CHAPTER 5

1160 Words
LAI'S POV "So this is the last song that we are going to perform for today so i hope you all like it." I smiled at the guests as i began to strum the guitar. I decided to play the song, "Blinded" by Emmit Fenn "Don't need this like I used to 'Cause I feel blinded, blinded by you Habang tinutugtog at kinakanta ko ang kanta, hindi ko mapigilan na maalala ang mga memories namin ni Miel na magkasama, either it was good or bad memories.  Flashbacks starts to run fast in my brain, the way he hurts me and the way i hurt myself because i loved him Don't need this like I used to 'Cause I feel blinded, blinded by you Tears starts to falls down from my eyes but i managed to finish the song and as i was on the outro part i, slowly strum the guitar as i slowly wiped my tears. Don't need this like I used to 'Cause I feel blinded, blinded by you" Nagpalakpakan naman ang mga tao after namin magperform. Nakita kong pumalakpak din sila Zion at Gab. Napangiti ako nang makita kong pumalakpak si Zion.  "Wahhh! ang galing galing talaga ni Ms. Vocalist. Big fan here." Sambit ni Gab nang makarating ako sa table nila. "Hoy Gab, umayos ka nga. Baka maihi ka dyan sa sobrang kilig. Oy Ms. Delivery girl ,bigyan mo nga ng autograph 'tong ungas na ito." Sabi ni Zion. Hindi ko mapigilan na di matawa sa magkaibigang ito. Parehong pareho kasi sila. Parehong malalakas ang sense of humor. At kahit kailan talaga napaka bossy niya. Daig pa niya ang mga CEO ng isang kumpanya. "Hay nako. Magkaibigan talaga kayo. Trip niyo na naman ako. Anyways, tara kain tayo. Nakakagutom din ang kumanta ng kumanta noh. Don't worry libre ko."  Agad kong tinawag ang waiter at umorder na ng pagkain namin. "Birthday bukas ni Kylie." Sambit ni Zion. "Ay oo nga. Pupunta ka ba?" Tanong ko sa kanya. "Depende kung pupunta ka." Sagot nito. Napailing na lang ako sa sinagot niya. "Talagang sa akin nakadepende desisyon mo ah. Saan ba gaganapin?" Tanong ko. "Sa Nasugbu, Batangas. May beach doon Beach party kasi yung tema." Sagot ni Zion. "Malayo layong byahe yun ah." Sambit ko. "May scooter ka naman, Ms. Vocalist." Singit ni Gab. "Minsan lang makagala yang si Zion. Sulitin niyo na." Pang-aasar ni Gab, kaya naman agad siyang nabatukan ni Zion. May point nga naman si Gab, kaso baka di rin maenjoy ni Zion dahil di siya nakakakita. Mabuti at hindi ko nayaya na manood ng sunset. "Ano, tara?" Tanong ko kay Zion. Nagkibit balikat ito bilang tugon. "Edi maghanap na tayo ngayon ng pang regalo." Sabi ni Zion "Ano ka ba naman, past 10 pm na. Sarado na mga malls. Bukas na lang agahan natin. Mag papaalam na ko kay mommy na di ako makakapagdeliver bukas." Pagpapaliwanag ko. Tumango naman si Zion bilang pagsang ayon. Kinabukasan ay maaga kong sinundo si Zion sa kanila at magkasama kaming nagtungo sa mall para mamili ng regalo. "Anong regalo ba bibilhin natin?" Tanong ni Zion. "Kahit ano. Hmm... Siguro mga bagay kung saan mahilig ang mga babae?" Sagot ko. Tumango siya at agad kaming nagtungo sa department store. "Ayos na kaya damit ipangregalo?" Tanong ko kay Zion. Nagkibit balikat naman ito. Minsan hindi ko alam kung interesado siya na magregalo eh. "Pwede rin. Tapos bag." Suggest ni Zion. "Pwede.Salamat sa suggestion." Sambit ko. Kinuha ko na ang magandang dress pati sling bag at nagtungo na kami sa cashier. "Hintayin