! Hindi ka man lang nagmana sa akin.” “Excuse me, Miss Rida and Miss K. Nandiyan na po ang sundo ng young Miss natin.” Kinikilig na sabi ni yaya sa amin. Habang si mommy, halata ang kasabikan sa kanyang mga mata. Siguro dahil ngayon lang may ibang tao na naghahanap sa akin, na sinundo pa ako dito sa bahay. “Halika na, bumaba na tayo. Excited ako makita kung gwapo ba ang lalaki mo.” Kinikilig pa na sabi ni mommy na inismiran ko. Nangunguna pa ito sa pagbubukas ng pintuan at sa paglabas. “Umayos ka, Kassadora Montelevano! Pakiusap lang, wag ka magkakalat kahit ngayon lang.” Malakas na sigaw ko kay mommy na huminto saglit, sabay ismid sa akin. Wala talaga sa tamang hulog ang nanay ko, pero wala naman akong magawa para sawayin ito. “Hello! Ikaw si?.” Tanong ni mommy kay Axel na gwapong gwapo sa suot nito na three-piece suits. Nakangiti ito na nakatitig sa akin. Hindi sinagot ng lalaki si mom at nakatunganga lang ito na nakatitig sa akin, sabay lapit sa hagdan para abutin ang aking kamay at alalayan niya ako, hanggang sa makababa. “Mommy, I’d like you to meet Axel Villaflores, my escort for tonight. And Axel, this is my mom, Kassadora.” Nakangiti na nakipag beso si Axel sa aking ina. Tuwang-tuwa ang mom ko, habang sa pintuan nakasandal at naninigarilyo si Rob at masama ang titig nito na ipinupukol sa kasama ko. “Axel, ingatan mo ang anak ko huh? Don't forget to wear a condom to prevent unwanted pregnancy.” Nakakahiya ang bunganga ni mom! Hinila ko na kaagad si Axel at kinawit ko ang aking kamay sa kanyang braso. “Halika na, bilisan mo! Kung ano-ano na ang sinasabi ng mom ko.” Sabi ko kay Axel habang patungo kami sa garahe. Paglampas namin kay dok Rob, kita ko ang sama ng titig nito para sa kasama ko. “Hahaha! Ang cute ng mommy mo, Rida. She's a surgeon right?.” Tumango lang ako kay Axel dahil ayaw ko pag-usapan si mommy. Hindi ako komportable at nakakahiya lang dahil puro masama na gawain ni mom ang laman ng utak ko. “Ang ganda mo.” Sabi ni Axel sabay tingin sa akin na may malaking ngiti sa kanyang labi. Nakaupo kami sa likod ng upuan, magkatabi. Sa harapan naman ang kanyang driver. “S—Salamat, ang gwapo mo din.” Sabi ko sa lalaki na inabot ang aking isang kamay at magaan na hinalikan. Hindi naman nagtagal, nakarating kami sa school. Unang bumaba si Axel at umikot ito sa sasakyan niya, para pagbuksan ako ng pintuan. Magkahawak kami ng kamay na pumasok sa hall, kung saan gaganapin ang prom. “OMG! Sila na ba?.” “Nako! Alam naman natin gaano kayaman ang mga Montelevano. For sure, pera lang ang habol sa kanya ni Axel.” Narinig ko na sinabi ni Drei. Lalapitan ko sana ito para sagutin, pero hinawakan ni Axel ang braso ko para pigilan ako. “Wag natin sila bigyan ng satisfaction, pabayaan natin ang mga yan na sabihin ang gusto nilang sabihin at mag enjoy lang tayo ngayong gabi.” Bulong ni Axel sa akin na tinanguan ko lang. Naglalakad na kami patungo sa table kung saan nakalaan para sa amin. Binati naman kami ng ilan sa aming mga schoolmates at natuwa naman ako sa iba na kinikilig sa amin ni Axel. “Sayaw tayo?.” Bulong ng lalaki sa akin sabay tayo nito at nilahad ang kamay sa harapan ko. Wala naman akong nagawa kundi tumayo at abutin ang nakalahad nitong kamay. “Axel, kinakabahan ako.” “Saan? Magsasayaw lang tayo, Rida.” “Yun nga! Firstime ko sumayaw at hindi pa ako marunong.” Pag-amin ko sa lalaki na hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko, na para bang pinababatid sa akin na okay lang. Na siya naman ang kapareha ko. “I’m sorry” Paulit-ulit na hingi ko ng tawad na sabi kay Axel. Dahil baka kinabukasan hindi na ito makapaglakad. “Sabi ko sayo ‘e. Halika na maupo na tayo! Kawawa naman ang paa mo.” Nahihiya ako kay Axel na kanina ko pa naapakan ang paa. Hawak nito ang magkabilaan na bewang ko, habang ako naman ay nakapatong ang dalawang kamay sa kanyang balikat. “Okay lang, minsan lang mangyayari ‘to. Gusto ko memorable ang first prom night mo na kasama ako.” Malambing na bulong ni Axel sa akin na nagbigay kilabot sa aking tenga ang kanyang mainit na hininga. “Hey! Mamaya, sama ka sa amin sa bahay?.” Pag-aaya ng isang schoolmates namin na si Arman. Mahuti na lang at sumingit ito, dahil medyo kakaiba na ang nadarama ko sa paglapat ng aming katawan ni Axel. Hindi muna sumagot si Axel, tinitigan ako nito na para bang nagtatanong kung papayag ako. “Y—Yeah! Sure.” Tipid na sagot ko kay Axel na tumango din sa lalaki. Ito kasi si Arman ang madalas kasama ni Axel na nakikita ko sa school. Kaya nakakahiya naman na tanggihan ko. “Sure ka ba na hindi magagalit ang mom mo?.” May pag-aalala na tanong ni Axel sa akin. Niyakap ko ito at hinaplos ang kanyang likod. Nilapat ko ang aking ulo sa dibdib ng lalaki at pinakinggan ko ang malakas na t***k ng kanyang puso. “Kinakabahan ka ba?.” Tanong ko sa lalaki na inangat ko pa ang aking ulo, pero muli ako nitong tinago sa kanyang mga bisig. “Medyo, ang ganda mo kasi. Ito din ang unang beses na may yakapin akong babae. Bukod kasi kay yaya at mommy, ikaw pa lang nayayakap ko.” Paliwanag ni Axel na ikinakilig ko naman. Ang sarap pala maging first. “Wala ka bang crush? I mean, ex-girlfriend?.” “Wala! May crush ako, Luna ang name niya. Kababata ko sa Calaguas.” “Maganda?.” “Hmmmmm.” Tipid na sagot ni Axel na nagpawala sa mood ko. Para bang nagselos ako na may ibang babae pala na nagugustuhan ang lalaking gusto ko. “Tara na! Napapagod na ako, maupo na tayo.” Sabay nauna ako na humakbang patungo sa table namin. “Bakit parang nawala ka sa mood?.” “Doon ka na kay Luna mo!.” Sigaw ko kay Axel na tinitigan ako gamit ang mukha na nagulat, ilang sandali pa ay tumawa na ito ng malakas. “Sige, mag-asar ka pa!.” Sigaw ko muli na pinagtawanan lang ako ng lalaki, sabay tumingin ito sa paligid at hinila ako sa braso palabas sa hall. “Saan ba tayo pupunta, Axel? Ang layo na natin sa hall.” Kinakabahan na tanong ko sa lalaki na mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa aking kamay. Hanggang sa ang lakad namin ay mas lumayo pa sa hall. “Anong ginagawa natin dito sa lumang silid na ‘to?.” Kinakabahan na tanong ko kay Axel na seryoso ang mukha na nakatitig sa akin ngayon. “Rida, kung hihilingin ko ba na may mangyari sa atin ngayon, papayag ka ba?.” Natulala ako sa tanong ni Axel, hindi ako makagalaw. Parang biglang huminto ang paligid ko na para bang nag froozen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD