LAI'S POV
Kinabukasan, maaga kami nagising ni Zion dahil pupuntahan pa namin ang Taal Volcano. Dahil gustong gusto niya itong puntahan. Halos hindi niya ako tinigilan sa pangungulit. Nagpaalam na kami kila Kylie at agad na kaming umalis.
"Excited na ko makita yung Taal." Sabi ni Zion. Di ko naman napigilan ang matawa sa sinabi niya, napatigil ako nang marealize ko na medyo siraulo ako doon.
"Hahahaha...sorry." Tinakpan ko na lang ang bibig ko nang makita kong nag pout si Zion. So cute.
"Oo na sige na. Ako na di nakakakita. Wag kang mag alala makikita ko din yan." Inis na sabi niya. Sobrang cute niya kapag naiinis. Para siyang bata. Isinuot ko na sa kanya ang helmet, at inalalayan siyang sumakay. Pinilit ko siya na sumabay na lang kay Gab dahil naka kotse ito pero hindi siya pumayag.
"Siguro ang dami nang pictures na nasa iyo, ano?" Tanong ni Zion.
"Oo. Gagamitin ko yun para sa scrapbook." Pagpapaliwanag ko.
"Scrapbook?" Nagtatakang tanong ni Zion.
"Doon ko ilalagay lahat ng pictures natin. Para kapag nakakakita ka na, para ka lang nagbabasa ng isang story" Sagot ko. Naramdaman ko na medyo hinigpitan niya ang kapit sa akin.
"Sabay natin titignan at babasahin yun. Promise?" Sabi niya.
"Oo naman. Promise."
Nagtungo kami sa Talisay, Batangas. Halos muntikan pa kami magkanda ligaw-ligaw. Huminto muna kami sandali at agad naman akong tinawagan ni Gab.
"Alam niyo ba papunta sa Taal volcano?" Tanong niya.
"Hehe...Hindi eh." Pag-amin ko.
"Suggest ko mag sky-ranch na lang tayo. Kita rin naman yung view doon ng Taal volcano and lake. " Sambit ni Gab. Napangiti naman si Zion sa narinig.
"Gab, isabay mo na lang si Zion sa kotse mo. Para hindi na siya mahirapan." Sambit ko.
"Ayaw mo ba ako ka-angkas?" Tanong ni Zion.
"Hindi naman. Naisip ko lang para maging komportable ka sa biyahe. Mamaya na lang ulit kita iaangkas kapag pabalik na tayo sa Manila." Paliwanag ko.
"Okay sabi mo eh. See you there" Sagot niya. Agad naman siyang sumama kay Gab at nang makasakay na sila ay nauna na silang umalis. Agad ko namang pinaandar ang scooter ko at agad na ring sumunod.
Makalipas ang ilang oras na biyahe, narating ko na ang Sky Ranch. Naunang dumating sila Gab at Zion sa akin.
"Whoo. Kaya pa ba natin makauwi ng Manila? Haha. Nakakapagod mag drive." Sambit ni Gab
"Haha. Kailangan natin makabalik. May pasok na bukas." Sagot ko
"s**t! Oo nga, Monday bukas." Dagdag ni Zion. Maglalakad na sana kami nang biglang nag ring ang cellphone ko.
"Wait lang ha?" Agad akong lumayo sa kanila upang sagutin ang tawag.
"Hello?"
"Hello, nak. Anong oras kayo uuwi? May pasok pa kayo bukas." Sabi ni Mama.
"Uhm nasa Tagaytay po kami ma, pero uuwi din po kami agad." Sagot ko.
"Sige. Ingat kayo." Then she hungged up. Napatingin ako sa malaking ferris wheel.
"Zion! Sakay tayo sa ferris wheel." Pagyayakad ko.
"Kita ba Taal volcano dyan?" Tanong niya.
"Oo. Tara." Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad na kami papasok. Pagkatapos namin magbayad ay agad kaming sumakay sa ferris wheel.
"Alam mo ba ito ang tallest ferris wheel sa bansa? Natalo niya ang ferris wheel ng MOA at ng Enchanted Kingdom." Napangiti naman si Zion sa nalaman niya.
"Pwede ka nang mag tour guide." Pang aasar ni Zion.
Nang nag umpisa na tumakbo ang ferris wheel, todo kuha ako ng picture ng view at stolen shots ni Zion.
"Zion, Pipicturan kita background mo yung Taal lake." Agad naman siyang ngumiti at agad ko siyang pinicturan.
"Zion, dito ka." Inalalayan ko siya papunta sa isang lugar kung saan kita ang view ng tagaytay sa likod.
"1...2...3... Smile."
