Chase 3 (Bumigay ako)

1881 Words
Pagkauwi ay agad akong tumuloy sa aking kwarto. Hindi ko alam pero nagngingitngit pa rin ako dahil sa pagiging assuming ko. Talaga? Inisip ko talagang ako ang pinapasakay ng aswang na yon sa sasakyan nya? Weh? Bago pa ako maka idlip sa sobrang pagkaasar ay bumangon na lang ako para magluto ng hapunan. Tiyak ay gutom si Auntie pagkauwi galing sa trabaho. Nang makaluto ay nahiga ako sa sofa at tumitig sa puting kisame. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako sa tapik sa pisngi ko. Namulatan ko ang maputlang mukha ni Auntie. "Auntie, kaen na tayo." yaya ko sa kanya. Ngumiti lang ito sakin na ipinagtaka ko. Kapag ganitong mga pagkakataon ay gawain na nitong barahin ako. Amp? Anyare? Tinaasan ko ng kilay si Auntie na kapansin pansin ang pamumutla. "Auntie, ok ka lang?" nag aalala kong tanong at agad itong inalalayan dahil tila nanlambot ang tuhod nito. "Auntie!" lalo akong nabalot ng kaba nung humawak si Auntie sa balikat ko at tila doon kumuha ng suporta. Magpapanic na sana ako ng bigla akong makarinig ng malakas na tunog. Suminghot singhot ako at saka ko lang napagtanto kung anong nangyayari. "Pucha! Ang baho!" sigaw ko at agad sinapak si Auntie sa balikat na ngayon ay tumatawa na habang sapo ang tyan. "Tangina Sab, ang sakit ng tyan ko!" tumatawa nitong sabi saka tumakbo patungo sa cr habang sapo sapo ang puwit. "Shete ka Auntie! Ang bantot mo!" pahabol kong sigaw at kinusot ang ilong. "Argh!" Grabe! Tumatambay sa ilong yung amoy! Pagkalabas ni Auntie sa cr ay bakas pa rin ang pamumutla nito na hindi ko na lang pinansin. Baka natatae pa rin. Tssss! "Auntie kong sexy pero mabantot ang utot!" nilingon ako ni Auntie at inirapan ako. "Pasok na ko huh!" nakabungisngis kong paalam. Kimi itong ngumiti sakin bago kumaway. Something's not right talaga. Hmmm... Akala ko ay magiging maayos ang lahat buong araw ngunit ang akalang iyon ay naglahong parang bula nang bumungad sakin si Caileigh na ngayon ay tensed na tensed at nanlalaki ang mga mata nang makita ako. "Problema mo?" bungad ko sa kanya habang nakangisi. "You better go back home girl! This place isn't good for you." mabilis nitong sambit na nagpakunot ng noo ko. "Nagbibiro ka ba?" tanong ko at muling ngumisi. Akma nya na akong hihilahin palayo sa gate ng school ngunit natatawa akong pumiksi. Anong drama na naman to? "Kalaykay, kelan pa naging masamang lugar ang eskwelahan?" baling ko sa kanya. Lumikot ang mga mata nito at tumingin sa paligid. Saka ko lang napansin na nagbubulungan na pala ang mga tao sa waiting shed at yung nasa malapit sa gate. Yung iba nga ay itinuturo pa ko. "What?" curious kong tanong kay Caileigh na ngayon ay kinakagat na ang mga daliri. May nakukutoban na ako ngunit hindi pa rin malinaw sakin. "Si Erza kasi..." sambit nito bago muling bumaling sa mga tao habang nagngangatngat parin ng kuko sa kamay. Agad umigkas ang kilay ko. I knew it. "Oh, so she's making her move? Akala ko naman threat lang talaga yun, tototohanin nya pala?" Muling hinila ni Caileigh ang braso ko nang magtangka akong papasok sa gate ng school. "No, Sab. Please, just go home." malungkot nitong sabi habang umiiling. "Hinde, Cai. Walang uuwi. Ipapakita ko sa Erzang iyon na hindi ako natatakot sa kanya." I said full of determination and conviction. Totoo, hindi ako takot ngunit tuwing naiisip kong maaaring manganib ang scholarship ko dahil dito ay medyo nagigiba ang angas ko. Pero hinde! Walang maaaring manakot sa isang Savannah Montefalcon! Pagkapasok ko pa lang ng gate ay nasaakin agad ang tingin ng lahat ng estudyante. Paanong hindi gayong ina-announce sa speaker ang pagdating ko maging ang aking description. "Caileigh, umuna ka na sa room dali at pakibitbit na rin nitong bag ko." Mahinahon kong sabi at inabot kay Cai ang dala kong pack bag. Nung una ay nag aalinlangan pa ito ngunit nang makiusap ako para hindi na sya madamay ay tumalima naman ito agad. Nang mawala na si Caileigh sa paningin ko ay bumaling ako sa lahat ng estudyante na ngayon ay pawang mga nakangisi sakin. "Nasaan na ang Erzang--" natigil ang pagbubunganga ko dahil may biglang tumamang kamatis sa mukha ko. "Putang ina." bulong ko dahil amoy bulok ang kamatis na ibinato sa akin. "Sinong bumato--" muli ay natigilan ako dahil may bumato ulit sakin dahilan para magtawanan ang mga estudyante sa paligid. Nagsimula ang mga itong palibutan ako habang may kanya kanyang dala na plastic ng kamatis. Tiningnan ko ng masama ang bumato sakin. Isa iyong babae na hindi ko kilala ngunit tatawa tawa ngayon sa itsura ko. "Isa--" I said in gritted teeth na muling pinutol ng pambabato ng kamatis. "Tang ina ah?" Inis kong sigaw at minura sa isip ang lahat ng bumabato. Tila iyon hudyat dahil nagsimulang magsabay sabay ang bumabato sakin ng bulok na kamatis. Umupo ako at tinakpan ng braso ang mukha ko dahil tila nay bumabato na din ng hilaw na kamatis. Matigas iyon at masakit. "Damn! This is so fun!" dinig ko pang tawa ng isa sa mga bumabato sakin. 5,6,7,10 minutes? Hindi ko alam kung kelan sila tumigil sa pagbato. Thank you! Naubos din ang kamatis! I raised my head at hindi ko inaasahan ang sasalubong sa mukha ko. "PUTANG INA!" talagang napamura ako ng malakas! Binato ako ng bulok na itlog! Shete! Ang baho! Nanginginig ang kalamnan ko habang dinig ko at bulungan at tawanan ng mga tao sa paligid. I didn't eve bother speaking dahil nakatiim ang bagang ko sa sobrang galit. I glanced at my uniform na ngayon ay madumi at mabaho. Kulay puti pa naman ang long sleeves at hindi iyon naprotektahan ng kulay gray kong vest. Kulapol iyon ng bulok na kamatis. Agad kong pinunasan ang mukha ko ng aking braso. "You want more, b***h?" tiningnan ko ang nagsalita. Matangkad, maganda at sexy. Teka? Kaibigan to ni Erza ah? Natasha Tiburcio! May hawak itong itlog, yung bugok na itlog, ngunit dahil sa maarte ito ay may gloves ang kamay nito. Ilang hakbang lang ang layo nito sakin kaya naman ng akma na nitong ibabato sakin ang itlog ay nakatakbo agad ako palapit sa kanya. Bakas ang gulat sa mukha nito kaya naman sinamantala ko iyon at inagaw ang bulok na itlog sa kamay nito. "Oh, God no!" mabilis itong umiling habang nakataas ang dalawang kamay. Kitang kita sa mukha nito ang pandidiri sa itsura ko ngayon. Tumaas ang kilay ko. "Nasaan ang Boss mo?" Tila ito naguluhan sa tanong ko. Kaya naman inulit ko bago pa ko mapuno at mapompyang ko sya. "Si Erza?! Nasaan? Diba aso ka nya?" ngingisi dapat ako pero damang dama ko yung galit sa loob ko kaya naman hindi ko nagawa. "What?" maarte nitong tanong. "Sasabihin mo o babasagin ko to sa mukha mo?" pananakot ko. "s**t! She's in the survellance room! Oh dear, keep that thing away from me!" umatras atras pa ito na lalong nagpakulo ng dugo ko. Pilit akong tumawa sa kanya. "Salamat huh and oh," malakas kong ibinasag sa mukha nito ang itlog kaya naman bumakat din ang palad ko sa mukha nya. Nagsigawan ang mga tao dahil sa ginawa ko. Tumili si Natasha bago ako minura. "f**k YOU!" Mabilis ko ulit syang hinarap at pinanlakihan ng mga mata habang ngumingisi ng sarkastiko. "Ahh talaga? Putang ina mo rin!" sigaw ko at itinulak ito paalis sa daan ko. Pinagbubulungan ako ng mga estudyante sa corridor ngunit hindi ko