CHAPTER 7

1099 Words
LAI'S POV Napagdesisyunan namin ni Zion na bumalik sa resort dahil kakanta pa ako. Inalalayan siya ni Kylie habang nag hahanda ako para sa performance. Hindi nagtagal nag start na tumugtog ang banda. Kinanta ko ang isa sa mga hit songs ni LANY, ang "ILYSB" "And you need to know, That you keep me up all night....all night. Oh my heart hurts so good, I love you babe So bad.... So bad" Nagpalakpakan naman ang mga bisita at napadako bigla ang tingin ko kay Zion na masayang nakangiti habang pinapakinggan ako. Nang matapos ako ay agad na akong pumunta kila Zion at Gab. "Ang galing mo talaga kumanta." Sabi ni Zion. "Bolero ng taon!" Pang-aasar ni Gab. Natawa na lang ako at bahagya siyang hinampas "Sus! Nambola ka pa. Anyways, thanks." Sagot ko. Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang mukha ko. "Wag kang malikot. I'm trying to analyze kung ano ang itsura mo." Agad niyang kinapa ang mukha ko, memorizing every features of my face. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. My heart was racing faster than normal.  "We just met, but i felt like i've known you for years already." Sabi niya habang nakahawak pa rin sa mukha ko. Ang bilis ng panahon, di ko ramdam na it's almost September. Kung sabagay wala naman mahalagang nangyari kundi as the same routine. Isasabay si Zion sa pagpasok, aalalayan siya, magdedeliver tuwing weekends at may gig araw araw. Although kahit tinutulungan or salitan kami ni Gab sa pag-alalay kay Zion, pakiramdam ko it's been a long time. "Namumula ka." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Paano mo naman nasabi? Eh di mo naman nakikita?" Tanong ko. "Ramdam ko eh. Ramdam ko pag init ng mukha mo eh. " Pang aasar ni Zion. Inalis ko bigla ang mga kamay niya sa mukha ko.  "Hindi kaya. M-mainit lang dito." Pagdedeny ko. Kinuha ko sa sling bag ko ang salamin at tinignan ko kung namumula talaga ako at hindi nga siya nagkamali. Damn, tapos nautal ulit ako sa harap niya. "Namumula nga." Bulong ko.  "Huy, Lai. Natahimik ka na dyan." I almost fell out of my seat nang biglang nagsalita si Zion. "Nagblush ka nga no?" Pang aasar nito. "H-Hindi. Tigilan mo ako." Pagtatanggi ko. Hindi pwede. May kasunduan kami. Walang mafa-fall. Namula lang ako dahil mainit dito. "Wag kang magsinungaling. Ramdam ko." Sabi ni Zion. "Nailang lang ako kaya ganun. Wag mong bigyan ng kahulugan." Tumango naman siya at ibinalik namin ulit ang atensyon namin sa party. That jerk. ZION'S POV Nang matapos ang party ay agad na nagkayayaan ang lahat para mag swimming. "Magpapalit lang ako ng damit. Magpalit ka na rin." Sabi ni Lai. Paalis na sana siya pero pinigilan ko siya. "Why?" Tanong niya. "Magsu-swimming ka?" Tanong ko. "Oo. Tsaka di lang ako. Kasama ka." Sabi niya. "Hoy paano ako makakapagswimming eh wala akong makita?" Tanong ko. Hinawakan naman niya ako sa parehong balikat. Ramdam ko na malapit ang mukha niya sa akin. "Ginagawa mo?" Tanong ko. "Wag kang mag alala. Aalalayan kita magswimming. Magbababad lang tayo sa tubig." Sagot niya. "Kailangan ba malapit ang mukha mo sa akin?" Tanong ko. Natawa naman siya sa sinabi ko at hinampas ako sa balikat. " Kung ano ano na naman iniisip mo eh. Ang hirap kaya makipag usap kapag nakaupo yung kausap mo." Sagot niya. Biglang nag init ang mukha ko. Pakiramdam ko namumula na rin ako. "Wag kang mamula dyan. Hahaha! Magbihis ka na rin. Eto gamit mo. Lika na, aalalayan kita papunta sa cr ng boys. Baka kung anong isipin mo." Itinayo ako ni Lai at agad na tinawag si Gab para tulungan siyang alalayan ako papunta sa Cr. "Sige na, magbibihis na ako." At narinig ko ang pag alis niya. Agad naman akong inalalayan ni Gab sa pagbibihis at nang matapos na ako, ay lumabas na kami ng cr.  Tara na punta na tayo sa dagat." Pag yayakad ni Lai. Habang naglalakad, naririnig kong hinu-hum ni Lai yung kinanta niya kanina. "Para kanino ba yung kanta?" Tanong ko. Agad siyang napatigil sa paglalakad. "Wala. Why?" Tanong niya. "Wala naman. Tinanong ko lang." Sagot ko. "Picture tayo." Sabi niya. "Ulit? Wala ka bang sawa sa picture?" Bahagya naman siyang natawa. "Ano ka ba naman, This day is awesome. So we should take a pictures as a memories. At tsaka di ba sabi ko sa'yo lahat ng gagawin natin na masaya, kukuhanan natin ng litrato para kapag nakakakita ka na, makikita mo kung gaano kasaya ang moment na yon. Make it last for a lifetime through pictures." Pagpapaliwanag niya. Biglang bumilis ang heartbeat ko nung sinabi niya yun. Well maybe i'm just flattered of her enthusiasm? "Tara na." Sabi ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Zion! Lai! Tara na. Magtampisaw na kayo!" Sigaw ni Kylie. Agad na akong dinala ni Lai kung saan hanggang sa bigla ko na naramdaman ang tubig sa mga paa ko. Mukhang papunta na kami sa dagat. Palusong na sana kami nang bigla akong napatigil. "Don't be scared. I'm here." Bulong ni Lai at hinawakan niya ang kamay ko. dugdug... dugdug.... Napahawak ako nang di oras sa dibdib ko. Dahil biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang hinawakan ni Lai ang kamay ko. "Ayos ka lang?" Tanong ni Lai. Tumango naman ako. Nagpatuloy lang si Lai sa paghila sa akin hanggang sa umabot na sa dibdib ko ang tubig. "LAI, ANG LALIM NA NITO!" sigaw ko. "Hindi yan. I'm here okay?" Sagot niya. Bigla akong napahawak sa tagiliran niya. Ramdam ko ang hininga niya, kaya alam kong magkaharap kami ngayon. dugdug...dugdug Hindi pwede ito. May usapan kami. Walang mafa-fall. We're just friends. May boyfriend si Lai. "Zion?" Nagulat ako nang magsalita si Lai. "Bakit?" Tanong ko. "Di mo natanggal shades mo. Baka mahulog yan." Sambit ni Lai. Di ko siya pinakinggan, bagkus ay hinawakan ko ang pisngi niya. "Hindi mo alam kung gaano ko kagusto na makita ka." Bulong ko sa kanya. Hinila ko siya papalapit sa akin. Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko nang malapit na siya sa akin. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya. "LAI! SI MIEL PAPUNTA DAW DITO!" Napabitaw bigla si Lai nang marinig niya ang sigaw ni Kylie. "Tara na, umahon na tayo." Sabi niya sa akin. Tumango naman ako at inalalayan niya ako pabalik sa dalampasigan. Pansin ko na parang kinakabahan siya, kaya naman agad kong  hinawakan ang  kamay niya. "Ayos ka lang?" Tanong ko "Oo." Tugon niya. Hindi ko alam pero hindi maganda ang kutob ko...or maybe i overthinking things.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD