"Cleofa, kailangan natin mag-usap." Sambit sa akin ng lalaking kaharap ko.
Magkaharap kami ngayon ng Tito Alejo ko. Kakatapos ko lang gumawa ng g**o kanina sa party. May sinuntok akong lalake na nangungulit sa akin.
"Tito sinubukan niya kong hawa-"
"Stop."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang pahintuin ako ni Tito. "Just please, stop." Dagdag nito.
Nakahawak ito ngayon sa noo niya na para bang problemadong-problemado sa ginawa ko kanina.
"Kilala mo ba kung sino ang sinuntok mo Cleofa?" Marahang tanong nito.
"Hindi ko alam at wala-"
"Anak yon ng kapartner natin sa kompanya Cleofa! Panganay na anak niya yon!"
Napasapo na lamang sa mukha si tito dahil sa sakit ng ulong nakukuha nito sa akin.
Si Tito Alejo na ang nag-alaga sa akin simula nang mamatay si mama, ang kapatid niya. Ang balita ko rin ay patay na rin ang papa ko bago pa lamang ako ipinanganak kaya sa kaniya napunta ang responsibilidad sa pagpapalaki sa akin.
"Don't act reckless hija, dalaga ka na. Dadating ang oras na-"
Hindi tinuloy ni tito ang sasabihin niya at huminga na lamang siya nang malalim. "Wag mo na lang uulitin anak, magpahinga ka na." Hinalikan ako nito sa noo at tuluyan ng umalis ng silid.
Tanging pagsinghap na lamang ang nagawa ko.
Nakagawa nanaman ako ng g**o at dumagdag nanaman ako sa sakit ng ulo ng tito ko. Kahit ako lang naman talaga ang dahilan kung bakit masakit ang ulo niya. Wala siyang asawa at anak kaya nasa akin lahat ng atensyon niya at sa trabaho niya.
Naiwan akong nakatunganga sa salas nang iwan akong mag-isa ni tito. Napahawak ako sa tyan ko nang maramdaman kong tumunog ito.
Great. Thanks sa nangyari kanina sa party at hindi ako nakakain ng maayos.
Napagpasyahan kong pumunta sa isang convenience store na malapit sa amin para bumili ng makakain. Nagsuot ako ng hoodie dahil gabi na at malamig sa labas.
Hindi na ako nagpaalam kay Tito at lumabas na ko mag-isa. Hindi na ako nagpapaalam pag bumibili ako lalo na't malapit lang naman. Hindi na ako bata pa para magpasama.
Nang makarating sa convenience store ay bumili lang ako ng noodles at inumin at doon ko na yon kinain sa loob. Nag cellphone lang ako sa loob habang kumakain.
I was busy surfing the net when someone touched my right shoulder. Naaninagan ko sa salamin kung sino ito at sumalubong sa akin ang dalawang lalaki.
"Yo miss, mag-isa ka lang?" Nakangising bungad ng isa sa dalawang lalaki.
Napasinghap ako at walang ganang humarap sa kanilang dalawa.
"Tsk, ang bastos niyo naman. Hindi niyo man lang binati yung kasama ko." Walang gana kong sambit. Sinenyasan ko ang katabi ko na upuan at walang tao.
Naguguluhan silang napatingin sa tabi ko na walang tao. Bago pa nila magawang makapagsalita ulit ay sinipa ko ang binti ng lalaking nakahawak sa balikat ko. At the same time, I threw my noodles to the other guy.
"Bwisit-"
Agad akong kumaripas ng takbo papalabas. Hindi ko pinakinggan ang sunod-sunod na pagmumura at pagtawag nila sa akin.
Assholes.
Sumalubong sa akin ang malakas na hangin pagkalabas. Napayakap na lamang ako sa sarili ko dahil sa lamig habang tumatakbo paalis.
I sighed in relief when I got away from them. Ipinasok ko ang mga kamay ko sa bulsa ng hoodie. Mukhang matatagalan pa ulit akong makakabalik sa convenience store na iyon.
Akmang maglalakad na ulit ako paalis nang matigilan ako.
"Nasaan?!" Rinig kong sambit ng isang boses.
"H-Hindi ko sabi alam!" Sagot ng isa pa.
Napunta ang atensyon ko sa narinig kong nagsalita. Curiosity strikes. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong hinahanap ang pinanggalingan ng boses.
Dinala ako ng mga paa ko sa isang eskenita. Tanging isang poste na kumurap-kurap ang nagsilbing liwanag at ang buwan na natatakpan ng ulap.
Naghahalungkat ng mga basura ang mga pusang nandito.
My nose crinkled as I smell the trashes that are scattered in the ground.
Pinili kong huwag gumawa ng ingay at nanatili akong tahimik sa paglalakad.
Pasimple akong sumilip sa susunod na eskenita nang natigilan ako sa sumalubong sa akin.
Isang nakaitim at may hawak na patalim na lalaki at isa pang lalaking puno ng galos.
Unti-unting namilog ang mga mata ko at napaawang ang bibig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko.
S-s**t! I need to call the cops!
Unang pumasok sa isip ko ay ang paghingi ng tulong. Balisa kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko.
I was about to dial my phone when I heard a growl behind me.
Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang narinig ko. Tumagal pa ng ilang segundo bago ako dahan-dahang napalingon dito.
"F-f**k!"
Mariin kong pinikit ang mga mata ko bago muling tignan ang sumalubong sa akin. Napatumba na lamang ako nang makita kung ano ang nasa likod ko.
There is a f*****g huge white wolf behind me. A f*****g huge wolf! Kasing laki ng sasakyan! Anong ginagawa niyan dito?!
Habang umaatras ay roon ako natauhan na kita na pala ako ng dalawang lalaking sinisilip ko kanina.
Muling napunta ang tingin ko sa dalawang lalaki. Parehong napunta sa akin ang mga atensyon at tingin nila.
I bit my lower lip as I held my breath. Hoping that I can be invisible if I do that.
Nakita kong nabigla ang lalaking nakaitim nang makita ako. There is a scar on his left eye.
"Tsk, Magkikita pa tayo!" Sambit ng lalaking nakaitim sa kasama niya.
Tinignan niya ang lalaking puro galos ang katawan at muli itong tumingin sa akin bago umalis. Muli akong humarap sa puting lobo at labis ang kinabigla ko nang bigla itong nawala.
Namamalik mata lang ba ako?
Binalikan ko ng tingin ang lalaking puno ng galos kanina pero parang bula rin itong nawala sa pwesto niya.
Naiwang nakaawang ang bibig ko sa nangyari. Pumikit lang ako ng ilang segundo at mawala na kaagad sila sa harap ko.
Guni-guni ko lang ba ang lahat? P-Pero hindi! Nakita ko sila. Nakita ko ung lobo!
Pilit akong tumayo at inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Walang senyales na nanggaling sila rito. Tanging ang mga pusang nag-aaway na lang ang nagsilbing ingay sa eskenita.
Kahit gulong-g**o ang isipan ko ay bumalik na'ko ng bahay.
Habang naglalakad ay hindi mawala sa isipan ko ang mga nakita ko. Hindi ko alam kung nasisiraan na ba ako o dulot lang iyon ng pagod.
I breathe heavily as I tried to calm down. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko at para bang nasusunog ang mga laman ko.
Ito nanaman... lagi ko na lang itong nararamdaman mula noong nakaraang buwan.
Iniling ko ang ulo ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Pagkauwi ay bumungad sa akin si Tito na bakas ang pag-aalala ang mukha.
"Cleofa naman! Saan ka-"
Huminto ito nang mapansing balisa ako. "Anong nangyari?"
Walang ekspresyon akong pumasok sa loob ng bahay. Umupo ako sa upuan at pilit na pinakalma ang sarili ko.
Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang mga nangyari.
"Hey, Cleofa anak anong nangyari?" Pag-uulit ni Tito.
Kahit sobrang naguguluhan pa ako ay nagawa kong sabihin ang nakita ko kay Tito. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.
"This may sounds stupid but I saw a huge white wolf." Seryosong sambit ko.
Inaasahan kong tatawanan ako ng Tito ko pero hindi. Nanatili itong nakinig sa akin.
"Tell me what happened."
Kinuwento ko lahat ng nakita ko kay Tito. Mula sa lalaking nakaitim hanggang sa pagkawala nila.
Buong oras ng pagkwento ko ay seryosong nakinig sa akin si Tito Alejo.
"Siguro nga oras na." Seryosong sambit nito.
Nabigla ako sa reaksyon at sagot niya. "Naniniwala ka sa akin?" Nakakunot na noong tanong ko.
"Yes."
"And I want you to believe me too."
Bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko at hindi ko mapigilang kabahan.
Anong ibig sabihin ng sinabi niya? Bakit kailangan kong paniwalaan?
"Cleofa, you're a gifted. And delikado na ang kaligtasan mo rito. Ung nakita mo kanina, baka isa rin siyang gifted at familiar niya ang nakita mo." Seryosong sambit ni Tito.
Naguguluhan ako sa sinabi ni tito. "What? Anong pinagsasabi mo Tito?"
Huminga nang malalim si Tito na para bang nahihirapan itong magpaliwanag sa akin.
"Hindi ko maibibigay ang lahat ng detalye pero ang alam ko ay si ate, ang mama mo ay isa ring gifted." Pagpapaliwanag niya.
Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Tito Alejo at mas lalong kumunot ang noo ko. Hindi maproseso ng utak ko ang mga sinasabi niya.
"Basta magpahinga ka na Cleofa, ayusin mo lahat ng gamit mo. Bukas ay lilipat ka na ng paaralan."
•••