bc

Dealing with The Billionaire

book_age16+
498
FOLLOW
1.3K
READ
drama
comedy
sweet
humorous
like
intro-logo
Blurb

Masarap mabuhay ng marangya. Yung tipong nakukuha mo lahat ng gusto mo. Babae, latest gadgets, luxury cars and all. Wala kang ibang problema kung hindi ang isipin kung paano lulustayin ang kayamanan mo. Ang sarap humiga sa pera!

That was Keigo Atobe's perception until he met this particular girl.

Savannah "Sab" Montefalcon. Studious, not nerdy. Sanay sa hirap pero madiskarte. One fateful day, she suddenly discovered a way to live like her sossy schoolmates. She can shop till she drops, without any expenses at all. The key to that? Keigo Atobe's name.

And then they met. Their situation was at its worst angle, but then attraction kicks in...

That's when the chase begins...

chap-preview
Free preview
Chase 1 (Keigo Atobe's)
Sab's POV "Sab, baka mashort tayo sa budget this week." napanguso ako sa sinabi ni Auntie. Agad kong itiniklop ang binabasa kong libro at umayos ng upo sa sofa. Kapag ganun ang linya ni Auntie, gets ko na agad na mababawasan na naman ang allowance ko. "Auntie, mag-part time kaya muna ako?" Narinig ko ang pagbagal ng paghihiwa ni Auntie sa bawang. Nasa kusina kasi sya habang ako naman ay nasa sala ng aming inuupahan na apartment. "Hindi pwede Sab. Mag aral kang mabuti. Third year ka na. 1 taon na lang at makakagraduate ka na. Ang gusto kong gawin mo ay ayusin mo ang pag-aaral mo. Ikaw na lang ang pag-asa natin. Alam mo yan." napabuntong hininga ako sa sinabi ni Auntie. "Sige po. Pero gusto ka pa din pong i-try maghanap ng part time kahit maliit lang ang sweldo. Gusto ko pong makatulong sa gastusin dito. Isa pa, Auntie, hindi na kayo bumabata. Dapat nga mag-asawa na kayo eh." sabi ko at tumayo dahil maghahanda na ako sa aking pagpasok sa school. "Aba, itong batang to! Paano naging matanda ang bente nueve?" halos matawa ako sa sinabi nya. Kapatid ng mama ko si Auntie Sylvia. 10 years ang age gap namin ngunit madalas kaming mapagkamalan na magkapatid dahil sa mukhang early twenties lang naman sya. Si Auntie na lang ang kasama ko dahil namatay sa car accident ang mga parents ko. Sumilip ako mula sa division ng kusina at sala then sinilip si Auntie na nakapameywang at nakataas ang kilay sa akin. Tumawa ako. "Auntie ilang taon na lang at mawawala na sa kalendaryo ang edad mo." pagalit itong umamba ng suntok pero nginisian ko lang sya at tumakbo na ako patungo sa banyo. Bago ako umalis ay inabot sakin ni Auntie ang allowance ko para sa buong linggo na alam kong short. Nginisian ko lang sya at nagpasalamat ako bago umalis. Ngunit pinuri ko muna sya sa pagiging sexy sa suot na uniform. Isang nurse si Auntie sa city hospital. "Sabogna!" agad kong sinapak si Caileigh dahil sa itinawag nya sakin. Tumawa naman ito at gumanti ng sapak. Lumingon lingon ako sa paligid at bumuntong hininga. Okay. Walang nakatingin samin. Pano naman kami papansinin kung naglalakad sa hallway si Keigo Atobe kasama ang, of course, napakagandang si Erza Alonzo. Napatingin ako kay Caileigh na mahigpit ang kapit sa strap ng bag habang nakayuko. Ahh, Keigo Atobe, pati pala kaibigan ko ay nabihag mo. "Tara na sa classroom. Ang pangit ng view." marahang tumango si Caileigh bago sumunod sakin pagkatapos muling lingunin si Atobe at Alonzo naglalandian habang naglalakad. Kainis! "Hay! Kaylan kaya ako mapapansin ni Keigo?" buntong hininga ni Caileigh habang nakahalumbaba sa armchair nya na katabi ko. 3rd year college na kami, taking up CAKO or Culinary Arts and Kitchen Operation. Inirapan ko sya. "Hindi ka nya mapapansin kahit kaylan no." nakaingos kong sabi kaya tiningnan nya ako ng masama. "Aray ha! Bakit naman hindi? Mayaman din naman ako, maganda din at.." nginisian ko sya ng nakakaloko. "At ano Caileigh? Tsss!" I rolled my eyes upward then pulled her chair closer. "Listen up, girly. That guy digs  hot girls. Mayaman, maganda at sexy! Yung tipong pang display. At saka yung Atobe na yun, yung hapon na yun, mukhang hindi gagawa ng maganda no!" bulong ko sa kanya pero lalo lang nyang sinamaan ako ng tingin. "Kung makapagsalita ka kala mo naman close kayo ni Keigo ano? Basta! Gagawin ko ang lahat para mapansin nya! Kung kailangang magpaliposuction ako eh di go! Basta, Keigo's attention is worth all of it!" kinikilig nitong sambit. Hindi ko na pinutol ang pagdedaydream nya dahil dumating na ang professor namin. "Get 1/4 sheet of paper. We'll have a quiz." sambit ng teacher na agad inangalan ng mga classmates ko. Ngunit may makakapigil ba sa pinakaterror na teacher ng mathematics? Pagkatapos ng quiz ay agad nagreklamo sakin si Caileigh dahil mababa daw ang nakuha nyang marka. Sus! Panong tataas kung si Atobe lang lagi ang nasa isip? Tsss! "I've told you last time about your requirement for this semester right?Here's what you need. "Sambit nito bago nagsulat ng pagkarami raming requirements sa board. Pocha! Surprise quiz na nga ang bungad nya, may project din? Niloloko ba ako ng kalbong to? Walang nagreact sa mga classmates ko. Syempre, yung project namin nabibili ng pera at pwedeng pwede silang magbayad sa gagawa nun pero paano naman ang dukhang tulad ko? Short na nga ang allowance ko tapos may isang tambak na project pa? Saan ako kukuha ng ipambibili nyan? "I need the first chapter on friday." nalaglag pa lalo ang panga ko dahil sa sinabi nito. Tang ina, hindi nga? Natapos ang klase ko ng pinoproblema ko kung saan ako kukuha ng pambili ng project. Ungas yung teacher na yun ah? Walang konsiderasyon sa tulad kong mahirap. "Sab, una na ko huh? Pinapasundo ako ni mommy eh, may family dinner daw. Alam mo naman kapag Thursday, grandmomster's day." Sinapak ko sya sa braso kaya inirapan ako nito. "Ang bait bait kaya nung lola mo. Buti ka nga may mabait na grandma eh--" hindi pa ko tapos ngunit pinutol na nya ako. "Sus! Sobrang sungit kaya--" kaya naman pinutol ko din sya. "Osya, layas na. Punta ka na kay Granny. Enjoy!" ngisi ko bago ito itulak papasok sa BMW nilang itim. Pagkaalis ng sasakyan nila Caileigh ay agad akong nagbuntong hininga. Kaya ko to. Sus! Project lang pala eh, panis to sakin. Nagdadalwang isip ako sa project namin ngunit nanaig ang kagustuhan kong makapasa kaya naman natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng mall. Nung una ay naniningin lang ako ng mga tinda hanggang sa mamataan ko si Erza Alonzo! Nasa cashier ito at ang daming dalang shopping bags. Ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay ang hawak nitong pumps na tumataginting na Jimmy Choo! "Keigo Atobe's" sambit ni Erza sa malambing na boses. Napalunok ako nang masayang ngumiti ang cashier girl at ni-swipe ang gold card na nasa gilid lang ng monitor. And presto! Masayang umalis ng store na iyon si Erza. Tang ina! Libre yun? Yung Jimmy Choo, libre? Just say that freaking jerk's name? Hayoooop! Nawindang ako sa nasaksihan ko kaya naman umalis ako sa store na iyon upang mapatigil lang sa katabing store ng isa ring mamahaling brand. Napapwesto ako sa tapat ng store malapit sa cashier nang isang matangkad at magandang babae ang lumapit doon dala dala ang isang bag. Balenciaga!! Ngunit mas nawindang ako sa narinig ko. "Keigo Atobe's. " Sheeeet! Ang daming babae ng mokong! Kainis! Sa sobrang yabang at yaman nya, nakukuha nya lahat ng babaeng gusto nya! At barya lang sa kanya ang shopping expenses ng mga ito kaya sinasagot nya! Hmmm! Let's see kung abot dito sa Arts and Crafts ang kapangyarihan ng damuho.  Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa planong naisip ngunit dala ng matinding pangangailangan, kinuha ko lahat ng kailangan ko for my project, lumapit sa cashier sabay pikit matang sinambit ang katagang.... "Keigo Atobe's" DAMNSHEEET!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook