Chapter 1
LEXI:
NAPABUGA ako ng hangin para kalmahin ang sarili. My hands trembled slightly as I tightened my grip on the bouquet.
The chapel doors slowly opened..A collective gasp echoed from the guests. I lifted my head and smiled. Lahat ay nakamata sa akin. Kaya ayokong magkamali.
Today was the happiest day of my life. The music began to play as they welcome the bride–me. Nakangiti ako kahit may suot na belo at hindi masyadong kita ang mukha ko.
Step by step, I walked down the aisle in my white wedding gown. The long veil framed my face as everyone's eyes followed me. Napakaganda ng pagkaka-decorate sa simbahan. Lahat ng bisita ay nakasuot ng eleganteng suit at dress.
But I only had eyes for one person. . . Ashton Valmont.
The man standing before the altar. Waiting for me. My future husband. He looked devastatingly handsome in his black suit. His posture was straight and confident, his expression calm as always. No smile. No excitement. Just that unreadable face that I had spent an entire year trying to understand.
Yet my heart still fluttered.
Because despite everything, he was here. He was marrying me. Sa kabila ng maraming babaeng naghahabol sa kanya, heto siya, nakatayo sa altar at hinihintay akong makalapit.
As I reached him, Ashton offered his hand. Nakangiti ako na inabot ang kamay niya. His fingers closed around mine. Warm, strong, steady.
The priest smiled at us. Ngumiti at yumuko ako dito na marahang tumango saka bumaling sa mga bisita para simulan ang seremonya. Napalunok ako na bumilis pa ang t***k ng puso.
This is it.
"We are gathered here today to witness the union of Ashton Valmont and Lexi Lawrence." Paninumula ng pari.
Lalo pang nagkarambola ang pagtibok ng puso ko! I glanced at Ashton. He was already looking at the priest. Serious. Focused. Untouched by the emotions overwhelming me.
The ceremony continued. Walang mag-sink-in sa utak ko sa mga nagaganap. Nalulutang ako at naka-focus lang kay Ashton. Then came the vows.
The priest looked at Ashton first. "Do you, Ashton Valmont, take Lexi Lawrence to be your lawfully wedded wife?"
A brief silence followed. I found myself holding my breath. Then Ashton answered.
"I do."
The simple words made my chest tighten. A smile immediately spread across my face. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa isinagot ni Ashton.
The priest turned to me. "And you, Lexi Lawrence, do you take Ashton Valmont to be your lawfully wedded husband?"
Without hesitation, I answered. "More than anything. . . I do, father."
Several guests chuckled softly. My mother wiped her tears. My father looked away, pretending not to be emotional. Napangiti ako na nag-iinit ang mukha.
The priest smiled knowingly. "Then by the power vested in me, I now pronounce you husband and wife."
Applause erupted throughout the chapel. Gusto kong mapairit sa mga sandaling ito pero mahigpit kong pinipigilan.
"Mr Valmont, you may now. . . kiss the bride." Saad ng pari.
Naghiyawan ang mga bisita sa pangunguna ng mga kaibigan ni Ashton. Napalapat ako ng labi at namumula ang pisngi. Ang totoo niya'n. . . ito ang unang beses na hahalikan ako ni Ashton. Kaya hindi ko mapigilang kabahan at kiligin! Ashton turned toward me. For a second, I forgot how to breathe.
Slowly, he lifted my veil. His dark eyes met mine. I felt my cheeks heat. Then he leaned down and pressed a gentle kiss against my lips. Napapikit ako na maramdaman ang mainit at malambot niyang mga labi na nakalapat sa aking labi!
The guests cheered loudly. And for that brief moment. . . I felt like the luckiest woman alive. Napahigpit ang hawak ko sa bouquet ko at ninanamnam ang sandaling nakalapat ang labi ni Ashton sa aking labi. Hanggang sa dahan-dahan niyang binawi ang labi sa akin. Nagtama ang mga mata namin at sa unang pagkakataon. . . nasilayan ko ang pagkinang sa mga mata niya at ang pagsilay ng munting ngiti sa kanyang mga labi.
“You're enjoying my lips, right, wifey?” pabulong saad nito na ikinamilog ng mga mata ko at nahampas ito sa braso.
“H-hoy, hindi a.”
Mahina itong natawa na tumuwid ng tayo at yumapos ang isang kamay sa baywang ko. Humarap kami sa mga bisitang pinapalakpakan kami at nakangiti sa amin. Kaliwa't kanan ang pag-flash ng camera habang kinukunan kami ni Ashton dito sa harapan.
*****
The reception was held at the Valmont mansion. The mansion looked magnificent beneath countless golden lights. Music filled the air. Champagne flowed endlessly. Guests surrounded us one after another. Kahit dito na ako sa mansion nakatira dati pa, hindi pa rin ako nasasanay kung gaano ito kaganda.
"Congratulations, Mr. and Mrs. Valmont."
"You look beautiful together."
"May your marriage be blessed."
Kaliwa't kanan ang bumabati sa amin ni Ashton mula sa mga guest.
"Thank you," I replied repeatedly with a bright smile.
My mother hugged me so tightly she nearly ruined my makeup. Napahaplos ito sa pisngi ko na nagniningning ang mga mata.
"Kasal na ang anak ko," she sobbed.
"Mama." I laughed.
"Hwag kang umiyak. Nakatingin ang mga tao sa atin, anak.” Aniya.
"I don't care!" wika ko na tuluyang naluha at niyakap ang mama ko.
Natawa naman ito na hinaplos ako sa likuran. “Sa wakas, ikinasal ka rin kay señorito, anak. Parte na tayo ng pamilya Valmont,” aniya pa.
Napanguso ako. Lumapit na din si papa at hinaplos ako sa ulo bago niyakap kami ng mama.
“Alagaan mo ang asawa mo, hmm? Inaasahan namin ng mama mo na hindi mo kami ipapahiya sa pamilya Valmont, Lexi.” Wika pa ng papa na ikinatango ko.
“Opo, Papa. Pangako po. Aalagaan kong maigi ang asawa ko. Hinding-hindi ko po kayo ipapahiya,” sagot ko na ikinangiti nila ni mama at niyakap akong muli.
Napapikit ako na may ngiti sa mga labi. Kasal na ako. May asawa na ako. Magmula sa araw na ito. . . si Ashton na lamang ang alalahanin ko. Ayaw kong biguin ang asawa at mga magulang ko. Gusto kong malinis at masaya ang pagsasama namin ng asawa ko hanggang pagtanda namin.
Masaya ang lahat na nage-enjoy dito aa venue ng kasal. Gano'n din ang mga magulang ko na nakikipag-usap sa mga bisita. Napalingon ako sa gawi nila Ashton at mga kaibigan niya sa kabilang mesa, masaya at maingay ang mga itong nagkakainuman.
"To Ashton!"
Everyone cheered.
"Finally trapped!"
The group burst into laughter. I couldn't help smiling. Ashton merely shook his head. Nangingiti din ito na nakipag-toss sa mga kaibigan.
"Shut up, Roswell." Aniya pa sa kaibigan.
"Too late. You're married now, Valmont." Sagot ni Hebrew dito na ikinatawa nilang lahat sa mesa.
"At least your wife is beautiful.”
Nag-init ang mukha ko sa narinig. Napaiwas kaagad ako ng tingin dahil lumingon sila sa akin.
“And young.” Dagdag pa ng isa.
“And sexy indeed.” Saad pa ng isa.
“Tumahimik nga kayo. She's my wife now. Which means. . . she's mine. Hwag niyo siyang pagpantasyahan.” Ingos ni Ashton sa mga ito.
The men laughed again. Lihim akong napangiti na uminom ng tubig. Muli din silang nag-inuman. I watched them from afar before deciding to leave them alone. Wala akong matatawag na kaibigan dito sa mansion. Ayaw sa akin ng mga kaedaran kong katulong dahil pinikot ko raw si Ashton. Gusto kasi nila si Ashton pero sa akin napunta. Kaya mainit ang dugo nila sa akin dahil bago lang ako dito, kumpara sa kanila na dito na lumaki. Lumaki ako abroad at doon nag-aral. Ang pamilya ni Ashton ang nagpaaral sa akin.
Gusto ko nga sanang ayahin na si Ashton pero pinili kong umakyat na mag-isa. Tonight was a special night for Ashton too. He deserved to celebrate. Ayoko namang sabihin ng mga kaibigan niyang itinatali ko na kaagad si Ashton. Okay lang naman sa akin e. Basta inuman lang.
ILANG oras na ang nakakalipas at dama ko na ang pagod at antok. Nakaligo at bihis na ako. Nandidito sa silid ni Ashton at hinihintay ito. I checked the clock.
11:00 PM. Wala pa rin siya.
"Nag-iinuman pa rin siguro sila,” usal ko sa isipan.
Another thirty minutes passed. The mansion had grown quiet. Napahinga akong malalim na malamlam na ang mga mata. I yawned.
“Just one more minute.” I murmured.
I lay down on the bed. The soft mattress embraced me immediately. My eyes slowly closed. Sa isip ko, hihintayin ko ang asawa ko. Pero hindi ko na kinaya pa ang pagod at tuluyan na akong nakaidlip.
****
The next morning, I woke up feeling warm. Something heavy rested around my waist. Nangunotnoo ako na dahan-dahang nagdilat ng mga mata.
