Its been five days since the fight between us and the Trejon Guild. Mula rin nang manggaling kami sa laban ay hindi pa rin nagkakaroon ng malay ngayon si Zail. Nanatili ako sa Guild namin. Mula nang makabalik kami ay hindi ko nagawang lumabas ng kwarto. Tanging pagdala lamang ng pagkain sakin dito ang naging komunikasyon namin ng mga myembro ng guild. Ni di ko sila kayang harapin. Matapos ng nangyari ay wala nakong nakausap pa ni isa sa kanila. Kung hindi nga lang sana kay Delta ay siguradong nabaliw na'ko. Nanatili itong kasama ko kahit na pa mas dapat niyang samahan si Zail. Siguro ay ito ang huling inutos sa kanya ng kuya ko. "Ready ka na Cleofa?" Hindi ko napansin ang presensya ni Risca sa kwarto. She's wearing a black dress. Agaw pansin din ang namamagang mga mata ni Risca. Sigu