mo ako dito. Magbabayad lang ako." Tumango naman si Zion at agad na akong pumila. Medyo mahaba ang pila kaya naman medyo natagalan akong natapos. "Saan mo gusto kumain? Magtatanghalian na eh. Gabi pa naman yung party kaya kahit 1 pm tayo bumiyahe." Tanong ko kay Zion. "Hmmmm... Ikaw bahala." Sagot niya. Hinawakan ko na siya sa braso para alalayan sa paglalakad, habang naglalakad ay nag susuggest ako ng mga resto na available sa mall. Sa dinami-rami kong sinabi ay nauwi kami sa Jollibee. "Anong order mo?" Tanong ko at agad na sinabi sa kanya ang mga available sa menu. "Kahit ano na lang." Tugon niya. Napailing na lang ako. Sana pala hindi ko na binasa buong menu sa kanya. Inalalayan ko muna siya papunta sa upuan bago ako umorder. After a while nang matapos ako mag order, ay agad ko nang pinuntahan si Zion. "Sorry natagalan. Ang haba ng pila eh." Pagpaaliwanag ko. "Ayos lang." Sagot niya. "May itatanong ako?" Sambit ko. "Ano yon?" "Napansin ko kasi, nag culinary course ka pero lagi kang nagte-take out ng pagkain. Di ka nagluluto sa inyo?" Tanong ko. Natawa naman siya ng bahagya. "Si mama ang nagluluto sa amin. Pero dahil ayoko siyang mapagod ng sobra, nagpapa take out na lang ako ng pagkain. Busy rin kasi sa work yon." Pagpapaliwanag niya. "Mabait na bata." Pagbibiro ko. "Ako pa ba?" Pagmamayabang niya.  "Yun din ang dahilan kung bakit culinary ang kinuha ko kahit bulag ako. I want to learn. Ayokong maging pabigat sa mga tao na nakapaligid sa akin." Dagdag niya.  Natahimik na lang ako sa sinabi niya, at hindi nagtagal ay dumating na ang pagkain namin. "Dalian na natin. Malayo layo pa biyahe natin." Dagdag pa niya. Agad kong inabot sa kanya ang utensils niya at hindi ko mapigilan na pagmasdan siya. Pinanood ko siya habang kinakapa niya gamit ang kutsara at tinidor ang pagkain niya. "Ang sarap talaga ng chicken nila." Sabi ni Zion nang magawa niyang bawasan ang manok niya "Ngayon ka na lang ba ulit nakakain sa Jollibee?" Tanong ko. Napailing naman siya. "Hindi ah. Kumain ka na." Sagot niya. Agad ko naman siyang sinunod at inumpisahan ko nang kumain. Nang matapos na kami sa pagkain ay agad na kami nagtungo kung saan naka park ang scooter ko. Inistart ko na ang scooter at binigay sa kanya ang helmet at dahan dahan siyang inalalayan na makasakay. "Baka nahihirapan ka kasi may kasama kang bulag." Sambit ni Zion. Natahimik naman ako. Para sa akin kasi hindi siya bulag, dahil babalik pa naman ang paningin niya according sa kanya.  "Hindi ah. Masaya nga ako eh." Sagot ko. Agad na namang natahimik ang paligid namin  "Kumapit ka na sa akin." Sambit  ko. Nilagay na niya ang kamay niya sa bewang ko. Inayos ko ito at inilagay sa may tiyan ko.  "Para di ka mahulog." Pagpapaliwanag ko. Ngumiti naman siya. Pinatakbo ko na ang scooter at nagpatuloy na sa biyahe. "Sa Batangas din diba matatagpuan ang Taal Volcano?" Tanong ni Zion. "Oo. Gusto mo ba puntahan natin bago tayo umuwi bukas?" Tanong ko. "Kung pwede. Kaso di ko naman makikita eh." "Pipicturan kita doon. Para kapag nakakakita ka na, makikita mo ang sarili mo doon." Sagot ko. "Talaga?! Salamat."  Nakangiting Sagot ni Zion. Napangiti na lang ako. Natutuwa ako dahil gusto niyang enjoyin ang buhay kahit na di siya nakakakita. Bilang kaibigan, tutulungan ko siya na makamit yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD