CHAPTER: 5

1111 Words
“Tinawagan mo daw si Scarlett? Anong meron at nagpa-appointment ka daw kay Ms. A?.” Tanong ni mommy ngayong umaga. Sabay kami ngayon mag-almusal. Himala nga at naabutan ko ito. “Nagpapatahi ako ng gown, para sa prom night namin.” “Anong himala? Bakit sumali ka?.” Sarkastiko na tanong nito sa akin na hindi ko na lang sinagot. Patuloy akong kumain hanggang sa mabusog ako. “Tapos ka na kaagad? Maligo ka na, samahan mo ako sa salon. Magpaayos ka na rin, ipapa-alis na din natin ang mga braces mo. Palitan na lang natin ng straight lang.” Medyo natuwa ako sa sinabi ni mommy. Plano ko na talaga ngayon araw na pumunta ng salon. Mabuti na lang at nag-aya ang matanda. “Baka hanapin ka ng mga lalaki mo? Baka mamiss mo sila?.” “Shut-up! Pasalamat ka may time ako ngayon, kaya bilisan mo ang kilos mo. May lakad ako mamayang gabi.” Hindi na ako umimik pa, pasasalamatan ko pa pala siya at ang lagay, utang na loob ko pa na nagpapaka-ina siya ngayon. Muli akong umakyat sa aking silid at naghanap ng damit na isusuot. Napili ko ang simpleng oversized t-shirt, maong shorts at rubber shoes. “My gosh, you looked older than me. Sino ang nag-aakala na anak kita?.” Sabi ni mommy na nakasuot ng dress na hakab sa kanyang katawan. Maraming nakasabit na alahas sa kanyang katawan at nakamake-up pa. “Nandoon ako para magpaganda, mom. Hindi para manglalaki, so bakit kailangan na naka-ayos pa ako?.” Sagot ko sa aking ina sabay nauna na akong humakbang patungo sa kanyang nakaparada na kotse. Hinintay ko ito sa labas, dahil nasa kanya ang susi para mabuksan ito. “Pumasok ka na, dahil baka mamaya gabihin pa tayo.” Masungit na sabi ni mommy sa akin, kaya't naupo na ako sa tabi niya sa harapan. “Sa likod ka, dadaanan ko mamaya si Rob. Dito siya sa tabi ko sasakay.” Naiiling na lang ako na lumipat sa likod na upuan. Sa hindi kalayuan, huminto si mommy. Pumasok sa loob si Rob manyakis. Malaki kaagad ang ngisi ng doktor na nag flying kiss pa sa akin. Habang nag kiss sila ni mom sa labi. “Ew!” Mahinang bulong ko, sabay iwas ng tingin sa kanila. Mga hindi na nahiya sa akin, PDA talaga. Habang nasa loob ng sasakyan, sa reflection ng salamin. Kita ko na hinahaplos ni Rob ang hita ni mom. Ang ina ko naman pinapabayaan lang ang lalaki. “A–Anak, iiwan lang muna kita sa dentist mo huh? Balikan na lang kita doon. May dadaanan lang kami ni Rob.” Tumango lang ako sa aking ina. Hindi nagtagal, nakarating kami sa kaibigan niyang dentist. Pumasok na ako sa loob ng clinic nito at mabilis na pinasibad ni mom ang kanyang sasakyan. Naging maayos naman ang lagay ng ngipin ko, nakakangilo pero worth it naman, hindi na nakabakod ang mga ito at hindi na ako mukhang nakanguso. “Salamat po.” Sabi ko sa doktor matapos ko abutin ang aking card. Hindi na ako umaasa na babalikan ako ni mom, kusa na akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa mall. Mag-isa ako na nagpaayos ng aking sarili. Inabot na ako ng dilim, umaasa na mag chat man lang o misscalls ang mommy ko, pero wala talaga. Muntik na sana ako madismaya, pero naisip ko. Dapat pala sanay na ako, ano ba ang bago, wala naman. Mula pagkabata ko, ganito na si mom. “Anak, sorry hindi kita nabalikan.” Salubong ni mom sa akin ng makauwi ako. Seven in the evening na at naipit ako ng traffic. Basang basa ang buhok ni mom, halata na bagong ligo. “Sanayan lang.” Mahinang sagot ko sa aking ina, sabay talikod dito. Pinuntahan ko sa kusina si yaya at doon ako naupo. “Penge pagkain yaya, kahit ano.” Mahinang sabi ko sa matanda na halata ang awa sa kanyang mga mata. “Hay nako! Kanina, nagkulong na naman kami sa maids quarter. Nalibot na ata ni Ms. K at dok Rob ang buong bahay.” Mahina at pabulong na kwento ni yaya habang hinihintay ang pagkain ko na ininit niya sa microwave. “Bakit, ano ba ang bago? Ilang taon na kayo dito, parang nagugulat pa kayo.” Pilosopo na sagot ko sa matanda sabay tayo at kumuha ako ng saging. Binalatan ko ito sabay kagat sa kalahati. “Wow! Sa laki ng saging, dalawang kagat mo lang?.” Hindi ko pinansin si Rob na nagsalita. Kumuha ito ng tubig sa refrigerator at uminom. Nakatitig ang lalaki sa akin na mukhang nagulat. “A—Ang ganda mo pala, Rida.” Inikot ko lang ang aking mata at inismiran ang lalaki na nabubulol pa habang nagsasalita. Ayaw ko siya kausap dahil hindi ko nakakalimutan ang isang beses na ginawa niyang panghihipo sa akin noong bata pa ako. “Maganda naman talaga dati pa si Miss Rida, pinaghalo na mukha ni Sir Val at Miss K.” “I agree!” Sabi pa ng lalaki na tumatango pa. Nakakairita ang tingin na inuukol nito sa akin. Nakakabwesit ang sarap sapakin. “Yaya, sa taas na lang ako kakain. Pasuyo na lang, pa-dala na lang.” Sabay talikod ko sa dalawa at mabilis akong umakyat sa taas. Mas mabuti ng umiwas, kaysa may mangyari na naman na masama sa akin. Wala din naman magtatanggol sa akin, kundi sarili ko. Pagkapasok ko sa aking silid, hindi ko napansin na nakalapit na pala sa likod ko si Rob. “Mapapasa-akin ka rin, Rida.” Sabi ng lalaki na nakangisi habang hinahaplos ng likod ng kanyang palad ang braso ko. “Eheeeeem! Excuse me, Miss Rida. Nandito na ang pagkain mo.” Sakto na dating ni yaya na pinasalamatan ko. Mabilis pumasok sa loob ang matanda, sabay hila sa aking kamay. “Ano? Anong ginawa sayo?.” Hindi ako umimik kay yaya. Hinarap ko na lang ang pagkain na dala nito. Umiiling lang ang matanda hanggang sa nagpaalam na lalabas na. Sa estado ko, kailangan tatagan ko ang aking sikmura. Kundi, walang mangyayari sa buhay ko. Pangarap ko matapos sa pag-aaral, para may pakpak na ako para makawala at makalayo sa sitwasyon na meron ako ngayon. Dahik kung pipilitin ko dito umalis, baka lalo pa ako mapariwala. Hindi ko na nalasahan kung masarap ba ang kinain ko, ni hindi ko rin alam kung menudo ba ito o afritada o mechado. Ang mahalaga mabusog ako. Ayaw ko mag-isip ng mga bagay na hindi pa nangyayari, ang alam ko lang. Hindi ako safe sa bahay na 'to. Mas safe pa sa paaralan kahit puro bullies ang nandoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD