Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. They're f*****g twins?! At anong tinawag sa kanya ni Aqua? Lylia? But Lylia is here with us! "H-hahaha. Nagkabaliktad po ata kayo. I'm Lylia, she's Lily." Sambit sa amin ng batang babae. Kahit ang mga magulang nila ay naguguluhan na rin. Inilabas ni Alvis si Lylia- I mean Lily sa aparador. Wala itong malay at namumutla rin. But thank God dahil humihinga pa siya. "T-Thank you po at nahanap nyo ang kakambal ko." Nakangiting sambit sa amin si Lylia pero halata sa mukha niya na pilit lang ito. "So shall we test it?" Tanong ni Aqua na pinagtaka ni Lylia at ng mga magulang nito. "P-po?" "Your gift. You can see the future right? Now that your twin sister is here, you can use it now, right?" Sagot ni Aqua. "Oo nga anak. Para naman matahimik na ang

