“Eneng! Saan ka ba paparoon? Mabuti siguro na sumabay ka na sa amin?” Tanong ng matanda na nagpaluha sa akin ng sobra. Sa wakas ay makaka-upo na din ako at mapapahinga ko ang mga tuhod ko at paa na nanginginig na sa pagod. “P—Pwede po? Papunta po ako ng Sta. Mercedes.” Mahina na sagot ko sa matandang babae at sa kasama nito na matandang lalaki. Mukhang mag-asawa na lulan ng bulok-bulok na owner type jeep. “Ay sakto na patungo kami doon! Mamimili kami ng paninda na isda. Taga roon ka ba, anak?” Tanong ng matandang lalaki na tinanguan ko lang. Sa likod ng sasakyan ako mabilis na sumampa. Naluluha ako na nakaupo habang sapo ko ng aking kamay ang aking maliit na mukha. “Bakit naglalakad ka lang iha? Heto, uminom ka muna at kunain. Pagtiisan mo na ang nilagang saging ha? Mahirap kas

