Abot ang tapik ni Zac sa braso nya pati sa binti, napakadaming lamok sa labas ng bahay ng Lola ni Alessandra, hindi man lang sya hinayaan ng dalaga na magpaliwanag, tinalikudan sya nito agad. Hindi nya alam kung bakit ganoon ito magalit, para itong tigre at nanlilisik pa kung tumingin. Napabuga sya ng hangin kasabay ng muling pagtampal nya sa braso. s**t! Bayan yata ng lamok itong napuntahan nya, ka-text nya pa kanina si Alexus para lang mahanap ang kinaroroonan ng bahay ng Lola nito, ibinigay nito bawat detalye upang madali nyang mahanap. Ilang ulit nya syang pahiga-higa at pagkatapos ay babangon dahil sa mga lamok, paano sya makakatulog dito sa upuan na to? Mukhang wala na talagang balak lumabas si Alessandra. Tumayo na sya at umalis sa terrace, tiningnan nya ang relong suot. Ala-una

