CHAPTER 10

1576 Words
ZION'S POV Lumipas ang isang buwan na palaging magkasama kami ni Lai. Kahit anong gawin namin ay di nawawala yung magpipicture siya. It's September already. 3 months na lang at pasko na, at hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin ang pagbalik ng paningin ko. "Huy Zion! Yung niluluto mo!" Sigaw ni Lai. Ramdam ko ang paglapit niya patungo sa direksyon ko. "Ano ka ba naman! Lalim ata ng iniisip mo. Hindi ganyan ang pagsusunog ng school." Sermon ni Lai. "Okay ka lang?" Tanong ni Gab. Tumango naman ako. Klik "Ano ba yan Lai! Pati pa ba naman sunog na sibuyas at bawang kailangan picturan?" Inis na tanong ni Gab. "Oo. It's part of memory." Sagot naman ni Lai. Napangiti naman ako sa sagot ni Lai. "Ang sweet naman ng LION. Ayoko na nga dito." Reklamo ni Gab, tinapik muna niya ako sa balikat at saka siya umalis. Nang magdismiss na, sabay-sabay kaming nag lunch nila Lai at Gab. "Alam mo Lai, malaki ang pinagbago nan ni Zion mula nang makilala ka nan." Sabi ni Gab. Agad kong inapakan ang paa niya sa ilalim ng lamesa. "ARAY!" Sigaw niya. "Ayos ka lang Gab?" Tanong ni Lai. "Oo. Ayos lang ako. Wag mo na lang intindihin ang sinabi ko. Oops, layas na ko. May gagawin pa ko sa library. " Pagpapaalam ni Gab at dali-dali na siyang umalis. "Nakaalis na siya?" "Oo." Sagot ni Lai. Bakas sa tono ng boses nito na nagtataka siya sa kinilos ni Gab pero hindi na lang niya inintindi yun. "Ano pala yung ibig niyang sabihin dun sa sinabi niya kanina?" Napailing naman ako bilang sagot. "Don't mind." Minsan napapaisip ako kung bakit bawal mafall sa isa't isa ang binigay kong kondisyon, eh mukhang malabong hindi mangyari yon eh. Ayokong maging pabigat kanino man kapag hindi na bumalik ang paningin ko. Pangalawa, dahil may boyfriend si Lai nung araw na yon. Napapaisip din ako kung hindi ko inilagay yung rule na yon, possible ba na mahalin ako ni Lai? That damn rule. "May itatanong ako sa'yo." "Ano yon?" Sagot ni Lai.  Di ko kaya. Kinakabahan ako. "Tatanong ko lang kung..."  Di ko maituloy sasabihin ko. "Kung?" Tanong ni Lai. "Kung.. Ano..."  Naduduwag ako peste. "Ano yon?" Tanong ulit ni Lai. "Kung paano.."  Ano ba Zion, umayos ka. "Ano nga? Pabitin ka pa eh." Sambit ni Lai. "K-kung sasama ba ako sa gig mo mamaya?" Pagpapalusot ko.. "Ikaw bahala. Haha. Akala ko naman kung ano na eh." Sagot ni Lai.  Sorry Lai. Pero sa tingin ko i'm the one who is breaking our rule. May possibility ba na mahalin mo rin ako kahit bulag ako? "Huy, ayos ka lang?" Tanong ni niya. "Oo. Tara sa field. Gusto kong tumambay doon." "Sige." Sagot ni Lai. Agad kaming nagtungo sa field. At nahiga sa damuhan. "I met this girl. Her name is Azy. Longtime crush ko siya nung elem. Then niligawan ko siya nung high school. Nagsimula mawala ang paningin ko, when i was in 4th year high school. Dun din nagumpisa na nawala siya." Di ko alam pero naging komportable na akong pag usapan si Azy. "What happened?" Tanong ni Lai. "Iniwan niya ako nung nabulag ako. Sabi niya ayaw niya ng pabigat. That's why i had no choice but to let her go. Simula nun, naging mainitin ang ulo ko sa mga tao. Di ko alam pero nag iba yun nung araw na nakilala kita." "Sinungitan mo nga ako nun eh." Sagot ni Lai "Yeah. Pero nagbago ugali ko nung nakilala kita. Magakibang magkaiba kayo ni Azy. She chose to leave me. The most painful is she's the one whom i expected to be here by my side. While you, who i just met in a fateful meeting, chose to be my eyes. And that's what i was so grateful of."  Naramdaman ko ang biglang pagbagsak ng mga luha ko. "You met people by chance. You met people by fate. Some people are destined to know you, but not to be with you for a long time. But some people are destined to be by your side no matter what, even a stranger." She wrapped her arms around my tummy. "May mga bagay na hindi mo inaasahang mangyayari. It's probably the heaven's plan.  Love is to accept who you are and what you are even your imperfections." Dagdag pa niya. "For short?" Tanong ko. "Di ka niya mahal. Iniwan ka niya nung nabulag ka eh." "Sana matagal na kita nakilala, para ikaw na lang ang minahal ko." Bulong ko sa sarili ko. "Huh?" Tanong niya. "Wala." At natahimik na ulit kaming dalawa. Mabuti nang hindi niya narinig yon. Kung pagbibigyan ako ng pagkakataon, gusto kong mahalin si Lai...mali. Gusto kong sabihin na mahal ko siya kapag bumalik na ang paningin ko.  LAI'S POV "Grabe naman effort mo dyan, bes." Sabi ni Shin habang nakahiga sa kama ko. "Syempre naman. Excited na ako na makakita siya eh. I want everything to be special" Sagot ko habang ginagawa ang scrapbook. Ang dami ko nang naidikit na pictures from a month ago until now. Kahit kasi maliliit na detalye sa nangyari nung araw na iyon, pinipicturan ko din. "Alam mo, ang laki ng pagbabago mo nung nakilala mo si Zion." Agad kong tinignan si Shin. "Pano mo naman nasabi?" Tanong ko. "Syempre ganito. Una, hindi ka ganyan ka effort kay Miel nung kayo pa. Second hindi ka na masyadong nagsusuot ng childish clothes like suspenders. Pangatlo, di ka na nakapig tail. Pangapat, nagmukha kang tao lalo. Panglima, wala na akong maisip." Sabay inom ni Shin ng juice niya. "Talaga?" "Oo naman bes. Umamin ka nga, mahal mo na noh?" Agad naman ako napalingon kay Shin dahil sa sinabi niya. "Luh. Magkaibigan lang kami." Sagot ko. "Walang kaibigan ang sobra mag effort. Kagaya nan,  at saka yung pagiging mata niya araw araw. Masyado mo nang kinareer eh." Biglang bumilis ang heartbeat ko sa sinabi ni Shin. Ako? May gusto kay Zion? FLASHBACK "Hahahahahaha! Ako? Mafa-fall sa yo? Advance ka masyado mag isip eh. Hahahaha" *END OF FLASHBACK* Mukhang kinain ko din ang mga binitawan kong salita noong gabing iyon. Ako? In love sa masungit na yon? "Hoy ano natulala ka na? Tama ako noh?" Nagulat ako nang biglang nagsalita si Shin. "Wag ka na ngang magulo. Ginagawa ko pa itong scrapbook. Shhhhh." Saway ko dito. Hindi nagtagal may kumatok sa kwarto ko. "Nak, andito si Zion. Hinahanap ka." Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko. Ano na naman kaya ginagawa niya nang ganitong oras?Dali dali akong tumingin sa salamin, nag polbos at nag ayos. "Ayos lang ba bes? Di ba ko panget tignan?" Tanong ko kay shin. "Yan ba ang hindi in love? Hay nako! Fyi bes, bulag si Zion kaya kahit mag ayos ka dyan or hindi, hindi niya makikita." Napasapo na lang ako sa noo ko. Bakit di ko naisip yon. Napailing na lang ako at dali dali akong bumaba. "Huy easy lang sa pagbaba, anak." Saway sa akin ni mommy. Nakita ko naman si Zion na nakaupo at ngumiti. Ang cool niya talaga manamit. "Tara." Sambit ni Zion. "Saan?" Tanong ko. "Lakad lakad tayo sa park. Ipinaalam na kita." Lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Anytime pwede na akong sumabog dito. Kaya naman tumango na lang ako at inalalalayan siya palabas. Naglakad lakad kami sa park malapit sa subdivision namin. Napatingin ako sa relo ko. And it's 11 pm pero lakas makapagyaya sa park ng lalaking ito. Nang may nadaanan kaming bilihan ng fries, napagpasyahan namin na bumili at yun lamang ang kinain namin habang naglalakad. Kagaya pa rin ng nakagawian, nag picture ulit kami. "Upo muna tayo." Sabi ko. Agad na nakakita kami ng vacant na park bench at dun kami naupo. "Wala bang stars ?" Tanong ni Zion. Agad na napatingin ako sa kalangitan. "Wala. Maulap ngayon." Sagot ko. Laking gulat ko nang hinila ako ni Zion papalapit sa kanya. Hinawakan niya ang mga pisngi ko. Trip ata neto ang pisngi ko eh. Laging hinahawakan. "Tapos mo na yung scrapbook? Excited na akong makita yun eh." Masayang sambit ni Zion. "Malapit na." Sagot ko. Tumango naman siya. Ipinunta niya ang mga kamay niya sa mata ko. "Mapungay din mga mata mo. Mahaba pala pilik-mata mo." Di ko napigilan ang mapangiti sa pag kompliment niya. "Totoo bang may dimples ka?" Tanong niya. Ngumiti naman ako at ibinaba ang kamay niya sa dalawang pisngi ko as he gently pokes it. "Meron nga. Haha. Siguro ang cute mo. Dalawang dimples, kaliwa't kanan." Natawa naman ako nang bahagya sa sinabi niya. "Lai." Unti unti siyang lumapit sa akin. dugdug... dugdug.... Yung feeling na ilang inches na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa kaya naman napapikit ako. "Kumain ka ng Fres Candy, noh?" Natatawang tanong ni Zion. Pagmulat ko, natawa na ang mokong. "Kanina. Bago ka dumating." Sagot ko "Ahh. Wala. Ang bango eh. Halika na, uwi na kita." Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sinabi niya. "ANONG IUUWI MO AKO? SIRAULO!" sigaw ko. "Baliw. Ihahatid na kita sa inyo." Paliwanag niya Gusto ko nang sapukin ang lalaking to eh. Pati na rin sa sarili ko. Grabe sa pag assume. Damn it. Pero hindi ko alam pero nakaramdam ako ng disappointment. Did i just expect a kiss?! Nah. Pero---ARGHHHHH
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD