CHAPTER 8

1242 Words
ZION'S POV "Sure kang kaya mo siyang harapin?" Tanong ko kay Lai nang makarating kami sa kwarto. "Yeah. Dito ka muna." Hindi nagtagal narinig ko ang pagsara ng pinto. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Sabi naman ni Lai sa akin, mag uusap lang sila. Pero di talaga ako mapalagay.  Kaya naman lumabas ako ng kwarto at hinanap ko si Lai. Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin, pero mas ramdam ko yung kaba ko, sinubukan kong mangapa sa mga dinaraanan ko dahil wala akong guide. It took me a while hanggang sa may narinig akong pamilyar na boses. "Miel naman! Itigil na natin to." "Lai." Bulong ko. Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses niya. Kahit medyo mahirap ang daanan dahil medyo mabato sa resort at wala akong makita ay sinubukan kong makarating on time. "Miel! Ayoko na." Pinakinggan ko mabuti kung saan galing ang boses ni Lai. Sinundan ko yun, di ko alam kung saan na ako dinala ng mga paa ko. Ang nasa isip ko ay kailangan ako ni Lai. Kailangan ako ng kaibigan ko. Hindi nagtagal, narinig ko na ang pag-iyak ni Lai. Hinayaan ko muna sila mag usap. Kaya naman nakatayo lang ako doon. Hindi kalayuan, subalit hindi ganon kalapit para sa privacy nila. "Lai please. Wag mo akong iwanan." Pagmamakaawa ni Miel. Hindi nagtagal nakarinig ako ng isang malakas na sampal. "Hindi ka pwedeng makipaghiwalay sa akin, Lai. Akin ka lang! Tandaan mo yan!" Narinig kong sobra na ang pag iyak ni Lai kaya naman pinili ko nang pumagitan. "Lai." Pagtawag ko sa kanya. Di ko alam kung ano ang reaksyon ni Lai at ni Miel nang marinig nila ako. "Kaya ka ba nakikipag hiwalay dahil may bago ka na? Ha?! Hoy ikaw!" Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari nang isang malakas na suntok ang tumama sa akin. "Miel tama na! Tumigil ka na!" Pagpigil ni Lai. "Wag kang mangialam dito!" Narinig ko na naman ang isang malakas na sampal. Naramdaman ko na kinuwelyuhan ako ni Miel. "Ang lakas naman ng loob mong agawin sa akin ang girlfriend ko?!" Galit na sambit nito. "At ang lakas naman din ng loob mong magloko harap harapan sa girlfriend mo." Ramdam ko na nanginginig sa galit si Miel. "Miel wag mong saktan ang kaibigan ko! Umalis ka na. Tapos na tayo." Sigaw ni Lai. Di nagtagal, binitawan na ako ni Miel. "Magpakasaya kayo! Dito ka na sa lalaki mo. Tutal wala ka namang kwentang girlfriend eh." Pagkatapos nun ay umalis na siya. "Zion, ayos ka lang?" Nag aalalang tanong ni Lai. Tumango naman ako. "Ang tigas din ng ulo mo eh! Sinabi ko sayo na sa kwarto ka lang diba?" Umiiyak na sambit nito at agad niya akong inilalayan. nginitian ko na lang siya at agad kong kinapa ang mukha niya para pakiramdaman kung may sugat siya hanggang sa napadako ang hinlalaki ko sa may labi niya, dahilan para mapangiwi siya. "Kung hindi ako dumating, baka hindi lang yan ang inabot mo." Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap. "Salamat." Bulong nito. Niyakap ko din siya pabalik at tinapik sa likod. Ramdam ko ulit ang pagbilis ng t***k ng  puso ko, pero mas ramdam ko yung lungkot na nararamdaman ni Lai ngayon. LAI'S POV "Aray ko naman! Dahan dahanin mo lang." Mangiyak ngiyak na reklamo ni Zion. Kasalukuyan kong ginagamot ang sugat sa right side ng lips niya dahil sa pagkakasuntok ni Miel. "Aba! pasaway ka eh. Sinabi nang manatili na lang dito, tiisin mo yan ngayon." Sagot ko sa kanya. "Eh ikaw? Di mo din ba gagamutin yang sugat mula sa pagkakasampal niya?" Tanong ni Zion. "Gagamutin. Uunahin lang kita." At nag concentrate na lang ulit ako sa pang gagamot kay Zion. "Napakawalanghiya naman