LAI'S POV
Di ko akalain na si Zion pala ang nakatira sa magandang bahay na yon. Akala ko napadaan lang siya nung araw na yon.
"Nagdeliver ka ngayon? Friday lang ngayon ah." Nagtatakang tanong ni Shin.
"Naka leave kase yung nagdedeliver kapag weekdays. Kaya ako muna papalit temporary." Pagpapaliwanag ko. Tambayan namin ni Shin itong resto. Nagagalit minsan si mommy dahil baka daw malugi siya sa amin.
"So saan ka nagdeliver?" Tanong ni Shin.
"Dun sa ikinuwento ko sa yo na magandang bahay. Dun sa kabilang kanto. Grabe. Di ko akalain na si Mr. Sunglasses ang nakatira doon." Muntikan niyang maibuga ang iniinom niyang juice.
"Ano ba magdahan dahan ka nga." Inis na sabi ko.
"Talaga?! You mean si Mr. Transferee?"
"Oo. Yung mukhang bulag. Aba. Lagi kasing naka suot ng sunglasses tapos may hawak laging stick."
Napansin kong nakatingin lang sa akin si Shin.
"Napaka insensitive mo. Sa tingin mo nagloloko lang yon kaya nakashades?" Tanong ni Shin. Bigla naman akong natahimik.
Talaga bang bulag si Mr. Sunglasses? Kung bulag man siya, grabe. Wala siyang pinagkaiba sa mga nakakakita. Mabilis niyang sauluhin ang mga daan.
"Talaga bang... Bulag si Mr. Sunglasses?" Tanong ko kay Shin. Napailing naman siya
"Aba malay ko. Kumain ka na nga lang dyan."
Binaling ko ulit ang atensyon ko sa pagkain.
"Oo nga pala, kamusta kayo ni Miel?" Tanong ni Shin.
"Ilang araw na nga di nagpaparamdam eh." Agad siyang napatigil sa pagkain.
"Kayo pa rin ba? Akala ko ba hihiwalayan mo na yon? Aba, Lai. Masyado ka atang nagpapakatanga. Alam mo nang niloloko na na, nagpapadala ka pa rin."
"Shin, mahal ko eh. Di ko kayang mawala. Nagbubulagbulagan ako sa mga pambababae niya." Muntikan na ako mapatayo sa upuan ko nang biglang hinampas ni Shin yung lamesa.
"Lai naman! Di ka ipinanganak para pagmukhain kang tanga. Marami pang lalaki dyan. Di mo nga sigurado kung babalik pa ba talaga yan si Miel eh. Hay nako. Mabuti pa si Mr. Transferee, LITERAL lang na bulag. Eh ikaw? Bulag na nga sa pag-ibig, nagbibingibingihan pa. Aba! ewan ko sa'yo. Habang maaga pa, itigil mo na." Naging tahimik ulit ang paligid matapos ako sermonan ni Shin.
Si Romiel John Cruz. Boyfriend ko for 2 years. Sa loob ng dalawang taon, alam ko na niloloko niya ako. Sinasabihan na ako ng mga kaibigan ko na hiwalayan ko na siya pero wala e. Mahal ko. Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang hindi siya nagparamdam. Ang sabi lang niya sa akin ay busy siya sa pag aaral. Pero honestly, alam ko na. Alam kong may iba siya.
"Maglalakad lakad lang ako saglit." Pagpapaalam ko kay Shin. Lumabas ako at naglakad lakad upang makapag isip isip.
"Oo na Lai. Tigilan mo na. Di na yon babalik. Masaya ka naman diba? Mag focus ka na lang sa pag aaral tsaka sa sidelines mo." Napaupo na lang ako sa pavement.
"Mahal mo siya. Kaya ilet go mo na." Sambit ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Ibinaon ko ang ulo ko sa mga braso ko. Dahil baka may makakita sabihing baliw ako na bigla biglang umiiyak.
"Oyy miss delivery girl."
Unti unti kong iniangat ang ulo ko at nakita ko si Zion na nakatayo sa harapan ko.
"Alam kong ikaw yan. Rinig ko pag iyak mo." Pagpapaliwanag niya.
Tuloy tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko habang nakatingin sa kanya.
"Bakit ka naiyak? May problema ba?" Tanong niya.
Agad akong tumayo at niyakap siya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat pero niyakap niya ako pabalik at tinapik ang likod ko. Thank God at dumating siya. Minsan yung mga taong hindi natin inaasahan, ang siyang magiging sandalan sa oras ng kalungkutan.
"Wag mo nga iyakan yung lalaking iyon. Di ka niya deserve." Sambit ni Zion.
Ikinuwento ko sa kanya about sa amin ni Miel since kailangan ko ng makakausap at matanong siya kaya sinabi ko na lahat.
"Bakit di mo pa kasi hinihiwalayan? Nagpapakatanga ka pa eh." Tanong ni Zion.
"Mahal ko siya eh. Di ko kaya." Sagot ko. Napataas naman ng kilay si Zion sa sinabi ko.
"Mahal? Huy, Ms. Delivery Girl di na pagmamahal yan. Katangahan na yan. Tignan mo, mas pinili mo pang magbulagbulagan sa mga kalokohan ng lalaking yon kesa sa hiwalayan mo."
For the first time, ngayon ko lang narinig si Zion na magsalita ng mahaba. Kada mag uusap kami, tipid lagi ang mga salitang sinasabi niya.
"Teka nga lang, bakit ba Ms. Delivery girl tawag mo sa akin? Actually magkaklase tayo pero never mo akong tinawag sa name or sa surname." Napangiti naman siya ng bahagya.
"Eh ano gusto mong itawag ko? Honey? Babe?" Then he smirked. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at pinalo siya sa braso.
"Magtigil ka nga. Haha. Lai. You can call me, LAI." Sagot ko. Tumango naman siya.
"Okay. Lai."
"Zion, pwede ba magtanong?"
"Go ahead."
Huminga muna ako ng malalim. Dahil di ko alam kung tama ang gagawin ko, pero dahil curious ako, i need to do this.
"Are you really..."
"Blind? Yes." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil siya na ang nagdugtong. Pareho kaming natahimik. So bulag talaga siya.
"Wag kang mag alala. Temporary blindness lang ito."
Napalingom ako sa kanya. Di ko man kita ang mga mata niya, ramdam ko ang lungkot sa kanya.
"Hanga ako sa'yo. Culinary pa rin kinuha mo kahit wala kang makita." Natawa naman siya ng bahagya.
"Alam mo wala man ako paningin sa ngayon, malakas naman ang pandama ko." Pagpapaliwanag niya.
"Ganito, Lai." Napalingon ulit ako sa kanya.
"Ano yun?"
"Simula bukas di mo na iiyakan si Miel." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ayokong naririnig kang umiyak. Naiimagine kita kapag naiyak. Sobrang lungkot. Tutulungan kitang makalimutan si Miel."
Speechless ako sa sinabi niya. Tutulungan niya akong kalimutan si Miel? Wow. Guardian angel ko ata ito eh.
"In just one condition." Pahabol niya.
"What is it?"
"Do not fall in love with me." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Hahahahahahahaha. Ako? Mafa-fall sa yo? Advance ka masyado mag isip eh. Hahahaha" natatawa kong sabi. Nakita kong napapangiti na rin siya.
"Simula ngayon, friends na tayo. Okay?" Inilahad naman niya ang kamay niya.
"Friends".
Then we shook hands. Hindi ko talaga inaasahan na ang masungit na ito ay magiging kaibigan ko. Sometimes, fate really takes a big spin.