Patuloy sa pagbagsak ang mga debris. Nararamdaman ko ang paggalaw ng lupa dulot ng mga pagsabog. Sigurado akong malapit na ring sumabog ang silid na ito. Pero wala akong magawa. Tila nanghina na ang buong katawan ko at tanging paghawak na lamang sa katawan ni Helix ang magawa ko. "H-Helix." Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko. B-Bakit kaylangan niya kong iwan? Bakit ngayon pa? Okay na sana. Tapos na sana ang lahat. Bakit niya pako nagawang iwan? "C-Cleofa!" Napunta ang atensyon ko kina Alvis at King na nagmamadaling pumasok sa silid. Pareho ang naging reaksyon nila nang makita si Helix. "H-Helix." Sambit ni Alvis. His eyes widened and sadness plastered in his face. Agad kami nitong nilapitan. "Take them Alvis, umalis na kayo." Kapwa kaming natigilan sa sinabi ni King. Nabigla