"Ayan. Mas maayos yung view. Tara picture tayo together. 1..2...3.. Cheese."
klik
"Picturan ko kayo. Para kita rin yung view." Agad kong binigay sa kanya yung camera kay Gab
"1..2..3....smile"
Saktong pagka ngiti ko ay bigla akong niyakap ni Zion sa likod habang nakangiti siya.
klik
Ibinalik na sa akin ulit yung kamera
"Thank you." Nang tinignan ko ang lumabas na picture, nakaramdam ako ng kakaiba.
Kakaibang t***k ng puso ko.
"Tara na. Mahaba pa biyahe natin." Pagyayakad ni Zion, kaya nagalakad na kami paalis.
ZION'S POV
"Huy, Zion. Gising na. Andito na tayo."
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. And everything is still in dark.
"Anong oras na?" Tanong ko kay Lai.
"It's past 10 pm. Kinabahan nga ako kasi nakatulog ka na nakaangkas sa akin. Mabuti hindi ka nahulog." Sagot nito. Agad naman akong inalalayan ni Gab pababa.
"Thank you." Sabi ko.
"See you tomorrow." Pagpapaalam niya. Inistart na niya ulit ang scooter niya at tuluyan nang umalis. Nagulat ako nang biglang bumukas ang gate ng bahay namin.
"Sir andyan ka na po pala. Good evening din, Gab." Sambit ni Manang Lucille.
"Good evening din, Manang." Sagot ni Gab at Inalalayan niya ako papasok sa bahay. Pumasok na ako sa kwarto at deretchong nahiga na sa kama. Nakakapagod pero masaya ang naging weekend ko kasama si Lai.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?
FLASHBACK
"Bawal tayo mafall sa isa't-isa."
*END OF FLASHBACK*
"Wag mong kalimutan iyon, Zion. May usapan kayo. Tinulungan mo lang siya para kalimutan si Miel." Sambit ko sa sarili ko. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan, muntikan ko nang maibato ang alarm clock ko sa sobrang ingay.
"Damn i'd still want to sleep." Ipipikit ko pa lang ulit sana ang mga mata ko nang biglang may nagbukas ng pintuan ng kwarto ko.
"1..2...3.. " Sabay klik ng kamera.
"THE SLEEPY HEAD WANTS TO SLEEP AGAIN. HOY ZION ANGELO GISING NA. MAY PASOK KA PA." Masiglang bati ng isang tao na iniisip ko lang kagabi na ngayon ay nasa kwarto ko upang bulabugin ako.
"Gusto ko pang matulog. Maaga pa." Pag angal ko. Pipikit na sana ulit ako nang biglang may nang hampas sa akin ng unan.
"Anong maaga? It's already 9:30 am. 10 po pasok natin. And take note, kanina pa kita inaantay." Nang marinig ko ang sinabi niya, bigla akong mapabalikwas. Kinapa ko agad sa sahig ang tsinelas ko. Agad naman akong inalalayan ni Lai sa pagkillos.
"Ayan gising ka na pala. Pinapasok ko na kaklase mo kasi kanina pa nag iintay sa'yo. Siya na rin nag volunteer na gisingin ka." Sabi ni Manang. Minadali ko na ang pagkain ng almusal pagkatapos ay naligo na ako.Inalalayan ulit ako ni Lai palabas ng bahay. Iniabot niya agad sa akin ang helmet, at inalalayan niya akong sumakay sa scooter niya.
"Going to school with this sleepy head." Natatawang sambit niya. Agad niyang pinaandar ang scooter niya. Pakiramdam ko liliparin ako dahil sa bilis niyang magpatakbo.
"Huy, easyhan mo lang. Natatakot ako sa'yo." Nag aalala kong sabi.
"Aba. Ang bagal mo eh. Late na tayo." Reklamo ni Lai.
Hindi na ako pumalag dahil alam kong kasalanan ko. Kasabay ng mabilis niyang pagdadrive ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa kaba.
"Andito na ang WILD couple ah." Bungad sa amin ni Gab. Boses pa lang niya alam ko na kaya kahit di ko siya nakikita, alam kong siya yon.
"Wild couple?" Nagtatakang tanong ni Lai.
"Oo. Wild ang Lion di ba?" Sagot ni Gab.
"LION?" Tanong ko.
"Oo. Lion. L-I-O-N. L stands for Lai and ION stands for Zion. Kaya LION. Hahahahaha ayiee." Paliwanag ni Gab with matching hampas.
"Ang corny mo. Ewan ko sa'yo." Sabi ni Lai. Hinawakan na niya ako sa kamay at sabay sabay na kaming pumasok.
"Bakit ka nakangiti?" Tanong ni Lai. s**t. Bwiset na Gab yon.
"Ahh.. Wala. Natuwa lang ako sa makulay na utak ng kaibigan ko." Sabay tawa. Hindi ko alam kung anong reaksyon ni Lai pero pakiramdam ko namumula na naman siya kaya naman hindi ko na inisip na asarin siya.