Nakatulala si Alessandra habang nakatanaw sa bintana ng kanyang kwarto. Mabigat ang dibdib nya. Parang napakahaba na sa kanya ng dalawang araw na wala syang Zac na kasama. Masakit ang loob nya dito pero alam nyang umaasa pa din sya na makikita nya ulit ito at susunduin sya nito. Umaasa sya na sa paggising nya ay makakasama nya ulit ito at malilinawan na ang isip nito sa mga nangyari pero alam nyang malabo iyon. Nagawa na nitong palipasin ang araw na hindi man lang sila magkasama. Hindi man lang sya nito hinanap. Siguro ay wala na talaga itong pakialam sa kanya. Baka tuluyan na syang kinalimutan nito, madali lang para kay Zac ang makahanap ng bagong babae lalo pa at gwapo ito. Dumaloy ang kirot sa dibdib nya sa isiping iyon. Nasasaktan sya, kung ano-ano na ang mga bagay na tumatakbo sa utak

