Hindi nagtagal ay nagkaroon na ng malay si Kyera kaya pumasok na ulit sa silid sina King at iba pa. "Woah buhay ka pa." Natatawang asar sa akin ni Risca. Salamat sa diyos nga at buhay pa ako. Pero sa tingin ko sina Helix at Alvis ang hindi, sa oras na makita sila ni Aqua. Nang makapasok sina King ay agad nanlumo si Kyera nang makita ang kasamahan niya. "J-jester?!" Giit nito. Agad napayuko ang lalaking nangangalang Jester dahil kay Kyera. His mouth shut and fear crossed in his face. "Anong ginagawa mo rito?!" Napabangon ng wala sa oras si Kyera nang makita ang kasama. "Hey Kyera relax! Nakita namin siya ng hinahanap namin si Cleofa." Pagpapakalma ni King kay Kyera na agad na kinakunot ng noo nito. "Wala ka bang dila at hindi ka makapagsalita? Ano sabi ang ginagawa mo rito." Der

