Sab's POV "What was that?" Bungad sakin ni Erza habang tinatanaw ang papalayong si Atobe. Kumurap ako bago nagkibit balikat. "Malay ko sa unggoy na yun. Pati ako nadadamay sa kalokohan nya." Umupo ako sa bench at tinapik ang natirang space sa gilid para paupuin duon si Erza. Kumibo naman ito at naupo sa tabi ko. "Bakit mo nga pala akong gustong makausap?" Bumaling sa akin si Erza bago binuksan ang balenciaga nyang bag. May kinuha sya dun na kung ano at iniabot sakin. Binuklat ko ang kulay pink na papel at nangunot ang noo dahil sa nakasulat doon. "Queen of St. Christopher 2016?" Nilingon ko si Erza na ngayon ay nakangiti na sa akin. "So, lalaban ka ng pageant?" Tanong ko sa kanya. Gumuhit ang ngiti sa labi nya at kuminang yung mga mata. "Nope. I was hailed the Queen in my first

