Hindi inaasahan ni Tito Alejo ang ginawa ko. Sinubukan pa nitong hawakan ang kamay ko upang alisin ang pagkakabaon nito sa dibdib niya pero sadyang nakabaon na ito at wala na siyang nagawa. "I loved you tito. Tinuring kitang ama." Sambit ko rito. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko. Sa kabila ng lahat. Siya pa rin ang tumayong magulang ko. Siya parin ang nagpalaki sa akin. Pinaramdam niya sa akin ang pagmamahal ng isang magulang. Kahit sabihin na ginawa niya lamang iyon para sa gift ko ay hindi mapagkakaila na siya parin ang bumuhay sa akin. Pinaranas niya sa akin ang isang buhay na sobra-sobra para sa akin. Ang isang maganda at marangyang buhay. Ni isang beses sa buong buhay ko ay hindi ko naranasang magutom. Lahat ng bagay ay nakukuha ko. Kahit pa sakit ako sa ulo at puro g**o a