sila pinag tuunan ng pansin. Iisang agay lang ang nasa isip ko. That Erza Alonzo must die! Nang marating ko ang surveillance room ay sumilip muna ako sa maliit na salamin s pinto at nang matanawan ito sa loob ayagad kong pinihit ang seradura. Napamura ako nang hindi iyon bumukas. "Lumabas ka dyan! Erza!" sigaw ko. Mula sa loob ay tumingin ito sakin bago ngumisi. Sa sobrang asar ko ay hinubad ko ang sapatos ko at inihampas sa salamin ng pinto dahilan ng pagkabasag niyon. Screw my scholarship! Screw school rules! This b***h is going down! Marahas kong inabot ang lock niyon sa loob kahit na mahiwa ang braso ko nung mga bubog na nakakabit pa din sa pinto, na hindi naman nangyari dahil nakavest ako, saka iyo sinipa pabukas. Bumungad sakin si Erza na prenteng nakaupo sa wheelchair habang may benda ang kaliwang paa. As usual ang ganda ganda pa rin nito. Kung hindi lang ako asar sa ginawa nya, baka maging idol ko pa sya. "You look perfect, Savannah. You perfectly look like a trash." sambit nito at tumawa. Kahit ang tawa nya ang ganda sa pandinig kung hindi nga lang sana masama yung sinabi nya. "Salamat huh." sarcastic kong sagot at hinubad ang vest ko na mabaho at madungis. Tumaas ang kilay nito. "Buti pa ako perfect na para sayo. Ikaw kasi hindi eh, may kulang." saka ko sya tiningnan ng masama. Muli itong tumawa. "And that is?" Biglang nandilim yung paningin ko kaya naman inihambalos ko sa mukha nya yung vest na hinubad ko. "s**t!" mura nito at agad ibinato sa sahig ang vest ko. "Mas s**t ka! If you think that your childish prank means hell to me then think again, b***h! Ano ka ba? 7th grader? You immature brat! Tantanan mo ako kung ayaw mong--" Naputol ang sinasabi ko nang may tumulak sakin na malaking lalaki. Napaatras ako at marahas na napaupo sa sahig. "What was that again b***h?" tanong ni Erza at tumawa. Bodyguard nya. Modelo nga pala ang hayop! "Kapag umiyak kana, saka lang ako matatahimik. But when you're acting tough like that? Damn girl, you sure are looking for trouble. Nobody messes with me. You keep that in your little brain, that is, if you have brain." "There's no way that I'm going to cry because of you!" sigaw ko sa kanya. Ngumisi ito. "Oh really?" Umamba akong tatayo ngunit pinamutlaan ako ng mukha nung hindi ko magawang tumayo. "What the f**k is happening here?" nilingon ko ang nagsalita sa likod ko. Kaya pala pamilyar dahil syota ni Erzang demonyita ang dumating. "Babe!" bakas sa boses ni Erza ang panic ngunit hindi ko sya pinagtuunan ng pansin dahil para akong nakalunok nang isang buong langka nung makita ang binti ko. May nakatarak doong isang malaking piraso ng bubog mula sa salamin nung pinto na binasag ko kanina! "Oh s**t dude! The girl is bleeding!" may mga bagong boses akong narinig pero hindi ko na sila magawang tingnan dahil nanlalabo ang paningin ko. "Damn it!" rinig ko pang sambit. Nilabanan ko ang pagkahilo ko at lakas loob na hinawakan ang bubog na nakatarak sa binti ko. "Oh s**t Miss, are you going to do what I think you will do?" sumulyap ako pero lalo akong nahilo dahil hindi ako sigurado kung kambal ba yung nakita ko or I'm just seeing double. Before they could even react, hinugot ko na ang bubog kaya naman lalong nanagana ang dugo na lumalabas duon. Lalo akong nagkandaduling sa hilo. "f**k! Dude! Dalhin na natin sa clinic to!" "Sa ospital na! s**t!" "Damn it!" Bago ako mawalan ng ulirat ay naramdaman ko pang may bumuhat sa akin at bago ko ipikit ang mga mata ko ay may tumulong luha mula doon. Bumigay ako. Siguro naman tatantanan na ako ni Erza?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD