CHAPTER 6

1017 Words
ZION'S POV Matapos ang dalawang kalahati't oras na biyahe, narating na rin namin ang San Juan, Batangas. "Nagtext si Kylie. Sa Laiya daw gaganapin." Sambit ni Lai. Kaya naman agad kamung dumeretcho papunta doon. "WOW! ANG GANDA DITO!" Narinig kong sambit ni Lai nang makarating kami.Napangiti ako dahil mukhang mag eenjoy kami ni Lai dito. "Gaano kaganda?" Tanong ko. "Parang Boracay. Ang ganda ng white sand. Tapos asul na asul ang tubig-dagat." Paglalarawan niya. "Dito ka." Bigla niya akong ipinuwesto kung saan at nang nakahanap na siya ng maayos na pwesto ay binitawan na niya ako "Bakit?" Tanong ko. "Wag kang aalis. Pipicturan kita." Sagot ni Lai. "1...2....3... SMILE" Agad naman akong ngumiti. Agad naman niya akong sinabihan na magpalit ako ng mga poses hanggang sa matapos kami. "Polaroid ang gamit kong camera. Para kada magpipicture tayo, madedevelop na agad." Sabi ni Lai. "Bakit hindi na lang cellphone or something?" Tanong ko. "Kasi may possibility na mabura. Eh atleast eto, lalabas na agad ang picture. Pwede mo nang itago." Pagpapaliwanag ni Lai. "Tara na. Baka hinahanap na tayo ni Kylie." Sabi ko. Agad naman niya akong inalalayan maglakad. Nagpunta agad kami sa isang resort kung saan gaganapin ang kaarawan ni Kylie. "Uy Zion! Mabuti at nakarating kayo ni Lai." Sabi ni Kylie nang makarating kami. "Eto na regalo namin. Happy birthday!" Sabi ko. Sabay abot ng regalo sa kanya. "Salamat. Kain na kayo. Uy Lai, may special number ka mamaya." Sambit ni Kylie. "Talaga? Hindi naman ako nasabihan, pero sige." Sagot ni Lai. Inalalayan ulit ako ni Lai sa paglalakad. "Magarbo ba yung theme ng party?" Tanong ko. "Hindi. Simple lang. Kainan lang tsaka kantahan. Mamaya daw may swimming." Sagot ni Lai. Dinala niya ako sa isang lugar at pinaupo na ako. Siguro ito na yung table namin. "Ako na kukuha ng pagkain mo, Zion. Ayos lang ba?" Tanong ni Lai. Tumango naman ako bilang sagot. Ramdam ko na umalis na si Lai para kumuha ng pagkain namin. "Ito na pagkain mo." Nagulat ako nang biglang magsalita si Lai. "Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko. "Hindi. Kakarating ko lang. Hindi mo ata naramdaman ang pagbalik ko. Haha." Natatawang sagot ni Lai. Iniabot niya sa akin ang kutsara at tinidor. "Oops teka lang. Pipicturan muna kita bago ka kumain. Hahaha." Sabi ni Lai. Kaya naman ngumiti ulit ako. "1...2...3... Smile. Okay na. Kain ka na." Sabi ni Lai. Kaya naman nag umpisa na ako kumain. "Nood tayong sunset mamaya." Pagyayakad ni Lai. "Sige." Pag sang ayon ko. Tahimik na ulit nang kami ay kumain. Minsan napapaisip ako, tadahana siguro na pagtagpuin kami ni Lai. Dahil sa kanya, nabibigyang kulay ang madilim kong paningin. I maybe blind literally, pero in my imagination, i clearly see everything. LAI'S POV Inalalayan ko si Zion sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa pampang. Nagulat ako nang bigla niyang tinanggal ang tsinelas niya. Yumuko ako para pulutin ito. "Gusto ko mafeel yung buhangin eh." Pageexplain niya. Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya. "Lakad lakad muna tayo." Sagot ko. "Wait, gusto mo ba maglakad malapit sa tubig?" Tanong ko. "Sige." At pumunta kami sa malapit sa tubig. Kahit malamig ang tubig, bakas sa mukha ni Zion na nag eenjoy ito. "Tara picture tayo together." Hinila ko siya papalapi, at tinapat ko sa amin ang camera. "1..2..3 smile". Isang flash na halos nakakabulag dahil sa liwanag at dahil malapit ito sa mukha namin...kahit ako lang ang nakakita at agad namang lumabas ang litrato namin na magkasama mula sa camera. "Picturan ko kayong dalawa dali." Sabi ni Kylie. Hindi ko namalayan na kasunod pala namin si Kylie kasama ang mga kaibigan niya. "1... Compress ka Lai kay Zion. Masyado kang malayo." Agad kong sinunod ang utos ni Kylie. "Zion, akbayan mo si Lai." Mukhang nagulat si Zion sa sinabi ni Kylie. Pero mas ikinagulat ko ay yung bigla niyang pagkapa sa balikat ko at nang mahanap niya ay agad naman siyang umakbay sa akin. shit. Bakit bigla yatang bumilis ang t***k ng puso ko? "Okay... 1...2...3 smile." Klik Hindi ko alam kung ano na ang nagiging itsura ko sa litrato dahil bigla akong nabothered sa naramdaman ko. "Isa pa.. Wacky naman...1...2..3" Klik "See? Ganda ng background niyo. Sunset. Oh, itago mo itong pictures." Sabay abot sa akin ni Kylie ng mga polaroid shots namin "Thank you." Pagpapasalamat ko. "Welcome. Uy bumalik agad kayo sa resort. Kakanta ka pa." Pagpapaalala ni Kylie. Tumango naman ako bilang tugon at agad na silang naglakad papalayo sa amin. Naiwan na lang kaming dalawa ni Zion "Uh...Gusto mo bang maupo muna?" tanong ko. Tumango naman si Zion bilang tugon kaya naman ay agad ko siyang inalalayan sa pag-upo sa buhanginan. Naging tahimik bigla ang paligid. Walang ni-isa sa amin ang nagsalita. "Maganda ba yung pictures?"  "O-oo.Excited na nga ako na bumalik paningin mo eh. Para makita mo kung gaano tayo kasaya dito." Sabi ko. Napasapo naman ako sa noo ko. Bakit ako biglang nautal? "Paano kung taon ang aabutin bago bumalik ang paningin ko?" Tanong niya. Di ko alam pero bigla akong nakaramdam ng lungkot. Hindi man niya nakikita ay binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. "Aantayin ko pa rin. Willing ako mag hintay gaano man katagal. Kaibigan kita eh. Gusto ko, dumating ang panahon na ibabalita mo sa akin na nakakakita ka na. " Then i smiled. Nakita kong napangiti din siya. "Salamat. Salamat dahil tinutulungan mo ako. Mula nang nawala ang paningin ko, nabawasan din ako ng mga kaibigan. Siguro dahil magiging pabigat lang ako sa kanila." Bakas sa boses ni Zion ang lungkot. Hindi mo talaga makikilala ang isang tao kapag hindi mo ito sinubukan na intindihin. "Ako dapat magpasalamat sa'yo eh. Dahil sa'yo, di ko na iniiyakan si Miel. Salamat dahil nung gabing yon, napadaan ka sa lugar na iyon. Nung gabing kailangan ko ng kausap." Napangiti naman siya sa sinabi ko. Inakbayan niya ako at isinandal sa kanya. "That's what friends are for." Nakatingin lang ako sa sunset. Masaya ako na kasama ko manood ng sunset ang lalaking di ko inaasahang magiging kaibigan ko. kaibigan nga lang ba talaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD