Sab's POV Ilang linggo na ang nakalipas. Maayos naman ang naging buhay ko sa school. Walang hassle, stress free at masaya dahil magaling na ang sugat ko. Nakakalakad na ako ng maayos kaya hindi ko na kailangan pang mag wheelchair. Maayos ang buhay ko. Pero ang buhay ni Erza ay tila nag iba. Mula nung araw na yun, nuong nagkausap kami ni Atobe ay hindi na sila nagpansinan kinabukasan. Maraming kuro kuro ang umiikot sa campus. Kesyo, naghiwalay daw, magkagalit lang daw, nahuli daw ni Erza na may babae si Atobe at kung ano ano pa. Pero ang pinakamalala ay ang buntis daw si Erza at iniwan ito ni Atobe dahil hindi kayang panagutan. Duon na pumitik si Erza. Pinagsasampal nya si Natasha na sya palang nagpakalat ng chismis. Kung hindi pa dumating si Atobe ay hindi titigil sa paghihilahan ng bu

