Zion's Pov
"Bro may bagong bukas na resto malapit dito sa school. Tara punta tayo. May tutugtog mamaya eh." Pagyayakad ni Gabriel.
"Haha. Sige." Sagot ko.
"Bro, tanggalin mo nga yang sunglasses mo." Sabi ni Gab.
"Bakit bro? Di ba maganda tignan?" Tanong ko.
"Sayang naman yang ganda ng mga mata mo. Hahaha. Wag mong takluban."
"Aanhin ko pa ang magandang mata kung wala naman ito makita?" Bigla naman natahimik si Gab.
"Pansamantala lang yan. Di ba sabi ng doktor mo may possibilidad na bumalik paningin mo?"
"May possibility din na hindi." Dagdag ko.
Inalalayan na ako ni Gab tumayo. Dahil pupunta kami sa bagong bukas na resto. Ramdam ko na maganda ang panahon ngayong araw dahil sa simoy ng hangin at dahil ramdam ko ang init.
Di ko alam pero dumating na lang yung araw na lumabo mga paningin ko hanggang sa nagdilim na. Sabi ng doktor, amaurosis fugax. Idiopathic or no cause identified. 50:50 ang chance na bumalik ang paningin ko.
Kaya umaasa ako na makakita ulit. Dahil gusto ko makita ang ganda ng mundo. Nagtransfer ako ng school dahil di ko gusto sa school na pinasukan ko.
Nakasuot ako ng sunglasses, dahil ayokong makita nila na bulag ako. Even though it's pretty obvious. My parents wanted me to temporary quit schooling. Pero ayoko. Ayokong nakatunganga lang habang nag aantay ng pag galing ko.
"Huy Zion. Tulala ka ata dyan? Ano iniisip mo?" Tanong ni Gab. Si Gab ang tumatayong mata ko sa school. He's my childhood friend. Nagtataka kayo kung bakit hindi ko siya kasama kanina dahil nagkaroon ng emergency sa kanila at kinailangan niyang umuwi, kaya naman mag-isa lang ako na pumasok.
"Ahh. Wala." Sagot ko. Lumapit ang waiter sa amin at hiningi na yung order namin.
"Oy, alam mo ba maganda yung vocalist ng banda na tutugtog ngayon." Pagbabalita ni Gab.
"Kaya pala gusto mo pumunta dito eh. Gusto mo lang makita yung vocalist."
"Syempre. Haha. Gusto mo ba idescribe ko sayo itsura niya?" Tanong niya. I nodded.
"Lagi siya naka pig tail. Maputi siya. Matangkad, sexy. Mahilig siya magsuot either skirt or short na may suspender. Y'know parang jumper. Haha. Ang cute pa ng dimples niya kapag ngumingiti. Tapos lagi siyang naka long sleeved na damit at naka sneakers." Napangiti naman ako sa ginawang paglalarawan ni Gab. Mukha ngang maganda siya. Pero mas maganda kung makikita ko siya.
"Bro andito na sila." Mukhang uumpisa na sila tumugtog. Hindi nagtagal dumating na rin ang order namin.
"Mic test. Mic test..."
Napatigil ako sa pagkain nang marinig ko yung boses ng bokalista.
"Good afternoon, ladies and gentleman. I hope you'll enjoy our performance for today." Bigla naman nagpalakpakan ang mga tao.
*FLASHBACK*
"Ano ka, sinuswerte? Every weekends lang ako nagdedeliver."
"Ang arte mo. Malapit lang naman restaurant niyo sa bahay namin." Pagpapaliwanag nito.
"Nako naman. May gig pa ko mamaya."
*END OF FLASHBACK*
"I've missed your calls, for month it seems don't realize how mean i can be,
Cause i can sometimes treat the people that i love like jewelry.
Cause i can change my mind each day, i didn't mean to try you on,
But i still know your birthday, and your mother's favorite song.
So i'm sorry to my unknown lover,
Sorry that i can't believe that anybody ever really starts to fall in love with me
Sorry to my unknown lover,
Sorry i could be so blind
Didn't mean to leave you,
And all of the things that we left behind."
"Bro, ganda ng boses niya. Ano?" Tanong ni Gab.
"Ayos lang." Sagot ko. Marami pang tinugtog ang banda ni Miss delivery girl. Nang matapos na sila tumugtog, umalis na rin kami ni Gab.
"WHOA! So nag meet na kayo ni Miss Vocalist?"
Manghang mangha na tanong ni Gab. Ikinuwento ko sa kanya kung paano kami nag meet ni Miss delivery girl.
"Oo. Grabe nga makatingin eh." Sagot ko.
"Nakakakita ka na ba?" Excited na tanong ni Gab.
"Hindi pa. Malakas ang pakiramdam ko. Kaya kahit di ko nakikita, nararamdaman ko naman. Tsaka classmate ko din yun." Pagpapaliwanag ko.
"Talaga?! Anong name niya?" Tanong ni Gab.
"Aba malay ko. Ang alam ko lang naman ay yung surname niya." Inis na sagot ko. Kanina pa ako kinukulit ng lalaking ito.
"Ano surname? Dali. Hahanapin ko. Hahaha." Pangungulit pa rin ni Gab.
"Mendez ata yon."
"Bakit parang di ka sigurado?" Bakas sa boses ni Gab ang disappointment.
"Oo na. Ms. Mendez tawag sa kanya ng mga prof." Sinagot ko na ng ayos dahil hindi ako titigilan nito. Habang naglalakad sa hardin ng bahay, naisipan kong magpa order ng pagkain sa resto ni Ms. Delivery girl.
"Manang Lucille."
Agad na lumapit si Manang Lucille. Siya kase ang nag order noong nakaraan kaya siya ang nakakaalam ng hotline ng resto.
"Ano po kailangan niyo, Sir?" Tanong nito.
"Manang, magpa deliver ka nga ulit dito ng foods. Yung last time. Kung saan ka nag order noon. Grabe. Ang sarap kase ng pagkain doon eh. Tsaka manang, papasukin mo yung nagdeliver."
"Sige po sir." At umalis na siya. Alam kong umalis na siya dahil rinig ko ang paglalakad niya.
"Di ka mahilig magluto?" Tanong ni Gab.
"Tingin mo kailan mo ako nakitang nagluto?" Sarcastic kong tanong.
"Eh bakit ka nagculinary?" Tanong ulit ni Gab.
"Malamang gusto ko matutong magluto. Geez." Sagot ko.
Lumipas ang ilang minuto, biglang may nag doorbell.
Agad na lumabas si Manang Lucille upang papasukin kung sino mang nilalang ang nasa labas.
"Sir, andito na po yung pagkain. Tsaka pinapasok ko ang nagdeliver gaya ng inutos mo po." Pagkapasok ni Manang Lucille, ay sunod na pumasok si...
@$%&*
"Hi sir. Oh meghed. Ang gwapo mo po. Hihihi."
"MANANG LUCILLLLLLLEEEE"
Agad na lumapit sa akin si Manang.
"Saan lupalop ka po ba nakahanap ng resto?! I mean ang ibig kong sabihin yung dati kung saan ka nag order ng resto, kung saan babae ang nag deliver, hindi baklang pinagsakluban ng langit at lupa ang boses" Nanlulumong pagrereklamo ko. Alam kong maling resto ang napagorderan ni manang dahil hindi si Ms. Delivery girl ang nagdeliver dahil isang bakla ang nagdeliver.
"Ay pasensya na po sir. Palalabasin ko na ba?" Tanong ni Manang.
"Ay hindi manang, papasukin mo sa kwarto ko." Sarcastic kong sagot.
"Masusunod po boss." Narinig ko na ang paalis na paa ni manang. s**t. Gagawin talaga niya?
"Manang, biro lang. Paalisin mo na siya." Utos ko. Narinig ko ulit ang mga paalis na hakbang.
"Nakaalis na ba sila, Gab?" Tanong ko kay Gab.
"HAHAHAHAHAHAHA te...ka... Hahahahahahaha" Tawang tawa na sambit ni Gab.
"Hoy umayos ka." Pag uutos ko.
"Hahaha. Ehem.. Okay. Umalis na." Sagot nito.
Muling natahimik ang bahay. Di nagtagal, may nag doorbell ulit.
"Holy cow!" Narinig kong sambit ni Gab.
"Bakit anong meron?" Tanong ko.
"Zion?"
Halos magpantig ang mga tenga ko sa narinig ko. Teka. Tama ba? Si Ms. Delivery girl na ba yon?
"Ms. Mendez? Ikaw na ba talaga yan?" Tanong ko.
"Hahaha. Oo. Nagpadeliver ka ng pagkain. Right?" Tanong nito. Tumango na lang ako.
"Dito ka pala nakatira? Wow. Ang laki ng bahay niyo. Nung una akala ko napadaan ka lang. Hahaha. Anyways, una na ako. Marami pa akong deliveries. Babye." Hindi magtagal, narinig ko ang pagsara ng pintuan.
"So siya si Ms. Delivery girl?" Amaze na tanong ni Gab.
Napangiti naman ako. Yes! At sa wakas matitikman ko na naman ang masarap na putahe mula sa resto nila muahahaha!