Madara's POV Mula sa poste ng corridor ay unti unti akong umatras habang pinapanood ang malungkot na mukha ni Altrix habang nakatingin kay Keigo Atobe na kasalukuyang isinusuot ang hinubad na kwintas kay Savannah. Blangko ang kanyang expression ngunit kitang kita ko sa mata nya ang lungkot. Ilang araw na din kaming hindi nagpapansinan mula nung iwan ko sila ni Sab sa may bulletin. I will be hypocrite kung sasabihin ko na hindi ako galit. Of course galit ako dahil hindi man lang ako sinundan ni Al. Ni hindi sya nagsorry sa akin! At hindi na sya lumapit sa akin mula pa noon. Oo. Galit ako. Pero hindi kay Altirx. Muli akong bumaling sa direksyon ni Savannah. Namumula ang buong mukha nya habang nakatitig sa kanya si Keigo. Inaamin ko, maganda talaga sya. Yung tipong mapapanganga ka kapa