nun. Magsyota pa lang kayo pero pinagbubuhatan ka na ng kamay. What if kung mag asawa na kayo? Mabuti nakapagdecide ka na na makipaghiwalay." Galit na sabi ni Zion. "Naalala ko kasi yung sinabi mo sa akin noon., na hindi na yun pagmamahal, kundi pagpapakatanga na. Pinag isipan ko and it turns out na tama ka. Kaya kahit mahirap, i decided to end it all." Sagot ko. Pahirapan pa ako para makipaghiwalay kay Miel dahil ayaw niyang hiwalayan ko siya kaya naman nauwi sa kaguluhan ang pag-uusap namin. "Tapos na. Gagamutin ko naman sarili ko. Tapos mamaya, tambay tayo sa dalampasigan. Masarap yung simoy ng hangin ngayon. Mag bonfire tayo." Sambit ko kay Zion. Patayo na sana ako nang hinigit niya ulit ako pabalik. "Ako na mag gagamot sa'yo. Abot mo na lang sa akin yung pang first aid." Agad ko naman itong sinunod. Tinulungan ko na siya sa paglalagay ng gamot. Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko pababa hanggang marating niya ang gilid sa ibabang labi ko. "Oww. Dahan dahan lang." Sambit ko. Napangiti naman siya. "Sa susunod, wag mong hahayaang sampalin ka ng isang lalaki." Sagot ni Zion. "Oo na." Habang ginagamot niya ako ay nakatingin lang ako sa kanya. Mabuti at hindi niya nakikita kung paano ako tumingin. Dahil lalo lang ako lalamunin ng lupa sa kahihiyan. Nang matapos na niya gamutin ang sugat ko, tumayo na ako at agad na kinuha ang scarf ko. "Tara sa dalampasigan. Nag bonfire sila Kylie doon." Iniabot ko ang kamay ko kay Zion upang tulungan itong makatayo. "Huy Lai, saan kayo nanggaling? Kanina pa namin kayo hinahanap. Okay lang kayo?" Nag aalalang tanong ni Kylie nang makarating kami. "Oo. Wala na kami ni Miel." Halatang nagulat si Kylie dahil sa ibinalita ko. "Wow! Good for you, pero anong nangyari sa mukha niyong dalawa?" Tanong ni Kylie. "Nah. ayos lang kami." Sagot ko dahil ayoko na magpaliwanag. Mukhang naintindihan ni Kylie na ayaw kong pag usapan ang nangyari kaya naman hindi na siya nagtanong pa. "Okay.. magsuswimming lang kami. Enjoyin niyo yang bonfire."  At umalis na siya. Inilatag ko ang scarf ko sa buhangin at umupo na kami ni Zion. "Naka pig tail ka pa rin ba ngayon?"  Tanong ni Zion.  "Hindi. Minsan lang naman ako mag pig tail. Naka lugay ako ngayon." Sagot ko. Mula sa pagkakaupo ay agad kaming nahiga. "Ang ganda ng stars ngayon." Sabi ko. Agad kong kinuha ang polaroid camera na nasa tabi ko at agad na .pinicturan ang kalangitan "Makinang ba sila?" Tanong ulit ni Zion. "Oo. Maliwanag din ang buwan ngayon." Sagot ko. Tumagilid ako paharap sa kanya. "Tumagilid ka sa kanan mo." Utos ko. Agad naman niya itong sinunod kaya magkaharap na kami. "Gusto kong makita mga mata mo. Gusto kong makita kung kasing ganda yan ng mga bituin sa kalangitan." Mukhang nagulat siya sa gusto kong mangyari. "Walang maganda sa mga mata ko." Sagot ni Zion. Hinawakan ko ang sunglasses niya at unti unti ko itong tinanggal. Bumungad sa akin ang mapupungay niyang mga mata. Kaya naman mas lalo akong napangiti. "Di dapat tinatago ang ganitong kagandang mga mata. Madilim man ang iyong paningin, ang mga mata mo naman ang magsisilbing mga bituin ng katauhan mo bukod sa iyong puso." Sambit ko habang iginagala ko ang aking kamay sa paligid ng kanyang mga mata. "Aantayin ko ang araw na makakakita ka. Gusto ko, balitaan mo agad ako kapag nakakakita ka na. Dahil ang pagbalik ng paningin mo, ang siyang aking panalangin."  Napangiti naman si Zion at tumango. "Oo naman. Isa ka sa mga taong naging malapit sa akin. Asahan mong, babalitaan kita kaagad." Napangiti ako sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD