2. Welcome to Nocturne Academy

1375 Words
Nakasakay kami ni tito sa sasakyan at siya ang nag-dadrive. Pagtapos mangyari ang pag-uusap namin kagabi ay ginawa ko ang sinabi niya at inayos ko lahat ng gamit ko. "Tito saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. "To your new school."  Napasinghap na lamang ako sa sinabi niya. Halos dalawang oras na kaming nag-dadrive rito sa kalagitnaan ng gubat. Matarik ang daanan sa lugar na'to at hindi ko alam kung meron bang sibilisasyon dito.  Paano magkakaroon ng school ganitong lugar? Atsaka hindi ko maintindihan kung bakit lilipat ako ng paaralan. Okay lang naman lumipat para sa akin dahil magpapasukan pa lang naman. Pero wala naman akong problema noon sa dati kong school. Hindi rin ako gumagawa ng g**o at mataas din ang grado ko.  Bakit kailangan ko pang lumipat? Ang isa pa sa hindi ko maintindihan ay ang mga sinabi ni Tito kagabi. Gifted? Ano yon? Patawa. Masyado na atang maraming fantasy movies ang napapanood ni Tito Alejo.  Sinabi ko na rin sa sarili ko na guni-guni ko lang ang nangyare kagabi. Imposibleng magkaroon ng malaking puting lobo sa eskenita. Malamang ay dala lang iyon ng pagod. Nanatili akong nakatingin sa bintana nang nabigla ako ng pumasok kami sa isang tunnel.  Teka, bakit may tunnel dito? Nang marating namin ang kabilang dulo nito ay tuluyan ng nagbago ang mood ko. Tila napaawang ang bibig ko nang makita ang magagandang tanawin. "Tito nasaan t-tayo?" Namamanghang sambit ko. Nanatili akong nakasilip sa bintana habang tinatanaw ang paligid.  "We're at Algrea," Sagot ni tito. Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Algrea? How come na ngayon ko lang narinig ang lugar na'to? Imposibleng hindi ito kilala dahil sobrang ganda rito. Malawak ang lupain at iba't ibang kulay ng mga puno ang mga nakikita ko. There are also different old stone structures in different postions.  Sa dinami-rami ng mga nakakamanghang bagay na nandito ay ang pinaka nakaagaw ng pansin ko ay ang malaking rebulto sa gitna ng bayan. A stone statue of the greek God Poseidon. Nalaman kong siya ito dahil sa hawak-hawak niyang trident.  Nakaawang ang bibig ko habang nakapako lang dito ang tingin. This place is too awesome. Ilang minuto rin ang lumipas nang huminto ang sasakyan namin sa harap ng isang gate.  "We're here." Sambit ni tito. Pagkababa ko sa sasakyan ay bumungad sa akin ang mataas na gate. Napapalibutan ito ng mga ugat na nakaikot sa mga bakal. Sa harap nito ay may isang naghihintay na babae. A lady with a red hair. "Good morning Cleofa, I'm Xilah. Welcome to Nocturne Academy, school for the gifteds." Nakangiting sambit nito. Hindi kaagad ako nakareact sa sinabi niya dahil nabigla ako. "H-Hello." Nauutal na sagot ko. Bumaba sa sasakyan si Tito Alejo at nilabas niya ang mga gamit ko sa sasakyan. "This will be your new school princess." Nakangiting sambit niya. Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ako. "Be careful okay."  "Y-You're not coming?" Marahang tanong ko. Kumunot ang noo ko sa kanya nang nagpaalam agad ito sa akin.  "I can't hija. Wag kang mag-alala, sila na bahala sayo. At marami kang malalaman dito. Mahal na mahal kita, tandaan mo yan." Wala na akong nagawa nang tuluyan ng umalis si Tito sa harap ko. Ito ang unang beses na mawawalay ako sa kaniya kaya nakaramdam ako ng lungkot. Lalo na't hindi ako pamilyar sa lugar na ito. "Halika na Cleofa, dalhin mo na ang mga gamit mo at papasok na tayo sa loob." Nakangiting sambit ni Xilah. Huminga muna ako nang malalim at kinuha ang mga gamit ko. Wala akong magagawa ngayon kung hindi manatali muna rito. Kailangan ko ng sanayin ang sarili kong hindi lagi kasama si Tito. Nang bumukas ang gate ay bumungad sa akin ang isang malawak na hardin. Sa gitna nun ay may isang malaking kastilyo. Ni hindi ko makita ang tuktok nito dahil natatakpan na ito ng mga ulap. Its freaking huge. Habang naglalakad sa malawak na hardin ay nag-iiba ang mga kulay ng mga bulaklak sa oras na daanan ko sila. Hindi ako makapaniwala habang sinusundan sila ng tingin. Sumunod lamang ako kay Xilah papasok sa kastilyo. Sobrang laki nito sa loob at ang gagara ng kagamitan. Nakawang ang bibig ko habang iniikot ko ang tingin ko sa paligid. There are big chandeliers in the ceilings. Different kinds of expensive vases in every table and huge paintings at the walls. "Sa isang araw ang simula ng klase. Sa right wing ang dorms ng mga babae at sa kabila naman ang sa mga lalaki." Pangunguna ni Xilah. Sumunod ako sa kaniya paakyat sa hagdanan at pumunta kami sa right wing. "Students are graded based on their performance kaya galingan mo. Nakabase sa color ng uniforms ninyo kung saang cluster kayo nabibilang, red for rookies, blue for seniors, and yellow for masters. As for you, you're a rookie kaya red ang uniform mo na nasa room mo na." Pagpapaliwanag nito. Isang tango lamang ang sinagot ko sa kaniya.  Kakaiba naman itong school na ito at may ganun pa, hindi ba by level or grade dapat? Bakit may rookie pa silang nalalaman.  "And btw, meron kang roommate okay? she's also a rookie kaya magkakasundo kayo." Sambit ni Xilah. Huminto kami sa isang pintuan at may inabot siya sa aking susi.  "Welcome to Nocturne Academy! Nga pala, from whom do you inherit your gift?" Nakangiting tanong niya sa akin.  "P-Po?"  "Kanino mo namana ang gift mo? I mean you're a heiress. So kanino?" Pag-uulit nito. Hindi ko alam ang isasagot ko rito kaya sinagot ko na lang ang unang pumasok sa isip ko. "K-Kay mama?" Umawang ang bibig ni Xilah sa sinabi ko.  B-Bakit? Eh hindi ko alam kung ano ung tinutukoy niya eh! "Nevermind. Malalaman mo rin yan, soon." Pag-iiba nito. Nagpaalam siya sa akin at tuluyan na siyang naglakad papalayo hanggang hindi ko na siya matanaw.  Naiwan akong nakatayo sa harap ng pintuan. Hinanda ko muna ang sarili ko bago ko buksan ang pinto. Huminga ako ng malalim at pinihit ang doorknob. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang babaeng nagbabasa ng libro. She really looks like a Goddess with a morena skin and chestnut brown hair. Her eyes were hazel and she has a mole close to her chin. She's wearing a fuzzy grey cardigan top and jeans. Nabigla ito nang makita ako at agad niyang binitawan ang librong hawak niya. "Omygosh finally! May roommate na rin ako!" Masiglang sambit nito. Pumalakpak ito sa tuwa nang makita ako.  "H-Hello?"  Huminto ito nang matauhan na nandun ako. Agad niya kong nilapitan at nilahad niya ang kamay niya.  "Ops, sorry. I'm Luxxine." Pagpapakilala niya. Nakipagkamay rin ako sa kaniya at nagpakilala. "Cleofa." Ngiti ang sinagot nito sa akin at tinulungan niya kong dalhin ang mga gamit ko. "Oh, thanks."  "Ah, Cleofa, roon ung bed mo. And nandon din ung cabinet mo." Sambit ni Luxxine sabay turo sa isang aparador. Tango ang sinagot ko rito at pinuntahan ko ang kama ko. Hindi ko maitatangging maganda at malawak ang kwarto namin. Pero mukhang masyado naman ata itong malaki para lang sa dalawang tao. "Gosh! Ikaw pa lang ata ang nakikita kong tao rito mula nang dumating ako except kay Xilah." Walang ganang sambit ni Luxxine. Nabigla ako sa sinabi niya. "Ha? Gaano ka na ba katagal dito?"  Her nose crinkled as she thinks. "Hm, 3 days?"  I gave her a surprised look. Masyado siyang excited pumasok. Habang nag-aayos ng gamit ay natigilan ako nang bigla akong tinanong ni Luxxine. "Nga pala, ano ung gift mo?"  Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya. Yan nanaman sa tanong na iyan, hindi ko nga alam yun eh. "Wala akong gift. Sorry." Sagot ko. Ngumiti ako ng pilit dito na kinasimangot niya.  "Hindi ka makakapasok dito kung wala kang gift okay?"  Biglaang tumayo si Luxxine sa harap ko na kinabigla ko. "Well, I can summon any swords and daggers." Nakangiting sabi niya sa akin na kinatawa ko.  "Really cleofa? Tatawanan mo ko?" Muling sambit ni Luxxine. Her forehead furrowed and she gave me a lazy stare. Nabigla ako nang makitang nagbago ang mga mata niya.  Her eyes! There are swords inside her eyes! Then just like that, a huge sword appeared infront of her. "I'm Luxxine, and I inherited Athena's, Goddess of war's gift." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD