Erza's POV
"Tsk!" I flipped my hair nung tingnan ako ni Mommy.
"Oh my gosh Nate. I can't believe our baby can do that!" Agad hinaplos ni Daddy ang likod ni mommy. Kasalukuyan silang nakaupo sa sofa sa harap ko habang nasa gilid naman namin ang Department Dean.
"Mom, can't you see what that girl did to me? Nasprain yung ankle ko because of her!" Sagot ko at ipinakita pa ang paa ko na nakabenda. Actually, hindi na sya masakit pero duh! I need to act like it still hurts like hell.
"Shut it Erza! Nagkabungguan kayo, natumba kayo pareho pero ikaw lang ang nabalian! Dahil dyan sa kaartehan mo. My god! You're in school and you dress like that? Para kang sa party pupunta! I don't understand why you need to wear 5 inches high heels in school. Shouldn't you be wearing black shoes?" Dumagundong ang boses ni Daddy sa buong office.
Damn that girl! Pati tuloy pananamit ko napuna pa ni Daddy!
"But Dad!"
"No buts!" putol nito sa akin. "Kitang kita sa cctv ang pagdidistribute mo ng mga kamatis at itlog! I can't believe this! You're what? 20? But you still act like a 7th grader!" napapikit ako dahil galit na galit ang mukha ni Daddy.
"Excuse me, Mr. Alonzo." singit ni Dean Panaligan. "What should we do regarding this?" tanong nito.
"Should we punish her?" tanong ni mommy at sinulyapan ako.
"Of course we should Dreia! Kaya nagiging ganyan ang batang iyan kakaspoiled mo sa kanya." Sumimangot ako sa sinabi ni Daddy.
"Just give her some money! That girl is a bimbo! Sagutin na lang natin ang hospital bills nya and then lend her some amount!" hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko.
Shit! May araw ka din sakin Savannah Montefalcon! Na bad shot pa ko kay Daddy dahil sayo.
Tumawa si Daddy sa sagot ko. Pati si mommy ay naguluhan at tinaasan ng kilay si Daddy samantalang tahimik lang si Dean Panaligan.
"Of course we will cover her bills. Now, regarding the amount your talking about, may pera ka ba?" sarcastic nitong tanong.
Now it's my time to smirk. "Of couse dad."
"Oh? Since when? Sa pagkakatanda ko wala ka namang trabaho. Paano ka kikita ng pera? Your mom and I? WE HAVE MONEY. But you, my daughter? Nasaan ang pera mo?" putol ulit ni dad sa akin.
Namutla ang mukha ko sa sinabi nya. The heck he's saying? Hindi ako nakasagot.
"Young woman here's what we're going to do. I'm going to cover her hospital bills. That would be my part as your father, now, what I want you to do is take care of that girl. We'll buy her a wheel chair, or she can use yours dahil hindi ka naman na injured."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dad.
"Wait, wait, wait!" itinaas ko pa ang kamay ko para makuha ko ang atensyon nya.
"You want me to babysit that freaking sh-" pinanlisikan ako ni mommy ng mata. "bimbo?" sabay palit ko ng word.
"You just don't go ahead and call someone a bimbo. Hindi ka naman japanese at lalong hindi ka naman mayaman. Besides, it denotes something derogatory! Kami ng mommy mo ang may pera, kung wala kami, bimbo ka."
Nagngitngit ako sa sinabi ni Daddy. Oo nga't wala akong ginawa kundi maglustay ng pera pero wag nya kong tawaging bimbo ha?
"Whatever dad, hindi ko gagawin ang mga sinasabi mo." pinal kong sagot at naghalukipkip.
Tila hindi na ito nagulat sa sinabi ko. Tumaas lang ang dalawang kilay nito at tila balewalang tumayo. Tumayo din si Mommy at inirapan ako.
"Oh, okay. Babe." tawag nito kay Mommy.
"Call my secretary. Tell her to freeze Erza's accounts or better yet pull out all her accounts." marahan at seryoso nitong sabi.
Napatayo na ako. Nawala sa isip na kailangan kong magpanggap na injured pa rin ako.
"You wouldn't dare!" pinaningkitan ko ng mata si Daddy.
Ngumisi ito sa akin. His evil smile!
"Trust me I would." sagot nito sakin at saka humarap kay Dean.
"And by the way Dean, as you can see, she's no longer hurt. Maarte lang talaga. Hayaan nyo syang mag community service." tila nanghihina akong napaupo muli sa sofa.
"Oh pano? Una na kami Dean. Thank you for your time. Wag nyong bigyan ng special treatment and malditang yan ha?" sabi ni Mommy bago ako nilingon at iningusan.
"Sige. Salamat Mr. and Mrs. Alonzo. Ihahatid ko na kayo sa labas." sagot ni Dean.
"Naku hindi na po. Baka magwala pa dito ang brat na yan, mabasag mga gamit dito." sabay ngisi ni Mommy sakin. Tumalikod na si mommy at daddy at nagkulitan pa habang naglalakad palabas.
"Babe, manang mana sayo ang batang yan. Bratinella." rinig kong sabi ni Daddy.
"Grabe huh! Hindi ako ganyan kalala!" tanggi nito. Napairap ako sa kawalan.
