Masakit na masakit ang ulo ni Zac nang magising sya kinabukasan. Malakas ang hang-over nya kaya naman mabigat ang katawang bumangon sya mula sa pagkakahiga sa kama. Nagkalat ang mga basag na gamit sa sahig at napahilamos na lang sya sa sariling mukha habang pinagmamasdan 'yon. Anong nangyari? Walang Alessandra sa tabi nya nang gumising sya. Unti-unti nyang inalala ang mga kaganapan kagabi at ganoon na lamang ang pagkadismaya nya sa sarili. Nasaktan nya si Alessandra kagabi dahil sa labis na galit. Ayaw humupa ng sama ng loob sa dibdib nya kaya nagawa nya 'yon lalo pa at lasing na lasing sya. Pinalayas nya ito kagabi. Halos mapamura sya nang maalala na nagdadalang tao ito, ngunit kaagad din na bumalik ang pait sa dibdib nya nang maisip ang video na napanood nya kahapon. Hindi nya p

