Tatlong linggo na ako dito sa apartment na tinutuluyan ko. Ang mga sugat ko ay mabilis naman naghilom dahil na din sa regular na pagpunta ko weekly sa clinic. Ngayon ay nag-iimpake na ako ng aking mga damit, dahil sure ako na babalik na ako ng siyudad. Babalik na ako sa pamilya ‘ko. At hindi ako sigurado kung may babalikan pa ba ako. Tanging ang alam ko lang, gusto ko gumanti kay Roque at mahanap si Axel. “Aalis ka na ba talaga?” Tanong ng landlady na tinanguan ko lang. “Baka naman gusto mo akong isama? Baka kailangan mo ng personal alalay. Pwede ako, kahit minimum lang ang sahod.” Sabi nito sa akin. na tinitigan ko ng mabuti. “Okay! Mag-impake ka na. Isasama kita. Pero sa isang kondisyon. Kahit anong mangyari, sa akin ang loyalty mo, okay?” Tanong ko sa babae na mabilis tumango,

