CHAPTER: 4

1016 Words
Usap-usapan ngayon ang paparating na prom night. Noong nakaraang taon hindi ako sumali. Dahil sino naman ang magiging kapareha ko? Kaya wala akong pakialam sa mga kaeskwela ko na sabik sa araw na ‘yon. “Hi Axel, pwede ka ba sa prom night maging ka partner ko?.” Malambing na tanong ni Christine sa lalaki. Nasa daan sila ngayon at halata sa babae na nagpapabida na naman. Naiiling ako na nilampasan sila sa hallway. “P–Pasensya ka na Tin, may ka partner na ako sa prom night. Rida! teka lang, hintayin mo ako.” Sukat sa aking narinig, mas nilakihan ko ang aking hakbang hanggang sa hinihingal ako na umupo sa aking pwesto, dito sa loob ng room. “Grabe ang bilis mo maglakad. Mabuti na mas mahaba ang biyas ko sayo. Bakit hindi mo ako pinapansin kanina?.” “Axel, listen okay. Ako, ayaw ko ng gulo. Ayaw ko din ng atensyon ng mga tao sa akin. Please wag mo akong pagtripan, dahil ang gusto ko lang, matapos ng pag-aaral dito sa school with flying colors to pleased my mom.” Mahinahon na sabi ko sa lalaki na hindi umimik. Hinawakan nito ang braso ko at tinitigan akong mabuti. “Wala akong plano na masama sayo, ang gusto ko lang maging kaibigan ka. Hindi ko gusto ang ugali ni Christine, kahit kailan hindi ko ginusto ang mga tao na bully. Please, pumayag ka ng maging partner ko sa prom night. Dahil last na ‘to.” Halata ang kalungkutan sa mukha ng lalaki. Kaya't tumango na lang ako. Ayaw ko ng matagal na conversation at drama. Mas okay na yung raooa kaagad ang usapan. “Yes! Payag ka na, partner kita sa prom?.” Malakas na tanong ni Axel na tinanguan ko. Makulit ang lalaki at tumatalon pa habang sumusuntok sa hangin. Ang mga kaeskwela ko ay napapangiwi, habang paglingon ko sa pintuan, nakatayo si Christine at masama ang titig sa akin. “Maupo ka na nga Axel, mukha kang tanga.” Saway na sabi ko sa lalaki na malaki ang ngiti. Hindi ko alam kung pinagtitripan ba ako nito o kung ano ang kanyang pakay sa akin. Siguro, dapat enjoy ko na lang ang hayskul life ko. “Wag ka mag suot ng maikli na damit huh? Ayaw ko ng babaeng nasisilipan na kung manamit.” Hindi ako umimik at inikutan ko lang ito ng mata. Dumating ang professor namin at nagturo. Matalino din si Axel kaya nakakatuwa na hindi lang ito gwapo, may laman din pala ang ulo. “Kain tayo sa canteen.” Tanong ni Axel na nakadukwang sa tagiliran ko. Sinisilip pa kung anong ginagawa ko sa aking phone. Break time kasi at tinatamad akong lumabas. “Mamaya na, busog pa ako.” Sagot ko dito na kaagad kinuha ang aking bag at hinawakan ako sa kamay. Wala akong nagawa kundi ang tumayo at sundan ito ng lakad. “Inaaya kita, hindi ko tinatanong kung busog ka pa. Dahil ako, hindi ako nag breakfast.” “Bakit kasi hindi ka kumain?.” “Nagmamadali ako, baka kasi may mauna na mag-aya sayo bilang prom king mo.” “Wala naman sa akin nag-aaya, ngayon lang din ako sasali.” Nagulat ito sa aking sinabi. Medyo nahiya ako, dahil ang dating ‘e, ang pangit ko pala talaga sa paningin ng iba. “Sa ganda mong yan? Bakit wala?.” Nagtaas lang ako ng aking dalawang balikat. Nakakahiya na nagagandahan ito sa akin. Hanggang sa nakarating kami sa canteen at sabi ni Axel, hintayin ko na lang daw siya sa table namin. “So, kinaganda mo na yan? Alam mo, kung ako sayo, iwasan mo na si Axel, ipapahiya mo lang siya sa prom night.” Sabi ni Christine na lumapit pa talaga sa kinauupuan ko. Hindi ko ito sinagot dahil iniisip ko pa rin si daddy. Wala akong lakas para makipagtalo ngayon. “Hi Christine, mauupo kayo?.” Pagbati ni Axel sa babae na malaki ang ngiti. From impakta to anghel, ang bilis din ng transformation ng babaeng ‘to. Halata na bihasa sa pakikipag plastikan. “No thanks, Axel. Binati lang talaga namin si Rida. Sige, bye. Enjoy!.” Sabay lakad papalayo ng tatlong babae. Mga mean girls na sagana sa enhancement ang mukha. Kung walang makeup, malamang mga mukhang japanese fvck doll. “Kaibigan mo sila?.” Tanong ni Axel dahil napako ang tingin ko sa nilakaran ng grupo ni Christine. “Mukha ba kaming friends?.” Pilosopong tanong ko sa lalaki na tumawa at umiling lang. Obvious naman kasi na binubully ako ‘e, magtatanong pa. “Hindi ka kumakain ng gulay?.” Tanong sa akin ni Axel ng alisin ko ang pipino at kamatis sa burger na binili niya. “Di ko lang gusto sa burger, bakit ba? Kumain ka na lang nga.” Pagsusungit ko sa lalaki na pinagtatawanan lang ako. Gwapo talaga si Axel, ang ganda ng kanyang maputi at pantay na mga ngipin. Ang pula din ng labi nito. Bumagay sa kanyang matangos ba ilong. “Nakakailang ang ginagawa mo, Rida.” Iniwas ko ang aking tingin dahil mukhang kanina pa nakahalata ang lalaki na nakatulala pala ako sa kanyang mukha. Mauubos na kasi niya ang kanyang burger, habang sa akin ay wala pang bawas. “Sorry, ang gwapo mo pala kasi.” Medyo nahihiya na pag-amin ko sa lalaki na tumawa ng malakas. Mukhang sanay na itong purihin, dahil nagpasalamat pa ito. “Sabay ka na sa akin?.” Tanong ni Axel na tinanggihan ko. Ayaw ko naging open sa lalaki. Magiging boring naman kung lahat na lang alam niya, tungkol sa akin. “Sige, ikaw bahala! Una na ako.” Paalam ng lalaki na tinanguan ko lang. Naglalakad ako papunta sa sasakyan na sundo ko. Makahulugan ang tingin ng aking driver na tinitigan ko kaagad ng masama. “Bilisan mo na manong, magpapa-appointment pa ako sa designer ni mommy.” “Ikakasal kayo kaagad ni bagets?.” Tanong ng matanda na tinitigan ko ng masama. Tumawa ito at naupo na sa harapan at nagmamaneho palabas ng gate nitong paaralan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD