CHAPTER 1
LAIREIN'S POV
Napakaganda ng sikat ng araw. Rinig ko ang mga magagandang huni ng mga ibong dumadapo sa bintana, at ang magandang sinag ng araw na tumatama sa aking balat na siyang dahilan kung bakit ako nagising.
"Ang sarap talaga pakinggan mga huni nila." Sambit ko at di ko napigilan, ako ay napangiti. Napadpad ang tingin ko sa orasan na nasa lamesa katabi ng kama ko.
"Hala. May delivery pa ko! Nako po!" Agad na napatayo ako at gumayak na dahil late na ako sa trabaho ko. Dahil saturday ngayon, tumutulong ako sa restaurant ng family namin. Ako ang taga deliver ng mga orders gamit ang favorite scooter ko.
"Late ka na, Lai." Pagsita ni mommy nang makarating ako.
"Sorry ma, medyo tinanghali ako ng gising eh." Pagpapaliwanag ko.
"Wag ka kasi magpuyat nang magpuyat. Eto umpisahan mo na ang pagdeliver." Sambit ni mama sabay abot ng mga pagkain.
"AYE" sagot ko sabay salute. Binigyan ko muna ng kiss si mommy at tuluyan na akong umalis. Nilagay ko na ang helmet ko at inistart na ang scooter.
Ako pala si Lairain Merrein Mendez. Everyone calls me, "Lai" . 19 years old at currently a second year college taking a culinary course, dahil gusto ko ipagpatuloy ang business ng family namin.
Every weekends, delivery girl ako sa resto. After class naman, vocalist ako sa isang banda at nasa gig lagi kami. Financially stable naman ang pamilya namin, pero dahil gusto ko magpaka independent, gusto ko ako ang kumikita ng sarili kong pera dahil nahihiya akong humingi sa parents ko. I have an older brother. Si Lorrekai. "Kai" for short.
Ramdam ko ang simoy ng hangin dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko sa scooter. Nang marating ko ang address kung saan ako magdedeliver, hindi ko maiwasan ang mapanganga dahil sa laki ng bahay.
"Di na maikakaila na mayaman na pamilya ang nakatira rito." bulong ko at nag doorbell ako at hindi nagtagal lumabas ang isang maid.
"Good morning. Eto na po yung inorder niyong mga pagkain." Nakangiti kong bati.
"Ahh. Magkano miss?"
"570 pesos po." Agad nitong iniabot ang bayad sa akin.
"Salamat."
Tumalikod na ako habang binibilang ang pera. Dahil abala ako sa pagbibilang, di ko nakita na may tao na naglalakad kaya naman bumangga ako sa kanya.
"Sorry po." Palakad na sana ako paalis pero nagulat ako nang hinawakan niya balikat ko.
"You're so clumsy. Sino ka ba?" Pagtatanong nito.
Pero di ko mapigilan na hindi napatingin sa kanya. Ang gwapo niya. He's wearing his sunglasses, He's wearing a white shirt and a simple pants at sneakers. Kahit simple lang ang pormahan niya ay ang lakas pa rin ng dating niya.
"Im asking, who are you?" Nabalik ako sa realidad nang magtanong siya.
"Ah.. Uhm... Dineliver ko lang po yung pagkain na inorder mula sa bahay na ito." Sabay turo sa bahay. Pansin ko na focused lang sa akin ang tingin niya. Nakita ko din ang hawak niyang stick.
"What are you looking at?" Pagsita nito. Agad naman ako napalunok.
"N..nothing. Sige, mauna na po ako." Pagpapaalam ko. Agad kong sinuot ang helmet ako, inistart ang scooter at umalis na ako sa lugar na yon.
Sino ba yon? Napaka sungit.
Pagbalik ko sa resto, may nakita akong pamilyar na tao.
"Shiiiiiiin!"
Agad naman ito napatingin.
"Laiii!"
Tumakbo ito papalapit sa akin at akmang yayakapin na niya ako subalit pinatigil ko siya sa pamamagitan ng pagharang ko sa kanya gamit kamay ko.
"Nagkita tayo kahapon. Kaya wag kang oa." Sabi ko. Agad naman siya umayos ng tayo.
"Oo na. Uy, may chika ako." Dinala naman niya ako sa isang bakanteng mesa at dun kami pumuwesto.
"Ano yon?"
"May bagong transferee sa school. Hehe." Mukha namang masaya siya sa ibinalita niya.
"Share mo lang?" Sarcastic kong tanong.
"Ano ka ba naman. Gwapo ito. Hehe. Ayieee. Madadagdagan na naman inspirasyon mo para makagraduate. Ayiee " pang aasar nito.
"Magtigil."
"Ano ka ba. Pakita ko sa'yo sa Monday."
"Okay. Monday. Siguraduhin mong worth it ang ilang segundo ng buhay ko sa araw na yon, kundi lagot ka sa kin." Pambabanta ko.
Agad niya itinaas ang right hand niya na parang nanunumpa.
"Cross my heart."
Matapos naming magchikahan ay bumalik na ako sa pagdedeliver. Sino kaya yung bagong transferee? Sana di kasing sungit nung naging customer namin kanina. Excited tuloy ako pumasok sa monday.
Mabilis lumipas ang araw. Maaga ako nagising ngayon at excited nang pumasok dahil dun sa mysterious transferee sa school namin.
"Good morning moooooom!" Masiglang pagbati ko kay mommy.
"Ang aga mo naman nagising. 8 am pa pasok niyo, 6:15 am pa lang."
"Hehe. Syempre ma. Balita ko kase may bagong transferee sa school namin. Kaya excited ako. Haha!" Bigla naman akong inakbayan ni Kai.
"Sus! Curious ka lang naman kung gwapo ba o hindi eh. Kung mabait o hindi hahaha! Hay nako Lai." Sinamaan ko naman siya ng tingin at siniko sa tyan.
"Magtigil ka nga Kuya Kai." Inis na sabi ko.
"Hay nako! Nag aaway pa kayo. Kumilos na kayo dahil may mga pasok pa kayo." Sabi ni mommy. Kaya naman nag umpisa na ako kumilos.
Nang matapos na ako, nagpaalam na ako kay mommy na mauuna na ako pumasok dahil matagal kumilos si Kai.
"Nak, may gig ka ba mamaya?" Tanong ni mommy.
"Opo mommy."
"Sige. Ingat ka." Ngumiti ako at tuluyan nang umalis.
Syempre, dala ko ang aking baby (scooter) sa school dahil bukod sa delivery, ito rin ang service ko. Naglakad na ako papuntang classroom at habang nasa hallway, di ko inaasahan na makita yung lalaking gwapo ngunit masungit na nakasuot ng shades at may hawak na stick na daig mo pa ang bulag. May kasama ito at mukhang may hinahanap. Di ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa classroom.
"Huy bes, mayaman daw yung transferee." Agad na balita ni Shin. Agad ko naman itong tinaasan ng kilay.
"Oh tapos?"
"Ano ka ba?! Syempre kung mayaman siya, edi gwapo nga ahahaha" pang-aasar ni Shin.
"Tumigil ka nga nakakahiya eh."
Hindi nagtagal dumating na ang prof namin, at nanlaki bigla ang mga mata ko. HOLY---BAKIT KASAMA NIYA SI MR. SUNGIT/MR. SUNGLASSES?
"Okay Class we have a new transferee here. He's your new classmate." Ibinalik ulit niya ang tingin dito.
"Kindly introduce yourself to them."
"I'm Zion Angelo Samonte. Nice meeting you all." Inalalayan na siya ni sir papunta sa katabing upuan ko na vacant....WAIT katabi ko siya?
"Mr. Samonte, ito ang magiging proper seat mo. Katabi ka ni Ms. Mendez." At agad bumalik na ulit si Sir sa unahan. Di ko maiwasan na titigan siya. Wow. Gwapo sana siya pero maugali nga lang.
"Ms. Mendez, stop staring at the transferee and focus yourself in the discussion." Pag sita ng prof namin.
"Sorry po." Nakita kong kumunot ang noo nung Zion, pero ngumisi siya ng bahagya.
"Familiar yung boses mo." Nakita kong sa akin na siya nakatitig dahil nakikita ko na reflection ko sa shades niya.
"Uh.. " di ko alam isasagot ko. Bigla naman siya nag smirk.
"Ahh. Ikaw pala yung clumsy delivery girl. Dito ka rin pala nag aaral? What a coincidence." At nagulat ako nang bigla siyang ngumiti.
"Nangiti pala ang masungit na gaya mo." Sagot ko. Napailing naman siya at halatang natatawa naman.
"Hindi pa naman ako ganun kasungit para hindi ngumiti, Miss."
"Ewan ko sayo." Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa discussion. Bakit nga ba siya laging nakasuot ng sunglasses kahit wala namang init? Napalingon ulit ako sa gawi niya at mukhang nakikinig na siya sa discussion.
After a few minutes, nagdismiss na si Sir. Inayos ko na ang mga gamit ko at palabas na sana nang bigla akong hinawakan sa braso ni Zion.
"Ano?" Tanong ko.
"Ang sarap ng pagkain na dinelivermo. Oorder ulit ako at gusto ko ikaw magdeliver." Nanlaki naman mga mata ko sa sinabi niya.
"Ano ka, sinuswerte? Every weekends lang ako nagdedeliver."
"Ang arte mo. Malapit lang naman restaurant niyo sa bahay namin." Pagpapaliwanag nito.
"Nako naman. May gig pa ko mamaya." Sagot ko sa kanya
"Nakanta ka?" Tanong niya.
"Oo. Kaya busy ako tuwing weekdays, kaya weekends lang ako available sa pagdedeliver." Pagpapaliwanag ko. Tumango naman siya.
"Sige. Sa saturday."
Tinapik ko siya sa balikat at tumango din.
"Okay. Saturday." Binitawan na niya ako at saka ako umalis. In fairness, di siya nagsusungit ngayon.