Then froze. Ashton's arm. My husband was sleeping beside me. Napalunok ako na makitang nakayapos ang isang braso niya sa baywang ko. . . habang nakaunan ako sa isang braso niya at nakasiksik sa kanya.
I stared at him for several seconds. Then smiled. Umakyat din pala siya kagabi at tumabi sa akin. Akala ko ay wala siyang planong tumabi sa akin kagabi. Dala marahil ng pagod kaya hindi ko na siya naramdaman kagabi.
Carefully, I shifted closer. His face looked softer while asleep. My fingers moved on their own. I gently brushed his cheek. His skin felt warm beneath my touch. Napangiti ako habang marahang hinahaplos siya sa pisngi. Ngayon ko lang kasi natitigan nang gan'to kalapit si Ashton. Hindi ko ito magawa dati. Ang hawakan siya. Ang titigan siya nang gan'to kalapit. Ang pagmasdan siya habang natutulog.
"You're really my husband now," I whispered.
The words still felt unreal. Pakiramdam ko ay nananaginip ako ng gising sa mga sandaling ito.
Noong nakaraang taon, umuwi ako ng bansa at tapos na ako sa pag-aaral abroad. Pero sa kasamaang palad, sinalubong kami ng masamang panahon habang nakalayag sa laot ang yate na sinakyan ko. Tumaob iyon na dahilan kaya muntikan akong namatay.
Nagising ako na nasa gilid ng pampang na nakahiga sa buhangin. The sound of waves crashing against the rocks echoed around me. My body ached. There were cuts on my arms. Bruises on my legs. And blood near my temple.
I struggled to sit up. "W-Where am I?"
Napalinga ako sa paligid at kitang nasa malawak akong isla. Walang kabahayan, walang ibang tao, tanging ang asul na dagat at puting buhangin ang makikita. Kahit nanghihina, pinilit kong maupo. Nangilid ang luha ko na nailibot ang paningin sa paligid.
Then my parents found me. "Lexi!"
My mother had thrown herself at me. Tears streamed down her face.
"Oh God, you're alive!" bulalas din ng lalake.
"Papa?" I whispered.
My father hugged me tightly. “Akala namin hindi ka na namin makikita pa, anak."
Dinala ako nila mama at papa sa hospital sakay ng maliit na bangka. Habang nasa hospital, ipinaliwanag nila sa akin ang mga nangyari dahil hindi ko matandaan ang mga nangyari. The boat I had been riding supposedly overturned during a storm.
I nearly drowned.
That was why I lost my memories. Tumama daw ako sa bato na dahilan kaya may malaki akong sugat sa ulo.
Then Ashton appeared. Siya daw ang nakakita sa akin kaya tinawagan niya ang mga magulang ko. He is the heir of the Valmont family. The richest family on the island.
My parents worked for them. Walang pag-aalinlangan na binayaran nila ang expenses ko sa hospital. Every single one. Kaya naman imbes na magtrabaho ako sa bayan, naglingkod na lamang ako sa pamilya Valmont.
Nang magaling na ako, dinala ako nila mama sa mansion ng mga Valmont. That was where I met Lola Daphne Valmont. At first, masungit si lola. Mahirap siyang alagaan. Naninigaw ito at masakit magsalita. Mahirap siyang pakainin at painumin ng gamot. Pero nagtiis ako. Hindi nagtagal. . . nahuli ko rin ang kiliti ni lola.
Naging swabe ang bawat araw ko sa mansion. Napapatawa ko si lola at napapasunod ito sa isang lambing ko lang. Hanggang isang araw, tuluyan na itong nanghina dala na rin ng katandaan. Sinabi niya sa lahat na ako ang gusto niyang pakasalan ng nag-iisa niyang apo. Si Ashton.
At that time, I thought she was joking. I was wrong. Weeks later, before her death, she placed a condition in her will. Only one woman would inherit the title of Mrs. Valmont.
Ako.
The decision shocked the entire family. Including Ashton. But he respected his grandmother's final wish. And eventually. . . he married me.
*****
I looked at the sleeping man beside me. A soft smile appeared on my lips. Maybe this marriage didn't begin with love. Maybe Ashton only married me because of his grandmother.
But I wasn't giving up. I would be a good wife. I would make him happy. One day. . . I hoped he would learn to love me too. Dahil unang kita ko pa lang kay Ashton ay nahulog na ang loob ko sa kanya. . . kahit na masungit ito at mahirap pangitiin.
"Good morning, hubby," I whispered with a smile.
Then I headed downstairs, excited to prepare breakfast for him. Unang araw namin ito bilang mag-asawa. Gusto kong. . . ako ang umasikaso sa asawa ko.