Biglang nanginig ang aking katawan sa tanong ni Axel. Mahalaga siya sa akin, pero hindi ako si mommy! Hindi ako si Kassadora Montelevano na parang carinderia na bukas sa lahat ng gusto kumain sa kanya. “Please” Pakiusap ni Axel na humakbang na papalapit sa kinatatayuan ko. Hinalikan nito ang aking lantad na balikat. Kaya't wala akong nagawa kundi damahin ang kanyang ginagawa. Napapikit ako dahil ang parte ng aking balat kung saan dumampi ang kanyang malambot na labi ay nagdulot ng kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko. “Hmmmmmm.” “Ayaw kitang pilitin, pero gusto ko maramdaman ang init ng katawan mo. Pigilan mo ako, kung ayaw mo sa ginagawa ko.” Bulong sa akin ni Axel na nagbigay kilabot sa buong katawan ko. Ang labi nito ngayon ay nasa tenga ko na, nag taasan ang mga balahibo ko

