Naiwang nakaawang ang bibig ko sa narinig. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nito. Paano niya nagagawang sabihin sa akin yan? Ako na pinalaki niya? "Anong ginawa namin sayo?!" Hindi makapaniwalang sambit ko. "Oh, its not you dear. Your mom." Sagot ni Tito Alejo. Natigilan ako sa sinabi niya. My forehead furrowed as I give him a look of disbelief. Naguguluhan ako! Anong kinalaman ni Mama rito?! "I should have had Cronus'gift. Not her." Dagdag niya. Naglaho ang pagkakunot ng noo ko. Tila nasagot ang lahat ng mga katanungan ko. Mula nang makilala ko si Zail, iniisip ko kung bakit ito nangyari sa pamilya namin. Kung bakit may gustong kumuha sa akin. "That's why you killed her? Because you're f*****g jealous of her gift?!" Pinalakpakan ako ni Tito Alejo sa sinabi ko. "Yup! Very good