Rinig ko pa ang hagikgik ni mommy nung magsara ang pinto ng office ni Dean.
"Hija, are you okay?" tanong sakin ni Dean ng mapag isa kami.
Agad akong padarag na tumayo.
"HELL NO! I'm the campus princess, my boyfriend is a greek god and I need to babysit that shitty slut?! DAMN IT!" sigaw ko at nag marcha palabas ng office.
Sab's Point of view
Everything is black. I tried blinking. White.
Inilibot ko ang paningin ko. Puti ang kisame pati na ang kurtina. Nasa ospital yata ako.
Napalingon ako nung bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang lalaki doon. May dalang bulaklak ang isa samantalang prutas naman and dala nung isa. Mabilis na naglipat ang tingi ko sa kanila.
"Estrellado Twins?" bulong ko. Anong ginagawa nila dito?
"Hi!" bati nung isa at ngumisi. Lumabas ang dimple nito.
Umupo ang dalawa sa sofa na malapit sa kama ko.
"Hello. Hehehe!" napakamot ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Uhmm.... miss oh, tissue." sabi nung isa na gulo gulo ang buhok sabay abot sakin ng tissue. Tinitigan ko sya ng nakakunot noo.
"Bakit mo ako binibigyang tissue? Hindi naman ako umiiyak." naguguluhan kong sabi at tinanggap ang tissue.
"May laway ka kasi sa pisngi. Hehehe!" sabi ni dimple.
Nanlaki ang mata ko at agad pinunasan ang pisngi ko.
"Pucha, dyahe." bulong ko at pinagbutihan ang pagpupunas.
Bigla silang tumawa. Kaya naman pinanlisikan ko sila ng mata.
"Pinagtatawanan nyo ako?" inis kong tanong.
"Medyo. Cute mo eh." sabi ni dimples at ngumiti.
Nginiwian ko sya. Che!
"By the way, okay na ba ang binti mo?" nilingon ko yung magulo ang buhok.
Akma ko nang susuriin yung binti ko nang may maalaa ako.
"Sandali nga, sino ba kayo?" tanong ko.
Nagpalitan ng tingin ang dalawa.
"Hindi mo kami kilala?" sabay nilang sabi.
Ngumuso ako at tinitigan silang dalawa.
"Kayo ang Estrellado twins diba?" tumango sila sa tanong ko. "Uhhm, yun lang ang alam ko. Di ko alam mga first name nyo kaya pano ko kayo ia-adress?"
Lumapad ang ngisi ni dimples.
"Ahh, I'm Altrix. Ito naman si Callix." pagpapakilala ni dimple.
Makikipaghandshake sana ako pero masama ang tingin nila sa tissue na hawak ko kaya wag na lang.
"Ahh, ako nga pala si Sab." pagpapakilala ko.
"Sabrina right?" si dimples.
Sabrina? Sino yun?
"It's actually--"
Natigil ako nang biglang bumukas ang pinto at may pumasok.... na aswang!
Nanlaki ang mata ko at napanganga ako.
"What? Astounded by my handsomeness?" bungad nito kaya naman napatingin sakin ang kambal.
"Kapal ng mukha." sabi ko nung makabawi ako.
Tiningnan ako nito ng masama. At teka nga?
"ANO NGA PALANG GINAGAWA NYO DITO?" sigaw ko.
"You should be thankful dahil pinag aaksayahan ka namin ng oras." mayabang sagot ng walang iba kundi si Keigo Atobe!
"Dude, what's up?" tanong ni Callix nga ba yun? Matrix? Rubrics? Whatever.
"Erza told me about her parent's condition." Umupo ito sa may paanan ko para magkaharap sila ng mga Estrellado.
The hell? Ang kapal ng mukha umupo sa kama ko!
And speaking of Erza, bwisit sya! Pano ko ngayon babayaran ang hospital bills ko? At bakit nga ba nandito ang mga ungas na to?
Callix's Point of View
Nung dumating ang Auntie ni Sabrina ay umalis na din kami nila Keigo.
Napatawa ako nang maalala ang mukha ni Sab nung marinig ang kwento ni Keigo.
Her grin is so wide and her eyes reflects playfulness.
"Dude, sigurado ka ba na gagawin yun ni Erza?" tanong ni Altrix kay Keigo.
"Tito Riego will pull out her accounts kung di nya gagawin. That brat can't live without money. You how Erza is." Sagot nito at nagkibit balikat.
Ngumisi ako.
"How about Sabrina? What do you think about her?" tanong ko naman.
"Hah! She spells disaster. I won't go near her after this mess. Have you seen how she acts towards me earlier? Parang hindi babae. Tsss!" umiling ito at binuksan ang pinto ng sasakyan nya.
Tumawa ako. "Right. Tulo laway pa kanina." dagdag ko na kinontra naman ni Altrix.
"Nah, you two are being too hard on her. She's cute." natigilan ako hindi dahil sa sinabi nyang cute ito, natigilan ako dahil sa idinugtong nya
"And she somehow looks familiar." hindi kami pinansin ni Keigo dahil sumakay na ito sa kotse nya. Maging si Altrix ay sumakay na din sa kanyang Audi.
Naiwan ako na medyo natulala. Pumalatak ako at sakay sumakay sa Chevy ko.
But in the back of my mind, I know he's right. She looks familiar .