Isang buwan ang mabilis na lumipas at hindi na masyadong maselan ang paglilihi ni Alessandra. Si Zac naman ay madalas hindi nya makasama. Masyado itong busy at lagi nyang napapansin na may kausap ito sa cellphone, laging may tumatawag dito at lumalayo ito sa kanya kapag sasagutin, hindi naman nya inuusyoso iyon dahil alam nyang sa trabaho lang, maaga ito laging umaalis patungong opisina. Nililibang na lang nya ang sarili sa pagbi-bake dahil iyon ang nakahiligan nya ngayon. Mahilig sya sa sweets, mga cookies at cupcakes ang napagdidiskitahan nya. Hindi nababanggit ni Zac sa kanya ang tungkol sa kasal nila kaya hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakapaghanda. Ayaw nya naman itong pangunahan, gusto nya ay kay Zac unang magmula iyon. Minsan iniisip nya tuloy kung may balak nga ba itong pakasa

