16. "The house was haunted?!"

855 Words
Matapos naming ayusin ang mga gamit namin ay tinawag na kami ng isang kasambahay para kumain ng tanghalian.  Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang sinabi ni Aqua. Paano niya nahanap yung bata? Hindi niya sa akin pinaliwanag kung paano niya nagawa yun. At nasan na ung bata?  Mukhang may alam na rin sina Helix at Alvis pero wala rin itong sinabi. Basta raw bukas ay malalaman ko ang lahat.  Ano kaya ang nalaman nila? Totoo kayang haunted tong bahay na to? Eh yung bata? Baka siguro hindi nila ito kinuha kasi pata- "Hoy cleofa, galawin mo nayang pagkain mo. Hindi ka namin hihintayin pag natapos na kami." Natauhan ako nang magsalita sa akin si Risca na may pairap pa. Agad akong kumain dahil ayokong maiwan dito at mag-isang bumalik sa kwarto namin. Hihintayin ko na lang ang mga kasagutan sa mga tanong ko bukas. Kinaumagahan ay nagtipon-tipon kaming lahat sa salas. Kasama ang mag-asawa at ang anak nila.  "Oh ano? Himala at kumpleto pa kayo. Susuko na ba kayo?" Nakangising sambit sa amin ng matandang babae.  Ngiti lamang ang pinakita sa kanya ni Aqua. "We're here to inform you that we've found your child." Bakas ang bagkabigla nila sa sinabi ni Aqua. Tila hindi rin ito makapaniwala sa narinig. "N-nasaan siya?!" Marahang tanong ng matandang lalaki. Muling ngumiti si Aqua sa kanila at napunta ang tingin sa isang batang babae. "Pero gusto ko lang malaman niyo na isa lang sa inyo ang dahilan kung bakit siya nawala." Nakangising sambit nito.  Kumunot ang noo ng mag-asawa pati na rin ako. Anong ibig sabihin ni Aqua?  "You'll soon found out who." Naglakad na palabas si Aqua kaya sinundan namin siya lahat. Napunta ang tingin ko sa batang babae na kanina pa balisa.  Hindi ba siya masaya na nahanap na ang kapatid niya? Hindi ba't siya ang gustong mahanap ang kapatid niya? Napansin kong pamilyar ang dinaraanan namin at doon ko na alala na rito ako nawala kahapon.  "Anong ginagawa natin dito?" Mahinang bulong ko kay Helix. "Obvious ba? Diba nga nahanap na ung bata? Natural pupuntahan natin." Sarakstikong sagot niya.  Napairap na lang ako sa sagot niya sa akin. Apakasungit talaga. Lalo pakong nagtaka nang huminto kami sa tapat ng isang pamilyar na painting. "Alisin mo." Utos ni Aqua kay Alvis na sinunod naman nito.  Dahan-dahang inalis ni Alvis ang painting at bumungad sa amin ang isang pintuan. Labis na nabigla ang mag-asawa na para bang wala silang kaalaman na mayroong silid dito. Nang buksan ang pintuan ay bumungad sa amin ang isang pamilyar na kwarto.  T-Teka, ito ung kwarto nung batang babae! Dito ako nanggaling kahapon! N-Nandito ba ang hinahanap namin? "Anong ginagawa natin dito? Sabi ko na nga ba Arturo! Walang alam ang mga batang ito!" Giit ng matandang babae. Bakas ang pagkainis sa mukha ni Aqua sa sinabi ng matandang babae sa asawa nito. "Would you shut up please?" Walang ganang sambit niya.  Pare-pareho kaming nabigla sa sinabi ni Aqua na nagpatahimik sa matandang babae. Serves her right.  "Little girl, why won't you explain to your parents why we are here?" Nakangiting tugon ni Aqua sa batang babae.  Lahat ng atensyon namin ngayon ay napunta sa batang babae na paiyak na.  "A-Anong ibig mong sabihin ha?! Na may alam ang anak ko rito?! Mga bastos!" Giit ng matandang babae.  "I said shut up! We're doing our job so kung manggugulo ka lang ay mas makabubuting lumabas ka." Inis na sagot ni Aqua. Her eyes sharpened and her tone was serious. Halatang napahiya ang matandang babae sa sinabi ni Aqua.  Wow, hindi ko inaasahan na mapupuno rin pala si Aqua sa nakakairitang babaeng to. "M-mama, di ko po alam. Pero po baka rito nga po napunta si Lily." Sambit ng batang babae. Napangiti si Aqua sa sinabi ng bata. "Aw, what a cute little liar." Sarkastikong sambit nito.  "So Lily pala ang pangalan ng kapatid mo?" Dagdag niya.  Tumango ang batang babae sa amin na parang inosente talaga. Hindi ko maintindihan kung anong pinupunto ni Aqua.  Posible bang siya ang nagtago sa kapatid niya? O totoong haunted tong bahay na to at kinuha nga ng bahay ang kapatid niya? "Then what's your name?" Marahang tanong ni Aqua.  Tila huminto ang bata bago sumagot. "Lylia." "Mukhang pinagisipan pa." Rinig kong kumento ni Helix. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Lumapit si Aqua sa nag-iisang malaking aparador sa kwarto. Sinubukan niya itong buksan pero nakalock ito. "Where's the key?" Tanong nito sa bata. "N-Nawala ko na po yon dahil matagal ko na pong hindi ginagamit yan." Sagot ni Lylia kay Aqua.  "Okay." Akala ko kung ano ang gagawin ni Aqua. Then I saw Aqua's eyes changed. It turned blue like the ocean. A water appeared in her hands and she shaped it like a key. Mas lalo akong nagulat nang naging solid ito.  H-Huh? Anong klaseng gift yon? She used it to open the closet. Pare-pareho kaming nagulat nang may makitang bata sa loob. Hindi ko rin inaasahan ang bubungad sa akin doon. Isang batang babae.  Kamukhang kamukha ni Lylia. "We found her." Sambit ni Aqua.  "Your twin sister." "Lylia." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD