Kanina pa pinagmamasdan ni Zac ang nobya habang nakaupo ito at nanonood sila ng TV sa sala, bigla-bigla na lang itong nagagalit sa maliliit na bagay, tulad kanina hindi nya lang ito narinig ng ipa-abot nito sa kanya ang remote ay nakabusangot na agad ito, nagtataka tuloy sya, hindi kaya may dalaw ito ngayon? Nakalayo ito sa kanya ngayon at magkahiwalay pa sila ng upuan pero magkatapat lang naman sila. Sya ay nakaupo sa pang-isahang upuan lang habang si Alessandra ay nasa tapat nya at mahaba naman ang kahoy na kinauupuan nito habang nakataas ang dalawang mga paa at nakatitig sa TV. Maya-maya ay tumingin ito sa kanya. "Nagugutom ako," reklamo nito habang nakanguso. Konti na lang talaga mapapaisip na sya kung namamatanda ba ang mapapangasawa nya. "What do you want to eat?" tanong nya. "

