ZION'S POV
The next day, maaga akong nagising dahil ayokong malate sa pagpasok. Pagbaba ko galing kwarto, naamoy ko agad ang nilulutong breakfast ni mama. Nagtungo agad ako sa kusina.
"Gising ka na pala. Good morning." Sabi ni mama.
"Good morning ma."
"Kumain ka na baka malate ka pa." Inalalayan ako ni mama sa pag upo. Hindi nagtagal, may narinig ako tumatakbo.
"BRO!"
malakas na sigaw ni Gab. Muntikan na akong mabulunan dahil sa gulat.
"WALANGHIYA KA NAMAN TALAGA GAB! ANONG MERON AT UMAGANG UMAGA NAGSISISIGAW KA?!" Inis din na sigaw ko.
"Andyan si Ms. Vocalist sa labas. Nakasakay sa scooter niya." Ramdam ko na nagtatatalon si Gab dahil nakita na naman niya si Lai.
"Mukhang may sundo ka ata ngayon nak ah." Pabirong sambit ni mama.
Inalalayan ako ni Gab palabas.
"Nasa tapat na tayo ng gate niyo. Si Ms. Vocalist, nasa harap mo." Sambit ni Gab.
"Good morning, Zion." Masiglang bati ni Lai. Mukhang masaya ata siya ngayon.
"Good morning. Wow, mukhang masaya ka na ngayon ah?" Narinig ko na bahagya siyang natawa.
"Haha syempre. Tinapos ko na kagabi. Salamat sa'yo."
"Nakangiti ka ba?" Tanong ko.
"Yep. Haha."
"Bakit ka nga pala andito?" Tanong ko sa kanya.
"Sabay tayo pumasok. Angkas kita." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"May scooter kasi si Ms. Vocalist. Sumabay ka na, kung ayaw mong ako ang sumabay." Pagpipilit ni Gab.
"Lapit ka, Gab. May sasabihin ako."
Nang ramdam kong malapit na siya bigla ko siyang sinapok.
"Aray!" Reklamo nito.
"Magtigil ka." Pagbabanta ko.
"Ms. Vocalist, ano pangalan mo?" Narinig kong tanong ni Gab.
"I'm Lai. Ikaw?"
"Gab." Sagot ni Gab.
"Tara na baka malate tayo." Pagsingit ko sa kanilang dalawa. Inalalayan nila ako sa pagsakay sa scooter ni Lai.
"Kapit ka sa bewang ko. Baka mahulog ka." Utos ni Lai. Inalalayan naman ni Gab ang kamay ko papunta sa bewang ni Lai.
"Ingat kayong dalawa. Ingatan mo bestfriend ko, Lai." Pahabol ni Gab.
"Hahaha. I will." Inistart na ni Lai ang scooter. Pero di pa niya ito pinatakbo.
"Gab, pasuot nitong helmet kay Zion."
Naramdaman kong isinuot ni Gab sa ulo ko ang helmet. Agad na pinatakbo ni Lai ang scooter niya. Ramdam ko ang hangin dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Lai. Sayang nga lang at hindi ko makikita ang paligid
"Maganda panahon ngayon. Maganda ang pagkakabuo ng mga ulap." Sambit ni Lai.
"Mabilis ka pala magdrive."
"Haha. Wag kang mag alala, makakarating tayo ng ligtas." Paninigurado ni Lai.
Dahil sa sinabi niya, alam kong safe ako sa kanya. Di ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya kahit ilang araw pa lang kaming magkakilala.
Dahil mabilis magpatakbo si Lai, nakarating agad kami sa school. Hinubad ko na ang helmet na ginamit ko at iniabot ito sa kanya. Dahan-dahan akong bumaba sa scooter niya
"Salamat. Teka nasaan yung stick? Yung dala dala ko palagi?" Tanong ko kay Lai. Agad niyang kinuha ang kamay ko at saka iniabot yung stick.
"Tara." Sabay kaming pumunta sa klase namin ngayon.
Sa kitchen laboratory kami nagtungo dahil may practical kami ngayon.
"Kailangan mo ba ng assistance?" Tanong ni Lai. Napailing naman ako.
"Nah. Kaya ko naman eh. Salamat." Gamit ang stick, kinapa ko ang daanan.
"Huy madadali mo yung baso!" Sigaw ni Lai. Rinig ko na tumakbo ito sa gawi ko at narinig ko ang pagbalik niya ng baso.
"Nice catch." Sabi niya.
"Mukhang makakabasag ka pa. Mabuti nasalo ko. Haha." Pahabol niya. Inalalayan niya ako papunta sa pwesto ko.
Hindi nagtagal, dumating na ang prof namin. Pinagluluto niya kami ng side dishes. Nag umpisa na akong mangapa ng mga ingredients.
"Hinanap ko na para sa'yo." Rinig kong sambit ni Lai. Nang kinapa ko ulit ang paglulutuan ko, naramdaman ko na nilagay na ni Lai lahat.
"Thank you." At nagsimula na kaming magluto. Kahit di ko masyadong kailangan ng assistance, nilalapitan ako ni Lai upang tulungan. Nang magdismiss na, dumeretcho kami ni Lai sa next subject namin.
"Grabe. Amaze ako sa'yo kaya mong maghiwa kahit wala kang paningin." Manghang sambit ni Lai.
"As i told you, malakas pandama ko. Anyways, salamat sa tulong mo." Tinapik naman ako ni Lai sa likod.
"Always. Kaibigan mo ako eh. Kaya andito lang ako. Willing to help. Anyways, may gig ako mamaya sa resto namin. Punta ka ha?" Pag iimbita ni Lai.
"Tignan ko. Honestly, maganda boses mo. Pero mas maganda kung nakikita kita. Naiimagine ko lang kase ang itsura mo based on Gab's description." Hindi na siya nagsalita ulit. Hala. Baka nagalit ito?
"Nakangiti ka ba?" Tanong ko
"Haha. Oo naman. Diba sabi mo temporary blindness lang yan, so makakakita ka pa. Aantayin ko ang araw na yun. Aantayin ko ang araw na makikita mo kagandahan ko. Hahahahahahaha" pagbibiro ni Lai.
Kaya naman di ko napigilan at nahawa na ako sa pagtawa niya. Lumipas ang maghapon sa school at sa wakas uwian na.
"Huy, gusto mo isabay na kita papunta sa resto? Dun ka na lang din magdinner. My treat" Tanong ni Lai.
"Sige wag na lang. Aantayin ko na lang si Gab. I'm pretty sure gusto nun na manood. Big fan mo kaya yon." Sagot ko.
"Hahaha kaya pala puro positive ang description niya sa akin
Hahahaha!" natatawang sagot ni Lai.
"Hahahaha! Totoo ba talaga mga yon? Medyo ogag din kasi yun si Gab kaya minsan duda ako sa reliability niya." Tanong ko.
"Haha. Oo. Tama. Lalo na description niya sa pananamit ko. Wag kang mag-alala, kakaltukan ko yun kapag mali ang pagdescribe niya sa akin sa'yo" Sambit niya.
Tumango naman ako bilang tugon. Natawa naman kami pareho dahil napag-usapan din namin ang mga kalokohan ni Gab. Hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras
"Uhm, sige mauna na ako. Salamat sa time" Pagpapaalam ni Lai.
Narinig ko ang pag start ng scooter niya at ang pag alis nito. Siguro ang cute niya. Dahil base sa kung paano siya ilarawan nila Gab, it seems that her beauty can leave everyone in awe. Sana lang talaga bumalik na ang paningin ko, because i want to see her.