ZION'S POV Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Lai kanina, Inihatid na niya ako pauwi, pero bago siyang tuluyang makaalis ay may sinabi siya sa akin. "sana hindi ka matakot magmahal ulit. Pero ayos lang naman sa akin kung hindi mo maibabalik ang pagmamahal ko. This world is full of uncertainties at kasama na ako doon." At tuluyan na siyang umalis Hindi ko inasahan ang gabing ito at ang mas lalong hindi ko inasahan ang pag amin ni Lai. Di ko kayang aminin sa kanya ang nararamdaman ko habang ganito pa ako. Gusto ko maayos na ako. Gusto kong matupad muna yung gusto niya na makakita ako "Kamusta date niyo ni Ms. Delivery Girl mo?" Bungad sa akin ni Gab pagkalabas niya ng gate. "Ayos lang." Nakangiti kong sagot at agad na kaming pumasok sa loob ng bahay. "Anong nangyari?" Tanong uli

